The Great Maldito

Thou shall not bitch

On training

Nagsimula na pala ako sa bagong kompanya. Mahirap kumpara sa dating trabaho ko pero hindi na ako magrereklamo kasi merong allowance pambili ng damit kaya wala na akong dahilan para maghubad. Isa pa mas nakakaangat pakinggan ang title ko ngayon, dati kasi isa lang akong puta. Ngayon, puta parin pero may M.D na sa huli.

Marami naman kami sa batch namin. Umabot sa walo. Sampu sana, hindi ko alam kung saan na yung iba at bakit hindi sumipot sa training. Mas mabuti na nga yon, kaunti lang ang kompetensya.

Natutuwa naman ako sa mga kasamahan ko. May Mathematician, Engineers, Piloto, Customs at ako, sabi pa ni Ate Marian Rivera, isa akong psychology. At dahil ako ang may pinakamatagal na experience sa pagiging puta, ako yung ginawang lider-lideran nila,  which is ginampanan ko naman ng mabuti. Isang week pa lang, puro kagagohan na ang nalalaman. Nasumbong na nga kami sa heads dahil sa excessive use of email and sleeping.

Inaamin ko na mahirap ang trabaho. Siguro sa umpisa lang, pero hindi ko rin alam. Yung nakakatakot lang kasi kasama sa job description ang no room for errors. Kung meron man daw, dapat zero.  Sino ba ang hindi matatakot kung ang hawak mong clients ay yung mga malalaking companies all over the world?

Hindi naman sa nagrereklamo ako. Sa katunayan, gustong gusto ko yung trabaho ko ngayon.May chance na makapagtravel, malaki ang chance sa promotion, malaki ang pasahod at yung tinatawag na freedom.

Pagpasensyahan niyo na muna kung hindi na ganun kadalas ako magblog.

Single Post Navigation

12 thoughts on “On training

  1. natawa ako dun sa “Isa akong Psychology”.

    …eh, Psychology rin kc ako eh! hehe

    ayos lang yan great maldito…

    gOod luck sa new work mo ^_^

  2. swerte na yan pre. mahalin ang trabaho at magsimulang mag ipon. kayang kaya mo yan.

  3. bibihira sa isang tao na mahanap ang trabahong gusto nila.

    maswerte ka. congrats😀

    lumipad ka ikaw ay malaya🙂

  4. wow! gandang opportunity naman. kaya lang, sayang kasi di ka masyadong makakapag-blog.

    btw, ano ‘yung trabahong “puta”? sorry, i’m so naive… I really don’t know what that means. I know the literal meaning of “puta” but other than that… i’m clueless… hahahaha! :))

    Anyway, goodluck sa new work and sa blogging!🙂

  5. congrats sa bago mong work parekoy! sa cebu ka pa rin ngayon o manila na?

  6. good luck sa iyong bagong trabaho!!!

  7. Goodluck sa bagong career.🙂 Always aim for the best. I know, your not capable of doing something less than going extra mile.😀

  8. sundalong lasing on said:

    good luck sa iyo…

  9. Okay lang yan. Ang mahalaga may work! Galingan mo.

  10. congrats sa bagong trabaho. nawa’y mas maging masaya ka diyan at mas malaki sana ang pasahod para naman mabilis kang makapag-ipon pambili mo ng ticket pa-manila. ‘yung oktoberfest umabot na ng 2012 o. tsk!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: