The Great Maldito

Thou shall not bitch

Archive for the category “Basterd Speaks”

Life on transit

May bagong salta sa second floor. Taga probinsya din. Siguro mag-asawa, pero wala akong may nakitang sing-sing sa mga daliri nila. Malamang nagbabahay-bahayan lang. Mga bata pa. Pero mas bata ako.

Hinatid sila ng nanay ng babae noong unang dating nila. At tulad ng magic balls pag nababasa, dumami sila. Anim sila sa isang kwarto na good for two.  Isa na dun ang kasambahay nila na nagmamaganda at isang maliit na bata na hindi ko alam kung anak nila. May hinala ako na yung kasambahay nila ay dun na natutulog sa kisame at yung bata sa aparador. Ang lakas makadala ng katulong pero hindi makahanap ng tamang bahay.

Inaamin ko, mapili ako sa mga tao. Kadasalan, pag sa unang tingin ko ay hindi ko siya gusto, magkakabuhok nalang si Boy Abunda, eh wala talagang imikan na mangyayari. Isama mo na rin ang pagtaas ni Mahal.

Hindi ko gusto si Enday. Sa tuwing lalabas ako ng kwarto at nakakasalubong siya, naaagnas ang mga nipples ko sa takot. Ang talas ng tingin, sa sobrang talas kahit gaano pa kakapal ang foundation mo, makikita parin niya ang mga blackheads. Hindi ko pa nasubukan kung may night vision din siya, pag nagkataon pwede na siguro siyang i-upgrade para gawing flashlight.

Kunti lang ang mga pagkakataon na nakikita ko siya sa bahay. Iisa lang ang lugar na pinaghuhugasan namin ng mga pinggan, kaya kadalasan dun ko siya natitimingan. Minsan nauna siya, kaya pumila ako para ako na ang kasunod. Nung nalaman na niya na nandun ako sa likod, si Enday, kung makapunas ng plato parang wala nang naghihintay na bukas. Mga ceramics na pinggan, nagiging transparent. Pohtangena, ano ba ang problema ng babaeng ito?

Hindi na ako nagpatuloy pa sa paghugas. Kaya ngayon, wala na kaming magamit dahil hindi pa nahuhugasan.

Yung bata naman nakakatakot. Mga 4 or 5 years old siguro, babae at kulot ang buhok. Sa tuwing nakakakita ako ng taong mahaba ang buhok at kulot, hindi ko maiwasan na i-associate sila sa mga santo na pinaparada tuwing holy week.

Maaga akong gumigising. Katapat ng kwarto ko ang CR. Muntikan ko nang masipa ang bata nung pagbukas ko ng CR mga alas 5 ng umaga ay nandun siya sa loob at naglalaro ng sabon. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko, basag na siguro yung panga niya. Mahirap ang magulat, lalong lalo na sa mga taong mahilig sa kape.

Mahigit na sa dalawang taon akong nakatira dito, at sa susunod na linggo na ang huli dahil ako yung tipong hindi tumatagal sa iisang lugar. Marami akong issue sa buhay, isa na dun ang “trust” at “familiarity”.

Kasabay ng paglipat ko ng bahay, ay ang pagtigil sa pagsusulat sa unang tirahan ko. Dito. Kaya ladies and gentlemen, this will be my last post.

Paalam.

PS: Nagsusulat parin ako, a much darker but still a humor blog. Pero hep! Hindi ko sasabihin kung saan. 🙂

 

Advertisements

Para kay G

Dati parating nagmimisa si nanay tuwing almusal bago pumunta ng skul.Parati niyang sinasabi habang naghahain ng ulam ..

” Ang hirap na ng buhay ngayon. Lahat nagtataasan ng presyo. Bigas,kuryente at gasolina. Tapos ikaw panay ang tulog. Hay nako!”

Minsan sumagot ako.

“Eh di gasolina nalang ang ulamin natin. Pareho lang naman ng presyo sa pagkain”.

At hulaan niyo kung sino ang pumasok sa skul na walang laman ang tiyan. Hu hu hu. Ang minsan ay hindi na naulit.

Hindi ako interesado sa ekonimiya noon. Ang naiinitindihan ko lang ay mahirap kami. Simple. Kahit gaano kataas ang mga bilihin kung wala ka namang pambili, wala rin namang kwenta yung pag-emote sa balitang tumaas ang presyo ng gatas. Tandaan, hindi lang suso, I mean sa dudo ng cow makakakuha ng gatas. Maraming paraan pag resourceful ka.

Naiinis ako sa mga taong lakas makarelate. Yung kapitbahay namin na si Pebi (in Bisaya ) or Phoebe (in tagalog) ay isang born again. Born again dahil kada buwan may bagong personality. Isang umaga humihingal na nagkwento kay nanay habang naglalaba.

” Nako madam! Narinig mo ba ang balita kagabi na tumaas naman ang presyo ng gasolina dahil sa gyera sa middle east? Problema na naman kung pano tayo makakabili ng gasolina. ”   Tanong ni Pebi.

” Wala. Dati pa naman tumataas ang presyo ng gasolina. Wala nang bago sa balita na yan.” Sagot ni nanay.

Likas na joiner ako. Kaya tinanong ko si Ate Pebi.

” May kotse ba kayo teh at kung makarelate ka sa balita kulang nalang lumuha ka ng tanso?”

” Wala. Hi hi hi” sabay walk out.

Hindi ko masyadong naiintidihan noon kung gaano kahirap kumita ng pera. Mababa lang ang sahod ng nanay ko kaya kung pwde lang hiwain sa lima ang isang strand ng pancit gagawin niya. Tapos tig-iisang butil lang ng kanin. Ganun lang bro. Ganyan.

Kung tutuusuin kahit gaano kabigat ang problema natin sa buhay lahat nalalampasan kung maparaan lang tayo. Nagtataka nga ako kung pano ko nalampasan ang mga shitty things na nangyari sakin. Kunting beer, bukas makalawa solb na.

Ngayong may trabaho na ako at tumutulong kay nanay, baliktad na ang mundo. Ako na yung panay litanya na bigyan importansya ang pera dahil mahirap kumita. Ramdam na ramdam ko yung paghihirap na naranasan niya noon. Naiisip ko nga minsan kung bubuo pa ba ako ng pamilya dahil takot ako na balang araw gagawin ko yung sinabi ko. Yung ulamin ang gasolina.

 

PS: This is my entry for Gasdude’s blog writing contest.  Go join here!

Chosilog Mornings

Hanggang ngayon, naririnig ko parin sa isang sulok ng utak ko ang katagang iniwan niya.

“I know you are a decent man, but I can’t find any dreams in you”.

Muntik ko nang isuka ang kinakain kong Chorizo, pero hindi ko ginawa kasi sayang ang effort sa pag-nguya ko nito. Mas matigas pa kasi kaysa sa tinidor.

Hindi ako umimik. Nagkunwari nalang ako na hindi ko naintidihan ang sinabi niya dahil englis.

“Look at me GM. What do you really want in your life?”


“I don’t know. Kailangan ba nating pag-usapan yan ngayong umaga? Sa harap ng almusal?”.


Nagsimula siyang maglitanya. Sa mga naabot niya sa buhay. Sakripisyo, achievements, awards, yaman at ari-arian. Tahimik pa rin ako. Unti-unti hinihimay ang bawat salitang binabato sakin.


“Kung ang pinapaabot mo na punto sa mga sinasabi mo ay gayahin ko ang buhay mo, pasensya pero wala akong balak na mangaya sa buhay ng iba”.

Tila namatay ang lahat ng ingay sa paligid at binalot kami sa isang matinding katahimikan. Binalik ang atensyon sa Chorizo. Binuhos ang lahat ng galit sa isang usapang hindi alam kung saan pupunta.

Marahil wala nga akong plano sa buhay. Isinuko ko na lahat ng pangarap ko sa buhay para lang makapag-aral ang mga kapatid at maiahon kami sa kahirapan. Wala nga akong mga bagay na katulad ng sa kanya. Pero, kontento na ako sa layo ng inabot ko sa ngayon.

“Alam mo, hindi pantay-pantay ang level ng kaligayahan at contentment ng isang tao.Marahil nga wala akong bagong kotse at condo, masaya naman ako sa kung ano ang meron ako.”

Ngumiti ako. Tinanong siya.

“Ikaw masaya ka ba?”


At binalot ulit kami ng katahimikan.

 

It isn’t what you have, or who you are, or where you are, or what you are doing that makes you happy or unhappy. It is what you think about.

– Dale Carnepie

Update naman diyan!

Nagpapasalamat ako sa mga taong walang tigil na naghihintay kung may updates ako o wala. At salamat na din sa mga taong walang sawa na nagkamusta sakin kung buhay pa ba ako o kung OK lang ba ako pagkatapos ng awayang Sarah Geronimo and Christine Reyes. Ano ba gurls, bigyan niyo naman ako ng pahinga. Hindi naman sa lahat ng panahon kaya ko kayong pagsabayin.

I. BLOG UPDATES:

1. Kinuha ko na po lahat ng posts na may picture ko. Kung bakit? Tanong niyo kay Gillboard. Siya kasi ang sikat. Lols.

2. Malapit na pong mag expire ang domain ko. Wala pa akong planong i renew to, kasi naman ang mahal ng $12.00. Malamang, magtatago na naman ako sa bagong name. Kaya kung sino ang may pera diyan, magpapaalila ako 24 hrs para lang magparenew ng domain. Pwde po ako sa role playing. Ako ang amo, ikaw ang sampid. Wahahahahhaa…

Mapunta tayo sa Formspring101.

1.taga-san ka buh?

Ans: Eh bakit BUH? Pakialam mo Buh? Attitide si kuya Dibuh?

Sa totoo, taga Muntinlupa  ako.Inside Bilibid Prison.

PS: You know where I am if you’re a follower.

2. belaysing! sikat blog mo ba..nakibot man ako..mahahay!

Translation: WTF! Your blog is famous…Im shock…meheyhey!

Why are you suck? I mean shocked? Do you know me? Like you never expected the silent guy who sits at the rear end station is a blogger?  ……….and famous?

Echus lang. Potangena, kinabahan ako. You all know that  I’m an Ilonggo. Knowing some Ilonggos reading my blog already makes my betlog loosen up.  Shit. Please tell me you dont know me.

3.nice blog.. stress reliver, kaso na stress din aq kpag walang entry hehe…

Araguy! Nagmamadali? Pressure? Eh kayo kaya magblog habang girlfriend mo si Maja Salvador!  Hahahahaha..joke lang.

Salamat naman at stress reliever niyo ako..kaya nga baka next year magiging masahista na ako. Total, magaling naman talaga ako magtanggal ng stress. Hikhikhik.

4. naisip mo din bang mamamatay kang isang virgin?

Paano ko naman iisipin yan eh hindi naman ako virgin? Lols. Pero di nga virgin ka pa? Mag ayos ka! Malapit na ang 2012. Iluluwa ka ng lupa pagnalamang virgin ka.

Seriously, kung bata kapa, wag magpapressure sa society kung virgin kaman o hindi. Hintayin mo ang tamang panahon na araruhin ang perlas mo o kung lalaki ka ay yung oras na pasabugin mo ang punla.

Pero kung 25 and up ka na, potangena. Mag hire  ka na ng pokpok.  He he he.

5. boss me tinda kang chicks? yung sariwa ah?

Tsong naman, pwde naman tirahin ang inahing manok, bakit ang sisiw pa? Tol please, maawa ka naman sa  sisiw. Beastiality? To naman. May pinagdadaanan ka?

6. Hehe…Wala kc kong matanong kaya pinuri na lang kita…Sarap kc basahin ng blog mo…Astig ka! Idol!

Wala na akong masabi kundi salamat. I love you too.


Fan Mails

Busy ako ngayon, kaya wala pang matinong post. Isa pa, draft palang ang next chapter ng diary ni Inday, so I might post it when I arrive in Iloilo.

When I started blogging, I wasn’t expecting to receive letters from readers, especially sa mga lurkers lang. Yung kuntento lang sa pagbabasa na hindi nag iiwan ng comment. But what’s nice about them is that they send their gratitudes sa private email mo. And I love reading them from time to time.

From Caren via FB:

hello poh!!!i just wanna say thank you!!actually i’m fond of reading you’re blogz!!!like actually madami aqng pinag-dadaanan..but through ur works nakakalimutan q lahat yun!!!more power to you!!!kaya lang..there’s one thing i hate about guys like you!!masyado kayo isnabero!!but anyways ok lang i understand!!bye

Dear Caren,

Thank you for reading my blog. Somehow, I’m glad to know that one way or another, the stories that I’m writing affects your life. Naluha ako ng monggo seeds habang binabasa ang sulat mo.  You know what makes bloggers like us happy even na hindi kami binabayaran dito? Its the thought that many people are happy by just reading our articles. Ika nga, kunti lang ang time natin lahat dito sa mundo, kaya share happiness. Open coke!

PS:Hindi kami isnabero. If we didnt reply sa comments, that means busy lang or di kaya wala lang talaga kaming ma ireply kasi naman ang ibang comments parang bobo lang. Joke. ahahhaha. Basta masaya kami sa mga comments, one thing for sure we read them.

From Maria via FB:

im a fan of yours i always read your blogs…
hope accept mo ung friend request ko…
thanks.

Dear Maria,

I always love the name Maria. When I read or hear a name like yours, I always perceive that girl as dalisay, mahinhin, pure, clean and dalagang Pilipina. Mga ganun. Arte lang. Karamihan ng mga Maria ngayon palaban na. Kever kung gums to gums ang labanan sa bar. ahahahhaa. Thanks!

 

From Dino via FB:

I love your blogspot, enjoy akong basahin. Thanks sa add if you will allow it.

 

Dear Dino,

Hindi kita inaprove. Sorry.  Hindi ako blogspot. WordPress ako. Matatanggap ko pa sana kung sinabi mo nalang na , i love your dot.com.

Attitude si kuya? may mens? ha ha ha…joke lang.

 

Next time na yung mga sagot sa formspring. I need to pack my things cos im going away.

If you have questions, go shoot it here: malditobitch

Weekender

Minsan,noong isang malamig na winter (oo, may winter sa cebu) at lulong sa rugby, napagtripan namin ni big sis Reesie na gumawa ng formspring account. Sabi niya kasi once meron ka nang account, babago daw ang tingin mo sa sarili at magkakaroon ka ng direksyon sa buhay.

Kaya kung napupuna niyo sa kanan niyo, merong formspring badge na pwde niyong i click tapos pwde na kayong mag order ng karne.

Nagdaan pa ang mga araw, at ang landas ko’y naligaw. Lols. Nakalimutan ko palang meron pa akong account diyan kaya hindi ko napuna na meron akong 600 questions. Char lang. 6 questions lang. Kaya here we go, here are the answers bitches.

1.  Husay mo tsong!!

– I know right? Joke. ha ha ha..kapal lang. Pero teka, question ba to? Or baka hindi lang gumana ang question mark mo sa keyboard kaya exclamation ang nilagay mo? Tinatanong mo ba ako kung mahusay ako? Syempre, nagdududa ka ba?  Kapal again. Suklayin mo nga yung pubic bangs ko.

Hindi ako mahusay. Nagkataon lang na minahal ko ang pagsusulat kagaya ng pagmamahal ko sa isang tao. You know, there’s a saying that you should love your craft. Kaya, I love you na pare. Walang malisya. jerjer lang to.

2. Would you rather own a luxury yacht or a private jet?

– Mahilig ako sa dagat. Sa tubig. Lalong lalo na sa tubig galing motel dahil amoy bioderm/safeguard. Isa lang ang kinatatakutan ko. Yung umabot ako sa parte ng dagat na blackish na ang tubig. Yung wala ka nang makita sa ilalim dahil hindi na abot ng sinag ng araw ang bottom nito. Feeling ko kasi merong something/someone underneath it na kapag tumingin ka hihilahin yung tinggil mo pababa tapos dadalhin ka sa kanilang kaharian at gagawin kang clamshell?  Scary.

So sa private jet nalang ako.

3. What music are you listening to today?

– Magiging song book ang blog ko na to kung ililista ko lahat ng music na pinakikingan ko ngayon. Pero mahilig ako sa music na puro hingal, moan at whispers. Clue: britney spears. Ha ha ha.. Im a slave for you….ah ah ah ah!

4. How would you describe your style?

– Ang style ko is more on aggressive type.  Yung tipong  nag frefrench kiss kami sa likod ng pintuan, tapos pupunitin ang lahat ng nakatakip sa katawan. Dapat meron kunting biting sa lips. Tapos tulak tulak. Bahala na masakit sa likod ang doorknob. Todo lamasan na parang naghuhulma lang ng semento. Gusto ko yung kunting moan lang. Yung slight lang at hindi yung type na magigising ang mga aso. Gusto ko yung hinihila ang buhok ko, kinakalmot ang likod, at kinakagat ang nipples. Too much information na ba?

Teka lang? Style ba to sa writing? Shit. I’m so sorry readers. Na carried away ako. Hu hu hu. Isipin niyo nalang hindi ako nag answer nito.

5.Who’s the funniest person you know?

– Isang tao lang ba to? Marami kasi akong nakilala na sobrang funny eh. Ito nalang. Lilista ko.

1. Gasti

2. Jepoy

3. Kuya Chingoy

4. Ate chona

5. Maldito (sinama talaga. Blog ko to amputcha). O sige si Lio nalang. ahahhaa

Yung mga hindi ko nailista, tignan niyo nalang ang blogroll ko. Yung parade of clowns.

6. If you had to perform at the circus, what trick would you do?

– Trick? Yung kuwari rarapin ako tapos magrerevenge ako. Rape din.

Salamat natapos na rin. Go shoot it! Wala talagang kwenta ang formspring ko. Kaya dont mind it. Next month ko na ulit bubuksan yan.ahaha

Little Monsters

Bwesit na ulan, napapawet ako at napapa-emo. Sa mga panahong ito, malamig at medyo mamasa-masa, gusto ko nalang tumambay sa kwarto ko sa Iloilo habang kayakap ko ang mga little rascals ko.

Meet Drowi and Gencyl. My two little monsters.

Sa mga panahong malungkot ako, sila parati ang iniisip ko para mawala ang pagka homesick. At kung tatanungin niyo kung san nagmana ang mga niyan…ehem….ehem…..ehem…

Maraming bloopers ang mga litte monsters ko na yan. Minsan ako nalang ang nahihiya sa ibang tao kasi daig pa ako kung magsupalpal. Kung hindi lang talaga sila bata, matagal ko na silang nilagay sa sako at iniwan sa isang bakanteng subdivision.

Isinama ko minsan si Drowi sa isang party ng kaibigan ko na nagkataon merong alagang parrot. Inabot ko ang buong mais sa kanya sabay sabi:

“Drowi, pakainin mo ang parrot”.

Iniwan ko lang sandali, nakita ko ang parrot na nakahandusay sa sahig.

“Drowi, anong ginawa mo!”.

“Ayaw kumain e. Tigas ng ulo kaya pinalo ko”.

Imbes na magalit ako, natawa ako. Gusto ko siyang kurutin sa singit ng very soft.

“Sige. Pag ikaw ayaw kumain, hahampasin din kita ng mais”.

Kawawa ang parrot. Parang na amnesia at nakalimutang parrot siya.

Feeling niya kasi ngayo isa na siyang Peacock.

Si Gencyl naman, sinama ko noong bumili ako ng cake para sa graduation party ng sister ko. Habang nilalagyan ng pangalan ang cake, that spells as “Congratulations yana”,  biglang nagtanong:

“Daddy, ano ang ginagawa sa cake?”.

“Nilalagyan ng pangalan ng tita yana mo”.

” Bakit nilalagyan? Para ba hindi mawala?”.

Ha ha ha… Baka akala niya para lang notebook ang cake.

Next month, I’ll see my little monsters again. Im sure, meron na naman akong kwentong baon para sa inyo. I just cant wait.

Ganador

Buong linggo na akong walang gana. Parang naubos na ata enerhiya ko sa kaka-partey noong nagpyesta ang mga patay at bumalik na sa null ang bibo level ko. Yung pakiramdam ko may gusto akong hanapin pero hindi ko alam kung ano, sino o pano.

Tinignan ko brief ko kanina at baka may bahid na ng dugo ito. Nagbabaka sakaling pinagtripan na naman ako ng Diyos at binigyan ako ng regla. Normal naman. Mabuti na yung skidmark ang makita keysa sa bahid ng regla. Matrutrauma ako ng major major way.

Kaninang umaga nadatnan ko ulit si caroline na naglalaba. Pero ngunit datapwat however, imbes na ilabas ko ulit ang mga malilinis na pinggan, kutsara, tinidor, kaserola at electric fan para hugasan, dumiretso ako sa kuwarto. Nagkulong ako, humiga sa kama, hinagkan ang unan at lumuha ng isang beses. Joke lang. Nagsalsal talaga ako sa totoo lang. Joke ulit.

Ano nga ba ang nangyayari sakin?

Pumunta ako ng pantry para kumain sana. Pagpasok ko, tinignan ko lang ang mga malalamig na ulam. Masarap naman siguro. Pero wala din akong ganang kumain. Tinignan ko nalang ang adobo, nginitian, tumalikod at lumabas. Ganyan ako, imbes na tao ang ngingitian, ulam ang nginingitian. Atleast, hindi sila magsisigawan na manyak! Manyak! Pag nagsmile ako.

Nakakabadtrip din ang mga bagong tindera.

Ako: Miss, one rice please.

Tindera: Isang rice sir?

Ako: Hindi. Isang butil lang ng kanin.

Potah lang.

Nextweek, training ako buong linggo. Bagsak kasi ang metrics ko. Nagtatanong nga yung supervisor ko kung ano ang problema sakin. First time ko kasi bumagsak sa mahigit isang taon simula ng mapunta ako sa bagong account. Hindi naman pwedeng sabihin na nawawalan na ako ng ganang magtrabaho, at baka sampalin ako ng stapler. Pero yun nga ang rason kung bakit hindi na ako top performer. Chos!

Nag apat na taon na tong domain ko. Hindi ako nagpost tungkol dito kasi naman wala namang taong bibigyan ng importansya ang isusulat ko. Eh ano ngayon kung blogsarry?  Buti pa nga ang spams, nagcoccoment. Kasabay ng blogsarry ang pag-eexpire ng domain ko. Wala na akong pambayad para dito kasi kahit kaluluwa ko’y nakasanla na sama mo na rin ang 1/4 part ng nipples ko.

Kaya kung bigla nalang natigil ako sa pagsusulat, wala ng updates at bumalik na ang link sa wordpress.com,  isipin niyo nalang,

Wala siyang gana.

Ang Scarf

Last Sunday, I decided to join two of my friends from Manila in a Halloween party. I did not go home in Iloilo since I was so poor na because of the previous laktwasa in Manila. So conio right? I was so fcking drunk I swear! I wanna wear my puke as a costume that time. Luckily I did not pass out.Yeah, coz heaven knows where my liver is.

I saw a half-naked fat guy wearing just a leather pants and a leather cap.  He looks like in a porn movie, or i must say horror porn movie . Yung sa porn na parang naka bondage sila?  He was all arround the bar as if he was a god, minus the leather thingy. So mahangin amputcha.

My friends dared me to do something crazy that night. The prize? All out beer and free sleep sa hotel. Ok sige, lahat ng libre papatusin ko. You know drunk people will do anything, and regret it the next morning.

Lumakad ako papalapit sa half-naked fat guy.

“hi! I like your costume!” sabi ko.

“thanks!” ang reply niya.

“I like your scarf too!” dagdag ko pa.

Kinapa niya ang leeg niya. Tinignan ako ng may tanong sa mukha.

“Wala naman akong scarf ah”.

“Opps..sorry, akala ko scarf. Fats pala”.

Potah,promise, hindi na ko nagpaorder ng beer. Nagmakaawa nalang akong umuwi agad. Yeah right…im scared. ha ha ha

But that was fun though! yeaaahh….!!best Halloween party ever!

PS: No offense meant sa iba ha. Katuwaan lang ng barkada. And besides, he is so mahangin at mayabang. Buti nalang hindi ako sinuntok. Ang LAKI ko pa naman. ahahahhaa

Ang Ipis

Gumagapang siya papalapit sa ginawa kong cheese sandwich habang ako ay sumusuot ng medyas papuntang work. Baliktad na talaga ang mundo ko. Gabi kung gumising, mag-aayos papuntang work, magtitimpla ng gatas at gagawa ng cheese sandwich. Sa normal na tao, dapat sa umaga to ginagawa at hindi sa hating gabi kung saan mahimbing nang natutulog ang sambayanang Pilipino. At ayun ang ipis, dati rati wala yan sa mga ganitong oras. Tulog din ata. Ngayon, nakikibagay na din sa schedule ko.

Kapansin-pansin ang pagrami ng ipis sa bahay namin. Sabagay, hindi pa naman inaaprub ang Reproductive Health bill. Ang sagwa naman sigurong tignan ng ipis na nagcocondom. Minsan nga nashoshock rin ako pag nagbibihis. Kasi akala ko areola ko pa ang nangigitim sa salamin, yun pala ipis na nakakapit.

Kahapon lang ako bumili ng mothballs. Tuwang tuwa ang room mate ko noong binuksan niya ang aparador at nakita niyang nakahandusay ang mga ipis na nahihirapang huminga.

“Epektib!” sigaw niya.

“Tanga, syempre. Ikaw kayang magtry kumain ng mothballs na yan! Sahog mo sa noodles mo”. Sagot ko.

Nakakatuwa. Kung tutuusin nauna pa yung mga ipis keysa sa ating mga tao na tumira, lumakad, mabuhay at humithit ng shabu dito sa planetang Earth. Pero tayo pa ang atat na atat na patayin sila. Siguro kung nanatiling malaki ang mga ipis, mas malaki pa sa tsinelas na gagamitin pang-apak sa kanila, siguro nga tayong mga tao ngayon ang nagtatago sa madilim na sulok ng aparador. Naghihintay na hagisan ng malalaking moth balls.

May mga ipis na ambisyoso. Nagmamalaki. Nagmamagaling at nagmamaganda. Yung ibang ipis nakapakpak lang feeling nila butterfly na sila. Kung makalipad akala mo kung sinong agila na malayo ang maaabot pero pag sinampal mo ng tsinelas mawawalan din naman ng malay.  Meron din naman mga ipis na demure, yun pala kinain na yung ginawa mong cheese sandwich.

Maliit lang ang mundo na ginagalawan nating mga tao at mga ipis. Sa sobrang liit, nag aagawan na nga tayo ng lugar na pagtitirhan. Kailanman hindi magagawa ng tao na mahalin ang mga yun. Pinangdidirian sila. Marurumi at maraming dalang sakit.

Pero yung mga ipis na nakatira sa condominium at malilinis na lugar? Masasabi ba nating marurumi parin sila? Pano yung mga ipis na hindi kumakain ng panis?

Kagaya din ng ibang tao ang mga IBANG ipis. Nagmamarunong. Nagmamagaling at nagmamaganda. Pilit na nakikihati sa mundo ng iba. Nakikisquat sa aparador ng may aparador. Oo, sila na ang magaling. Sila na ang mataas umihi. Sila na ang butterfly na may itim na pakpak.

Kagaya ng sabi ng kaibigan ko, (na hindi ko na bibigyan ng pangalan)…


Pag hindi mo gusto ang isang tao, huwag mo nang siraan.

Kaya kung alam mong wala ka nang lugar at hindi mo gusto ang mga tao na nasa paligid mo, bakit hindi mo nalang itry mabuhay sa bukid?

Have a blessed and meaningful weekend everyone. 🙂

Paraffle

Kasabay ko sa jeep ang isang babae na nasa early 20s. Mahilig ako manghula ng edad ng mga kasabay ko sa jeep lalo na kung traffic bilang pamatay oras. Mas mabuti na yun keysa mag shabu ako sa loob at kasama sila. Minsan, pumapalya pa din naman ako dahil ang iba kailangan pang I-carbon 14 dating para malaman ang edad. He he he.

Ang skinny niya. Yung balat halos kumakapit na sa buto. Nasa tabi niya ang dalawang anak niya habang akay naman ang isa pang sanggol. Napaisip ako, hindi ba to nababalian ng buto habang nakikibembangan sa asawa?  At yung mga tatlong anak, halos magkalapit lang ang edad. Parang ginawa lang sa tatlong sunod-sunod na araw tapos sabay nilabas sa ika-apat na araw. Laking pasasalamat siguro ng ama dahil hindi pa nagkaka keps lock si babae.

Kausap ng babae ang isang ale na nakaupo din sa kanyang harapan. Yung ale naman ay may dalawang anak na babae. Tinignan ko ang paligid ko. Nilingon ang driver at baka naman nagkamali ako ng nasakyan at sinigurado na hindi to school bus. Tawagin nalang nating, “population explosion jeepney” ang nasakyan ko.

“May paraffle ang baranggay” sabi ng batang babae.

Nasa labas ng jeep ang mata ko para hindi halata na nakikinig ako.

“One million daw ang papremyo. Tapos may consolation prizes na appliances. Bumili ako ng tickets”.

Muntikan na akong mapasigaw ng makita kong nagpapadede siya sa kanyang anak sa look ng jeep habang ang isang anak ay nakahawak din sa dede niya para humingi ng gatas. Kung may gatas lang ang man boobs ko, ako na sana nag offer ng fresh milk ko. Wala akong nagawa maliban sa lumuwa ang mga mata ko sa nakita. Wag kayong bastos, sa baby ako nakatingin at hindi sa boobs.

“Yung pambili ng gatas binili ko muna ng raffle tickets. Baka manalo pa” Dagdag pa ng babae.

Kita sa mga mukha nila na naghihirap  ang mga to makahanap ng pangkain. Ako nga kahit may matinong trabaho may pagkakataon parin na wala akong makain, sila pa kaya na umaasa lang sa mga ganyang pakulo. Pero ito siya, tinaya parin ang naiiwang pera sa isang bagay na walang kasiguraduhan.

Wala akong luck pagdating sa mga raffle shit na yan. Kung darating ang panahon na para makapasok ang tao sa langit ay idadaan lahat sa paraffle, walang duda na dun ako sa impyerno mapupunta para dagdagan ang hotness level ng lugar. Yeah, coz im so hot like that. Joke.(wag kayong maniwala puhlease).

Noong nagparaffle ang opisina ng isang sakong bigas at 3 lata ng sardinas, ni minsan hindi ako tinawag sa entablado para tanggapin ang prizes. Namula lang yung mga mata ko kahit consolation prize na ruler wala talaga. Buti pa nga yung mga ka officemates ko na wala sa mga panahon na yun at natawag pa. Sa isip ko, potangena talaga tong opisina. Sana binigyan nalang ako ng warning na wag nang maki epal pa para hindi na umasa. Nakita nalang ako kinaumagahan na lunod sa alak dahil lang sa hindi nakakuha ng isang sakong bigas at 3 lata ng sardinas.

Mahirap kasi sa ibang tao inaasa nalang ang buhay sa paraffle. Pero wala din naman silang magagawa kung wala din naman silang trabaho. Ika nga kumakapit nalang sa patalim or they are just taking chances.

Wala naman talaga tayong magagawa kung ang panahon na ang nangangailangan. Kagaya ng pag-ibig, kahit anong hirap na natin na mahalin ang isang tao na pilit nating pinakikitaan ng kabutihan kahit na sinasaktan na tayo, sugal pa rin ng sugal. Tataya pa rin na baka sakali sa takdang panahon makakajackpot.

Kahit na mukha nang tanga sa kakahintay na mabunot ang pangalan.Kahit na alam nating walang-wala na tayong pinanghahawakan. Kahit na alam nating wala ka nang maibibigay. Pero ng dahil sa tinatawag na paraffle, umaasa parin.

Kahit ako. Hihintay parin sa tamang panahon………para lang sa kanya na bunutin ang pangalan ko.

Kahit second prize nalang.

picture here.

Happy Thoughts

Nawawalan na naman ako ng gana. Sa kahit ano. Ito ang problema kung mukhang nakuha mo na ang lahat ng kaligayahan sa mundo at nabobore ka na sa lahat ng nakapaligid sayo.

Marami akong gustong ikwento. Pero hindi lahat ng gusto ko ay pwde na. I wish I’m still the old blogger that no one knows personally. Hindi sa pinagsisihan ko ang desisyon na magpakita, pero mas masaya siguro na magsulat na walang nakakakilala sayo. Lahat maisusulat mo. Walang limitasyon.

Ngayon, hindi ko na maisulat ang kagagohan ko. Hindi ko na rin pwedeng libakin ang mga potangenang officemates ko dahil iba sa kanila “accidentally” napunta sa blog ko. OO kasalanan ko naman kasi dahil nilagay ko ang pictures ko. Kaya simula ngayon, utong nalang ang lalagay ko dito. Pero sa totoo, for the last time. Pakyo all officemates.

Ha ha ha..Joke lang.

Sa totoo lang, sobrang stress na ako. Gusto ko nang mag resign. Panay isip ko sa mga bagay  na na nagpapasaya sakin. Simple lang naman ang mga hilig ko sa buhay.

KFC. Kung aabutan ako ng delubyo sa taong 2012, gusto ko nasa loob ako ng KFC. Bahala na magkagulo sa labas basta meron lang akong mashed potato at hotshots. Kapag may humingi ng pagkain ko. titiyakin kong hindi siya mabubuhay habang nilulunod ko siya sa gravy.

KFC ang comfort food ko. Kapag malungkot ako at sobrang pagod sa trabaho, dito ako pumupunta.  Dito ko inayakan si….habang nginunguya ang french fries. Dito ako unang kumain pagkaapak ko ng Cebu. Isa lang ang hindi pa nangyayari sakin dito. Ang makapag jerjer sa counter. Joke.

Pumunta kami dito noong weekend. Syempre nalasing na naman ako ng bonggang- bongga. Feeling ko nga isusuka ko na pati blood cells ko. 3 araw sunod-sunod na inum eh di ano pa ang kinalalabasan? WASAK.

Mahilig ako sa tubig. Basta. Tatay ko siguro si Poseidon.

Musika. Kung titignan mo ang cellphone at laptop ko, walang ibang laman yan kundi music lang. Hindi ako lumalabas ng bahay na walang earphones ang tenga. Tatay ko ang nag turo sakin na mahalin ang musika. Ngayon, kahit sa langit siya, ito lang ang tanging nag-uugnay saming dalawa. drama lang.

Stress reliever ko ang musika. Period.

Pakyo. Hindi ako pedophile.

Kids. Namimiss ko na ang bahay big time. Namimiss ko ang ingay ng mga bata at sa tuwing ginigising ako nila. Ang hirap kasi ang malayo ka e. Nag eemo tuloy.

Bakit ba talaga ako nag eemo ngayon at pilit kong iniisip ang mga bagay sa itaas? Simple lang. Masakit ang puso.

Alam ko naman na pangalawa lang ako sa puso niya. Pero ito parin. Nakiki-apid. hu hu hu.

Ice cream beer tayo!! tangenangshit!

Blogger’s Note

A lot of readers and newbies are asking me tips on how to write. 2 po talaga sila.  Ganun karami. I really don’t think I’m the right person to ask that kind of thing dahil naniniwala ako na ang mga sinusulat ko dito are purely trash. But anyway hymen, if you really want to know my style, here they are sago gulaman!. I also included some of my rules as a blogger.

Enjoy munay!

1.  If  it’s rubbish, you can keep it. I’m referring to the comments. Lahat ng sinusulat ng isang blogger, may kwenta man o wala ay galing sa katas ng pagpiga ng sariling utak. Malaking insulto yun sa manunulat na sa dami-dami ng kinuwento, ang tanging nailagay mo lang ay “exchange links tayu?!”.

2.  Make use of the adjectives. They are free. Adjectives are your hypnotizer. They help you lure readers to keep on reading your story. No one likes to read dull and boring stories. They make each characters and settings colorful. For example, instead of:

a1. I saw a carabao.

Make it:

a2. I saw a mothafacking carabao. Woah!

and woah is the adjective.

3. Write from the heart. Pagnagsulat, kailangan madama din ng sumusulat ang sinusulat nito. It just like you have to love what you are doing if you want to get good results. Pag walang gana, wag nang pilitin pa ang sarili na magsulat. Kagaya din sa pag-ibig, pag hindi na masaya umalis nalang.

Grabe, umabot na naman sa pag-ibig.

4. Choose the information you want to convey. Take out all those unnecessary. Pag nagsulat, you have to focus on the story line. Iwasan ang maglagay ng mga bagay na hindi naman talaga needed sa kwento.

Example:

Pumasok ako sa loob ng kuwarto. Nakahiga siya sa kama na nakatiwangwang ang talahiban. Kita ko ang mga umbok. Parang tumor. Pero cute.  Sa labas ay may lawn mower habang kumakain ng santol ang hardenero. Tinigasan ako.

Ng tuhod.

-end-

Di ba sabog ang istorya? lols

5. When it comes to writing, personality plays a major role. You need to put some character on who you are or what you are.  Bawal ang monotony. Don’t bore your readers with you emoness and laslas pulso tulo ang dugo drama. Madaling ma bore ang mga tao kung araw araw ang nababasa nila ay kung pano ka umiyak ng 3 litrong luha dahil hindi kapa maka move sa boyfriend mong nakitang naglalampungan sa pusa ng kapitbahay. Excite your readers. Play a different person. Try something new.

Go post your nude picture.

Gets? Bye.

Star army and the tragedy

Can you still remember the post that I’ve written weeks ago about my friend mark who got killed by the robbers? I also got a story to tell.

I was waiting for a cab at 5:45 Am along the road of Jones Avenue last saturady. Maliwanang na. Marami na ngang tao at nagjojogging sa lugar. I felt safe. But I was wrong.

May mama na tumabi sakin. Nagtanong kung anong oras. I wanted to run because I have a bad feeling (aside from his shit face) na masamang tao to. I always get in touch with my instinct, yan ang natutunan ko sa Psychology. Fight versus flight. Flight is not an option anymore since may isang mama din who grabbed my shirt at the back.  Im so fcking dead.

If flight is not an option, then fight is the ony choice I have. Looking at them, kaya kong makipag basag ulo sa kanila because I am much bigger than them. They look like addicts (or might be addicts already) na kinapos sa hangin. Skin sticking on their bones,  dead faces that I can knock off in a single punch and bodies that I can easily dismantle.  But…

“Wag ka nang tumakbo o babarilin kita”. Sabi ng gago.

“Weh? Di nga? Try nga kung pumuputok”.

Syempre hindi ko sinabi niyan. Magjojoke pa ba ako sa ganung oras?

Ang sweet naming tatlo. Naka akbay tapos close na close. Ni hindi man lang naligo ang mga potah.  Ang babaho.If the police will ask me to describe the faces of those fucking robbers, the sketch will look like gibberish that the word fugly will sound like underrated.  Potah, pina abort ata sila noong nagpa ulan ang langit ng mukha.

Binigay ko selepono at wallet ko. Sad is they also took the wrist watch that my big bro gave me. As a sign of being thankful for what I have done sa family namin. For me being a bread winner and for him being proud of me. Potah, kahit sira sira na yun, napakalaking halaga nun sakin.

I told my boss of what had happened. Her initial reaction is, “Bakit parang wala kang trauma?”. That’s because I choose to move on and be happy that I am alive.  I Thank God for being there, for keeping me safe. Mabibili ko pa ulit ang cellphobe,.The money? Nah, that will just let him and his family eat for just two days.  And i just hope, gugutomin ulit siya ng tatlong buwan. I’ll spare the family, dahil wala din naman sila kinalaman dun. But if ever that they also tolerate the doings of those bastards, then I wish them all ill blessings.

Mga officemates ko naman iba-iba ang reaksyon. Merong nagsabi na “next time, be careful at always mag taxi. Mukha kasi tayong mayayaman”. Yung isa naman, “Eh kasi ang gaganda ng mga damit mo at ang gara mo pang pumorma”. Tapos ang isa naman, “Sayang, hindi nila nakuha ang puri’t dangal mo”.

So? Next time mag bribrief nalang ako papuntang office? Ganun? Tapos magdala ng landline instead of cellphone? Ang gagaling talaga mag advice.

I miss the sound of my cellphone. Sa totoo lng hindi ko binili yun. It was a gift. Noong may nanligaw sakin. Hindi ko naman yun hiningi. Pawang binigay lang along with a laptop. Di ba ang haba ng kili-kili hair ng tito niyo? Pero bago kayo mag isip ng masama, walang kapalit yun ha. Ni hindi ko nga sinagot ng “oo”.

Dahil lalaki din siya. hi hi hi hi. So goodbye CP na.

Masaya parin buhay ko ngayun. All in all, the worth of the things that they gotten away is lesser than the salary that I’m getting every 15 days. But its the memory that I cannot get back. Potakinangshit na magnanakaw. I wish them all dead.Sana masagasaan sila ng rumaragasang pison at sumabog sana ang mga utak nila para gawing pataba sa mga puno.

To the robber who killed mark, sana may maghold up din sa kapamilya mo and kill them afterwards. How’s that for a revenge? You know, sometimes I dont believe that I’m a humanitarian being.  I’m a believer of the law of talion.  Of the lex talionis. Of ayin tachat ayin. Eye for an eye.

I let God deliver His punishment.

Ohana

Nagkita kami ng dati kong kaibigan noong linggo. Matagal din naman kaming hindi nagkita kaya nagtext ako sa kanya kung pwede bang tumambay muna sa kanila. Mga 2 years din naman siguro simula noong nag alsa balutan ako dun dahil sa sobrang galit sa mga katulong ni ate (taga luto namin sa apartment). Nawalan kasi ako ng gamit. Total ilang creep walk lang naman galing gym ang bahay nila, nagpasya nalang akong mag drop by.

Nalunod ako sa mga kwento. Sa mga tanong. Normal lang naman siguro yun kapag matagal na kayong hindi nagkita. Tinatanong kung totoo ba ang kumakalat na chismis na may anak ako. Sabi ko oo. Marami. Patay lahat dahil pinahid ko na sa banyo.

Napunta ang usapan sa trabaho. Bibili na siya ng bahay worth a million. Yung cellphones, meron lahat each network puro high end pa. Complete appliances. Nabibili ang kahit na ano na gusto niya. Sa totoo lang, pinagsisihan ko ang pagpunta dun. Naawa ako sa sarili ko.

Pakiramdam ko para akong nunal sa mukha. Nanliit ako noong napagusapan ang estado ng buhay namin. Wala akong masyadong maikwento maliban sa pagpagraduate ng dalawa kong kapatid. Wala akong bagong cp. Walang bahay na bibilhin. Walang fridge na puno ng laman. Wala akong savings. Period. W-A-L-A.

Sumama ang loob ko. Kung sakin lang sana napupunta ang kinikita ko, eh di sana nahigitan ko pa siya ngayun. Naisip ko na sana minsan natuto din akong magpaka selfish. Yung sarili ko lang ang iniisip ko. Maraming marami akong sana sa buhay. Na sana pinabayaan ko nalang yung kapatid ko total noong nagaaral ako ako lang din naman ang gumagastos sa sarili ko. Na sana hindi ako nagpapadala ng pera. Sana nakapili ako ng kurso na gusto ko. Na sana kagaya ko din ang kaibigan ko. 26 anyos at stable na.

Aaminin ko. Naiingit ako at nasilaw sa mga materyal na bagay na meron siya. Tao lang. Napatanong ako sa sarili ko na pano kung makahanap na ng trabaho mga kapatid ko at ako naman yung mawawalan ng trabaho? Hindi sa umaasa ako ng kapalit sa perang ginastos ko, pero ako lang talaga yung tao na hindi umaasa sa iba.

Alam niyo ba ang feeling na naiinis ka dahil in the first place hindi mo obligasyon ang magpalaki at magtaguyod ng isang pamilya? Na dapat kay kuya tong obligasyon pero tinakasan niya lang. Na pakiramdam mo pinagdeskitahan ka ng panahon at pinagtripan? Ganyan ang feeling ko sa panahon na yun. Pilit kong iniiba ang usapan dahil kunti nalang at isasampay ko na talaga ang sarili ko sa poste ng meralco sa sobrang inis.

Habang nasa jeep ako, naisip ko na materyal lang na bagay ang nasa kanya. Makukuha ko din yun sa pagdating ng panahon. Na ang estado ng buhay ay hindi lang sa dami ng gamit o pera na meron ka.

No. I will not give up my family.

Sabi pa nga ni Lilo: Ohana means family, family means nobody gets left behind. Or forgotten.

Who Killed My Pussy?

Dali dali akong ginising ni The Dude, yung room mate ko. Nagtanong kung naririnig ko ba ang ingay. Nagtaka ako kung anong ingay dahil alam ko kung minsan hindi makapagtitiwalaan tong si The Dude dahil meron din siyang sariling mundo na may sarili ding ingay. Hindi ko trip ang mundo niya, kaya ni minsan hindi na ako nangarap na maki apid sa mundong gawa-gawa niya. Ayokong makita ng ibang tao na inaaway ko ang sarili ko habang nanonood ng Youtube. Duh.

Read more…

One hawk down

Kailanman hindi magiging ligtas ang mundo na tinitirhan natin. Lahat ng tao ay masama, yung nga lang ang iba piniling maging mabuti. Kahit sabihin natin na mas marami ang mabubuting tao dito sa mundo, hindi parin masasabi na ligtas ang mundo kung may taong masama, kahit na mag-isa lang ito.

Naging malungkot ako nitong nakaraang semana. Hindi naman sobrang lungkot na mas pipiliin ko nalang magkulong sa isang sulok ng kwarto ko, pero yung lungkot na may dalang katanungan sa isip. Yung lungkot na may takot.

Pinatay ang kaibigan ko sa loob ng kanyang inuupahang bahay. Masama pa dun, wala na siyang buhay. Ninakawan na nga pinatay pa. Pareho kaming trabaho.

Call center agent.

Noong makita siya ng kanyang kuya, wala yung PSP, cellphone, wallet at ang picture ko na nasa frame. Joke lang. Lahat kinuha ng demonyong magnanakaw. Pati buhay.

Napakadelikado na ng mundo. Maraming tao nag-aakala na pagnagtratrabaho ka sa call center milyones ang inuuwi mo. Galling sa sariling hirap namin yung natatangap naming pera. Puyat at pagod. Pagmumura ng mga kano. Tapos sa isang iglap lang, kukunin lang ng mga puta ang pinaghirapan mo.

Worst is, they also have to kill you. Hindi ba kontento?

Sa totoo lang. Malungkot parin ako.

Paalam Mark. Rest in peace.

Naiinis ako sa mga taong matanong dahil ako yung taong matipid kung magsalita. Siguro nga pinanganak ako para makinig, hindi para magsalita. Nakakairita lang ang mga taong panay tanong  ng “bakit?”.

PUWEDE BA? HINDI LAHAT NG BAGAY NASUSUKLIAN NG BAKIT!

Kung umiibig ka, kailanman hindi mo to matatanong ang isang tao kung bakit siya umiibig.

Kailangan nating matutong tanggapin ang mga bagay-bagay minsan na hindi nagtatanong. Minsan din sa pagtatanong tayo napapahamak. Naalaa niyo ba ang linyang, “curiosity kills the cat”?


Ano ang pumatay sa pusa? Tange, hindi curiosity. Hindi naman siguro pwedeng saksakin ng curiosity o di kaya banggain ang pusa ng nagraragasang curiosity.  Namatay ang pusa dahil sa kakulangan sa pag-iisip at pagpursigeng lumandi. Wala lang, feel ko lang mag marunong ngayon.

Kung hindi tayo pareho ng sagot, malamang sa malamang, ibang pusa ang tinutukoy ko.

Dumaan ako sa nursery school malapit sa pinagrerentahan naming bahay. Bibili sana ako ng load pero nung dinatnan ko ang tindahan ni Aling Muning, tanging asong nilalangaw lang ang naabutan ko.

“Wazzup dough?!” ang sabi ko.

Sinuklian niya naman ako ng ngiting aso.

Rinig ko ang tinig ng guro sa labas. Tungkol sa kulay ang subject. Public na nursery school to kaya hindi na ako nagtaka kung ang ratio ng guro sa estudyante ay 1:100. Sa labas naman ay mga nanay at yaya na naghihintay sa kani-kanilang anak.

Nakinig muna ako sandali dahil ayoko pang umuwi. Sa pizarra may idinikit na litrato ng mga kulay ang maestra. Naalala ko ang panahon noong bata pa ako. Hindi ako dumaan sa kindergarten o nursery man lang. Dumiretso ako sa Grade 1 dahil sabi nga ng nanay ko, laking bear brand ako. Hindi basta-basta ang utak ko. Sa murang edad, alam ko na ang alamat ng “Ang talahib at ang rosas”.

Tinuro ng guro ang isang litrato sabay tanong, “children, anong kulay to?”.

Sumigaw ang mga bata na “Grey mam!”.

Nagtanong ulit ang teacher sa mga bata na nagbigay sakin ng stroke with 9.5 magnitude.

“Bakit grey children?”.

Muntikan na akong maihi sa pokpok boxer shorts ko.

Anong feeling niya sa mga bata? Scientist na kailangan ipaliwanag kung bakit ganyan ang kulay ng isang bagay? Eh di sana bumigay din siya ng follow up question ng composition ng precipitation at kung gaano to kabigat in a year.

Isang matinding katahimikan ang naganap. Ilang minuto pa ang lumipas, isa-isang umiyak ang mga bata at nagmamakaawa na palabasin na sila. Hindi kinaya ang tanong na “Bakit?”

Kahit ako, isang araw ako na disturbed sa tanong ng guro.

-end-

Gola The Explorer

Naniniwala ba kayo sa kulam?

Ako? Naniniwala NA.

May kapitbahay kami noong una na mula sa karatig isla ng Panay. Nagmula dun ang babae pero noong nakapangasawa ng taga Iloilo, dun na sila tumira. Sa kasamaang palad, naging kapitbahay pa namin.

Malaking tao ang babae. Bigyan natin ng pangalan. Si Gola.

Kung babasehan natin ang average na katawan ng mga babae sa lahi natin, above average ang size ni Gola. Pumutok siguro ang Pituitary gland. Sa unang tingin, masasabi mo na man to man marriage ang naganap. Buti nalang at nagka anak sila, atleast napatunayan na merong matris ang hitad. Dahil kung hindi, habang buhay na babaunin ng lalaki ang kagagohan na ginawa niya dahil sa pagpakasal sa isang mukhang maskulado.

Takot ako kay Gola. Maliban sa maitim ito (wala akong phobia sa maiitim), mahilig pang magchismis. Kever kahit na nahulog na ang anak sa imburnal matapos lang ang tsimis tungkol sa kapitbahay namin na nagnakaw ng niyog sa kasagsagan ng tanghalian.  Alam ko na masamang tao si Gola. Minsan kakambal ng mga malalaking tao ang masasamang ugali.

Ambisyosa si Gola. Lahat gustong angkinin. Lahat ng bagay gusto meron din siya. Inggit na siguro ang pinakamalalang sakit sa mundo. Hindi kayang gamutin ng kahit na anong gamot. Kahit na tumuwad pa ang eata sa harapan mo para baklasin ang nakatagong inggit. WALA.

Kahit papano, nagsisimula nang bumuti ang buhay naming magpamilya. Lahat ng tagumpay namin ay dahil sa hirap at pagpursige naming bumuti ang estado ng aming pamumuhay. Pero sa likod ng tagumpay may mga matang magpakunwari.

Noong isang malamig na Disyembre, ipinasok namin ang kapatid ko na babae sa hospital dahil sa pabalik-balik na lagnat. Ilang araw din siya tumambay dun. Naawa na nga ako sa kanya dahil wala na talagang paglagyan ng karayom sa kamay niya dahil naka dextrose ito. Kung ang dextrose sana sing dali lang gaya ng pagshare-a-load eh di sana ang saya ng buhay.

Like: Send Dextrose to 266

Walang konkretong sagot ang doctor kung ano ang sakit ng kapatid ko. At pagkatapos ng ilang weeks, pinalabas din naman kami at pinauwi. Libo-libong pera na ang pinalabas namin pambili lang ng gamot. Pero hindi parin gumaling.

Ang masama pa, pagkalabas ng kapatid ko ako naman ang nilagnat. Hindi naman uso ang lagnat tuwing disyembre. Kaya nagsimula nang magtanong nanay namin:

Nanay: “What the pack is happening to you guys?”

Dalawa na kami ng kapatid ko ang nakaratay. Lahat na ng gamot nasubukan na namin. Nagsimula na rin kabahan ang Tita Salve ko.

Tita Salve: “I think we need to check that albularyo bitch. Come on guys! Sakay  na”.

Wag na kayong magtaka. Gangster ang pamilya namin.

Sa loob ng bahay ng albularyo, hindi obyus na isa siyang hmmmm…albularyo? Mayaman, hindi siya mukhang kung sino-sinong hampas lupa na bigla nalang nagdesisyon na maging espiritista. Sa isip ko, potangenic…..nag apparition si April Boy Regino.

Hiniwa ang ulo ng manok at nilagay sa planggana ang dugo. Bumigay ng panalangin si April Boy sa wikang hindi ko alam habang kami ng kapatid ko ay tahimik lang.

“Dicho theyang teng ghepin” ang sabi ni April Boy. “Ne mho wolah-wolah que ne shaken”.

Pohtangena, pamilyar ang panalangin.

Kawawa naman ang manok, pang adobo pa sana ngayon gabi. May binigay na itim na bato si April boy. Wag daw naming tignan at deretso lang na iinumin.

Kung bakit alam ko na itim ang bato? Sadyang matigas lang ang ulo ko. Hi hi hi.

Gumaling kami pagkatapos nun. Sabi daw ni April Boy, may bahay daw sa tapat namin na sobrang inggit sa aming pamilya.  Buti daw na wala yung dalawa ko pang kapatid sa Iloilo kundi uubusin niya kami. Kinulam kami. Ng dahil lang sa inggit.

Wala nang ibang salarin kundi so Gola. Tanga na siguro kami kung hindi pa namin gets kung sino ang tinutukoy ni April Boy dahil iisang bahay lang naman ang nakatapat sa palasyo namin. Ang bahay ng potangenang Gola.

Hindi na kami nagplano ng paghihiganti. Sabi ng nanay:

“Revenge is best served when cold”.

Nilagnat lang kami nag-iba na si nanay. Pilosopo kung pilosopo tangenangshit.

Pagkatapos ng ilang taon, umuwi ako pagkatapos na lunurin ng Bagyong Frank and buong bayan ng Iloilo. Nagulat ako sa nakita ko, yung bahay lang namin ang nag-iisang nakatayo pagkatapos ng bagyo. Tinangay ang buong bahay ni Gola papuntang pacific ocean.

Habang nakatayo kami ng nanay ko sa harap ng bakanteng lote na dating pinagtatayuan ng bahay ni Gola….

Nanay: “See anak? Their time has come.”

Juliet Bid Him Goodbye

A man who has nothing left in this world still may know bliss, be it
only for a brief moment, in the contemplation of his beloved.

– Viktor E. Frankl

I wore black from top to bottom as I stand before him. Lifeless, muted and cold. I tried to talk to him, but all I can hear is the echo of my own voice. I want to touch him for the last time but all we have is a glass that separates us. I embraced the cold wood that encapsulates him. ‘Tay…..is all that I can speak.

Read more…

Beware Of That Toast Master

Palagi akong kinukuhang “Toast Master” tuwing may selebrasyon ang mga kaibigan  o kabarkada ko. Hindi ko alam kung bakit. Maliban nalang sa relatives talaga kasi ibang-iba ako pag pamilya ang kaharap. Napakadesente ko at mukhang hindi makabasag ng pinggan.…….Na plastic.

Ni minsan sa buhay ko hindi ko pinangarap na maging public speaker. Ok payn, nagsisinungaling ako. Pinangarap ko na yun one time, at dahil puro walang kwenta ang lumalabas palagi sa bunganga ko, tinigil ko sa pangangarap ng gising. Sinubukan kong tulog naman. Read more…

My life with Josh

Kalahati ng bagong inuupahan kong bahay ay sa may ari ng bahay. Matandang mag-asawa at may isang anak na lalaki na siguro mga 10 years old. Spoiled brat ang batang to at dito magsisimula ang istorya.  Sa potang inang batang to.

Read more…

Even the best fall down sometimes

Lahat naman tayu siguro ay familiar sa mga storya ng isang taong inaapi tapos naging matagumpay sa huli. Kung gusto niyo pa ng example, yung mga storya na galing sa Disney ay karaniwan ganito ang eksena. Magmula kay Snowhite, Cinderella o mismong si Pinocchio.  Mga karaniwang tao na inaapi habang sila ay nabubuhay sa mundo at naging matagumpay na sex slave sa pagkatapos ng libro. Read more…

Lami

(photo deleted)

Mukha ng manyakis

A copy of our conversation:

1. May. 2010 – 13:53

nagkalami naman ka madugayan..hehehehe

2. maldito-13:55

imo man gud ko gibayaan..

3.  13:56

saun gyud ka….ikaw raman ni biya kay dili naman ka makipagsex nako……anha ko imo place be

4. maldito– 13:57

naa ko boardmate..hehehe

Translation:

1. Sumasarap ka habang tumatagal.

2. Iniwan mo kasi ako.

3.  Ikaw lang naman yung nang-iwan kasi ayaw mong makipagsex sakin. Punta ako sa place mo.

4. Nandito boardmate ko.


You’re cool naman and we got along well. Lahat naman busted.Look at me, ang tagal ng busted kaya pila ako ulit sayo.

From: 09176226***

I swear, kahit alam ko na masama ang magtanim ng galit pero  I will hunt back those who hurt me. I will show how painful it is to be rejected. Life is a series of cycle.

Pero joke lang. Patakim nalang naman. Hindi naman talaga ako masama eh. Medyo  kunwari pakipot, strict at virgin pa. Tapos sa huli iiwan ko rin naman sila.

Na naka nganga sa ere.

Morning Gargle

Umaga pa lang rinig ko na ang videokehan galore ng kapitbahay namin. Ninais ko mang matulog ng mahimbing, tanging pagtakip nalang ng unan sa ulo ko ang nagawa ko.  Okey lang naman sana yung kumanta ka habang pasikat na ang haring araw kung maganda naman boses mo. Pero kung boses mo ay parang nasa impyerno at binabalatan gamit ang bread knife, mas mabuti pa sana na magbalat ka nalang ng sibuyas.

Read more…

Post Navigation