The Great Maldito

Thou shall not bitch

Party Friends and Evil Officemates

Nakakatuwa yung mabilang sa isang lugar puno ng tao na hindi mo kilala. May mga taong magugustuhan mo sa unang tingin, meron din namang kahit ilang bese mo pang tignan ay hindi mo masisikmura. Yan ang nararamdaman ko sa tuwing nagsisimula ako sa bagong trabaho. Umaandar ang pagiging echusero ko.

Sa katunayan, habang ginagawa ko tong kwento, may kumakanta ng Lupang Hinirang sa kabilang cubicle. Tinignan ko ang orasan at alas 12 na ng hating gabi kaya hindi ko alam kung ano talaga ang gusto niyang ipahiwatig. Barilin ko kaya to ng nakatalikod para mas feel niya ang national anthem natin? Ang masama pa kasi ginagawa niya to araw-araw. At sa bawas araw na kinakanta niya yan, na-iignite yung passion ko para kurutin ang kanyang ngala-ngala gamit ang pliers.

Meron din akong kasama na kapwa Ilonggo. Natuwa naman ako dahil sa wakas may makakausap ako gamit ang sarili naming dialekto. Hindi ko lang talaga ma gets kahit pa iuntog  ko yung ulo ko sa  keyboard ng ilang beses kung bakit niya ako kinakausap sa Tagalog eh hindi naman ako muhang pancit malabon. Give away na nga yung pag-gamit ko ng Hiligaynon, kung buhusan ko kaya to ng kumukulong La Paz Batchoy? Kinakahiya niya ba kung saan kami galing?

May bitchi-bitchiyan din sa office. Yung tipong malayo palang siya, lakas na ang amoy ng “attitude”.  Pati mga trainers namin tinatarayan. Si ate, ginawang true to life ang character ni Lola Bella Flores. Noong isang araw, pinatikim niya ako ng pagka-bitchy niya. Tumawa lang ako ng malakas.  Dahil sa totoo lang, nakakatawa naman talaga siya. Isipin niyo nalang ang nagtataray sa inyo. Mataba, maitim, pandak, wasak yung mukha tapos mag-aastang Christina Gonzales? Di ba nakakatawa.

Sabi ng kaibigan ko dito,

“Siya yung nagsabi sakin ng, paki open nga ng pinto noong nag contract signing kami. Akala mo kung makapag-utos manager. Newbie rin pala”.

“Ano ginawa mo?”

“Wala. Sinara ko nalang agad yung pinto. hahahahah” 

“Tara, libre kita ng beer! hahahaha”

 

Single Post Navigation

13 thoughts on “Party Friends and Evil Officemates

  1. i hope okay naman ang mga kawork mo jan pre. konting tiis na lang sa mga hindi mo masikmura. hehehe…

  2. hehehe…echosero ka pala o sa mas alam kong term eh..may pagka himantayon….

  3. good luck working with that b.

    kaasar yun ha, kung magpapabukas ng pinto.

    tas yung kumakanta ng lupang hinirang, pahiramin mo ng mp3 player, para iba kanta lss.

  4. maldito- ano work mo? night shift? call boy?..;-) any hows iba iba talga ugali ng mga tao lalo kapag bago mo palang sila kakilala..iba mga ipapakitang ugali at habang tumatagal tsaka mo sila makikilala ng mabuti…goodluck sa work parekoy!

  5. Justo, Maldits, meron akong ganyang story! Ufesmate na naiirita me much all over! Kasi ang hilig hilig nyang magreklamo, tapos ambagal bagal pa nya matuto. I mean, nothing against slow learners, pero kasi sya, pag may hindi alam nag iingay tapos pag tinanong ng boss sisisihin na hindi naturo sa kanya when in fact, halos ginawan na sya ng manual! Jusko gusto ko sya gawing iguana tapos hagis ko sa Mordor.

  6. hahaha kahimantayon nalang gyud… ghahahha

  7. ansaya pala jan sa work mo…

    hahaha…

    kumpleto ang mga alagad ng dilim.
    halinat gapiin natin sila.. lolz

  8. hindi kaya istasyon sa radyo ‘yung ka-officemate mong naglu-lupang hinirang tuwing 12mn? now signing off…

  9. sus ka picture out jud ko sa imong kabuang dong…

    daku kau akong katawa sa gisirad-an og pertahan…animas jud ka!!! ahahaha

  10. ganun daw ata talaga ang ugali ng mga tao.. baka bitter lang siya sa universe kaya siya bitchy…

  11. lakas tama ng naglulupang hinirang… hahahah..parang nasa showbiz ka lang..ang daming happenings!😆

  12. haha…natawa naman ako dun sa pagka ignite mong kurutin ang ngala ngala niya w/ pliers! LOLs

  13. Idol new work ka na pala! Parang sa tingin marami ka pang makikitang kakaibang mutant jan hehhe! Looking forward sa mga kwento… natakam ako sa La Paz Batchoy!!! Sabaw pa lang solb na!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: