The Great Maldito

Thou shall not bitch

No Doubt

Araw-araw akong dumadaan sa ilalim ng skywalk papunta ng office sa Fuente Osmena. Kahit hindi ko man gusto na dumadaan doon, wala akong magagawa dahil yan lang naman ang malapit na babaan ng jeep sa building namin. Wala pa akong sasakyan kaya hindi puwedeng mag-inarte.

Kadalasan, may matandang lalaki na tumutugtog gamit ang kanyang improvised xylophone sa ilalim ng skywalk. Gawa kasi sa kawayan yung gamit niya at hindi yung usually na nakikita natin na gawa sa bakal. Bulag si manong, at kahit na hindi man siya binigyan ng pagkakataon para makakita, nakakagawa pa rin siya ng magagandang musika.

Sa tuwing nakikita ko si manong, parati akong nagpapasalamat sa Diyos sa biyaya na tinatamasa ko ngayon. Sa bagong trabaho, sa mga bagong kaibigan, at sa ngayon, panibagong training para sa operation management.  Hindi ko alam kung ano ang nakita ng boss ko sakin na in the span of 3 weeks, sinabak niya ako sa panibagong tungkulin. Sa katunayan, eh hindi naman kami nag-uusap ng matino.

Hindi ko pa kilala ang lahat ng mga tao sa opisina. Pero may isang tao talaga na tumatak sa isip ko. Tumatak dahil walang araw na hindi siya nagrereklamo. Sa trabaho, pasahod, at kung bakit siya hindi nilagay sa higher position. Naniniwala ako na ang lahat ng bagay ay dapat pinaghihirapan. Noong bata pa ako, kailangan ko pang umiyak with matching roll on the floor para bilhan lang ng laruan.

Nakalagay sa contact ang matatanggap na sahod every month. Mahirap lang talaga intindihin kung bakit panay ang reklamo niya .Eh di sana hindi niya nalang pinirmahan kung naliliitan siya sa basic pay. Galit lang talaga ako sa mga tanga. Naaapektuhan ang aking pasensya.

Masama lang dahil pati yung iba naming officemate naapektuhan ng negativity niya sa buhay.

Noong isang araw, tinanong ako ng boss ko kung kamusta yung performance ng mga trainees. Sabi ko okay lang, though there are some people not giving out their interest in this job.

Gusto kong magkulong sa generator sa taas ng building sa follow up question ni Sir.

“So whats your plan”.

Kailangan kong magbigay ng input on how to solve the issue. Bwesit, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa reporting eh di sana kumain muna ako ng 3 sakong mani.

There will be times that we should decide on difficult situations.  At yung panahon na yun ay ngayun. Sa totoo lang, pwedeng imanipulate yung numbers when it comes to performance. Pero yung outlook ng tao sa buhay? Mahirap. Huminga ako ng malalim at sinabing..

“What I think sir is that we should reject those who are defective”.

Sa mga taong hindi marunong magpahalaga ng kung ano meron sila, siguro tama lang ang plano ko.

 

 

 

 

Single Post Navigation

21 thoughts on “No Doubt

  1. mali ang sagot mo! walang puwang sa office ang salitang “sir” at “maam”! hehehe…

    seriously, kung ikaw ang boss nung taong yun, kausapin mo sya directly in private. tell your concerns in a nice way and give him/her a chance to change. kung matigas pa rin ng ulo, good luck na lang sa kanya.

    • Sinabihan na nga ako dati na tigilan ko na ang mam/sir…kaso nasanay na ako sa dating kompanya…matagal tagal pa siguro bago ko totally makuha to..

      Kailangan ko pa talaga siguro habaan ang pasensya ko..hahhahaa..mainitin kasi ang ulo ko when it comes to handling unreasonable people…Si boss na bahala dun, hahahaha.

      • ganyan din ako nung una. pasasaan bat masasanay ka din. tama ka, wag mong problemahin ang taong yun. sabihin mo lang sa boss mo ang problemang yan at sya na ang bahala dun. concentrate ka na lang muna sa training nyo. mabuti naman at natutuwa ka sa company pre. one year ago, nafed up na ako kaya ako nagresign. buti na lang at nabluff ko sila. ayun, bati na ulit kami. lols!

      • Kailan mo nga habaan pasensya mo.🙂
        Mahirap daanin sa asar desisyon mo. Isa ka sa tinatanong ng boss mo tungkol sa effectiveness ng mga kaopisina mo. Tama sila try some alternative solution para malaman nila pagkakamali nila at KUNG TALAGANG MATIGAS ANG ULO AT PASAWAY.. Ipasibak mo na.😉

  2. maraming ganyan… and tama ka, nakakahawa ang negativity nila. akala kasi nila di nakikita ang performance nila and mas pahahalagahan sila kung magrereklamo sila.

    Di talaga madaling palitan ang thinking ng tao. Di ba pwedeng isuggest na magkaron ng incentive program sa inyo? para mapamaliit o malaki ang nagawa nila, nacompensate pa rin sila… of course, according to their performance.

    baka kasi sakaling pag ganun ang labanan, marami ang magperform ng maayos and you don’t need to let go of anyone. kasi wala silang matatanggap kung di sila magtatrabaho… Just a suggestion.

    If within a certain period, their performance didn’t improve and they became more of a whiner… i guess, you have to let them go.

    • Sa totoo lang, hindi talaga problema ang pasahod/incentives…there are people lang talaga na ki bago bago ang taas kung maka demand…and in the fist place they already know what they will be getting, eh bakit pa magrereklamo na in fact, ang gaan gaan ng trabaho.

      Magkikita din kami sa finals..sabay kami sa training ngayun, so far hindi naman talaga nagkulang ang companya….

      sabi nga nila, one way to be happy is to stop thinking that life is unfair.

      • i definitely get that… I learned that one way to deal with whiners is to whine about them… hahahaha! :))

        maybe that’s why they don’t want to me to be their friend anymore. I tend to be calm and rational most of the time, and i tend to brush people who whine a lot (besides me… when time comes). hahaha!

        I mean, i’m not the boss but when a colleague becomes too whiny to bear, i give them a reality check and tell them upfront, “If you really think this job sucks, maybe it wasn’t the job, it’s you!”…

        or one of the lines i told my colleague… “you just think they don’t see you (the management), but they do. How could you demand a better incentive and benefits when your performance is lousy. do you really think that’s fair? If i were your boss, i would not give you the incentive you want with the performance you give.” (told you they don’t like me anymore)

        the look on their face is priceless… like a slap on their face.. hahahaha! :))

  3. no doubt tama ang plano mo ..

    para naman dun sa mga taong sobrang negatib at wala ng ibang bukang bibig kundi negativity dapat sa kanila i pa hold up sa abu sayaff ng marealize nila kung gaano sila ka blessed sa kung anong meron sila ngayon.

    Unang una desisyon nila yun , kung hindi na sila masaya umalis na sila.

    nakaka stress kasama ang mga ganyang nilalang.. bwahahhaha napahaba tuloy ang comment ko dahil sa kanila.

  4. Ang tao kase madalas tumingin lang sa kung anongwala sila. Hindi marunong makuntento at magpasalamat kahit sa mga mumunting biyaya…

  5. Hello, bagong reader mo po…. i like your blog, nakakatuwang basahin and nakakatanggal stress. Minsan nga indi ko maiwasan matawa mag isa eh, buti na lng indi ako nakikita sa cubicle ko, kundi mapagkakamalan akong baliw nito hahaha.

    enways me mga tao talaga na walang kasiyahan/walang satisfaction sa buhay. usually sila ung mga inggiterong frog hahhaha. Good luck sa career mo and looking forward again sa new posts mo.

  6. Meron talagang mga nagrereklamo na hindi mas mataas yung position nila. Yun yung pinaka nakakairita. Ang sakin naman kase, wafuckels ako sa posisyon, kasi mukhang pera ako. So pera pera nalang. Haha.

    Naks. Operation Management training. Sigurado ka bang hindi mo ginamitan ng alindog yan? Haha. :p

  7. Iimpeach ang mga taong yaan! hehehe sabay mgtatakip ang mga yan ng tenga kunwari walang narinig. Sometimes you need to become hard… oops firm pala sa decision mo.

    Tama un at nang matuto naman sila. =) Ang puso at altapresyon ingatan… inhale exhale… =)

  8. kelangan nia ng negative partner kc, negative plus negative equals postive! LOLs

    — pero kung pwede sana, kausapin nyu po muna personally…wolo long..baka pwede pa siyang magbago😉

  9. off topic – asa ka na company nag work? hiring pa mu?hehe

  10. Hoong torooy!🙂 Wish ko makita nila yung point mo at sana ma motivate mo din sila. Kapag nagawa mo yun, Amen! Ikaw na🙂

  11. dpat na syang kalusin. may iba pa namang taong naghahanap ng trabaho and would die to get his/hers. haysss. yan ang masama sa tao di marunong makuntento.

  12. procopia marie on said:

    Yung mga taong puro nega dapat talaga tinatanggal na. Kasi nakakaapekto yan sa trabaho ng iba. Tama ka dun! Saka pala, Congrats ha, mukhang napromote ka. Ganun talaga, with great power comes great responsibility :p

  13. Defective na parang baterya. Itapon agad.

  14. andito ka na naman!

    na miss na kita! lels

  15. Tumpak na tumpak kapatid na Maldito. Ang problema talaga minsan sa mga young professionals eh yung ATTITUDE. Lalu na yung mga bagong graduates ngayon. KE TATAMAD at puro REKLAMO ang bukambibig. Kung alam lang nila ang pinagdaanan ng mga beterano sa opisina nila.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: