The Great Maldito

Thou shall not bitch

Archive for the category “blogging”

Life on transit

May bagong salta sa second floor. Taga probinsya din. Siguro mag-asawa, pero wala akong may nakitang sing-sing sa mga daliri nila. Malamang nagbabahay-bahayan lang. Mga bata pa. Pero mas bata ako.

Hinatid sila ng nanay ng babae noong unang dating nila. At tulad ng magic balls pag nababasa, dumami sila. Anim sila sa isang kwarto na good for two.  Isa na dun ang kasambahay nila na nagmamaganda at isang maliit na bata na hindi ko alam kung anak nila. May hinala ako na yung kasambahay nila ay dun na natutulog sa kisame at yung bata sa aparador. Ang lakas makadala ng katulong pero hindi makahanap ng tamang bahay.

Inaamin ko, mapili ako sa mga tao. Kadasalan, pag sa unang tingin ko ay hindi ko siya gusto, magkakabuhok nalang si Boy Abunda, eh wala talagang imikan na mangyayari. Isama mo na rin ang pagtaas ni Mahal.

Hindi ko gusto si Enday. Sa tuwing lalabas ako ng kwarto at nakakasalubong siya, naaagnas ang mga nipples ko sa takot. Ang talas ng tingin, sa sobrang talas kahit gaano pa kakapal ang foundation mo, makikita parin niya ang mga blackheads. Hindi ko pa nasubukan kung may night vision din siya, pag nagkataon pwede na siguro siyang i-upgrade para gawing flashlight.

Kunti lang ang mga pagkakataon na nakikita ko siya sa bahay. Iisa lang ang lugar na pinaghuhugasan namin ng mga pinggan, kaya kadalasan dun ko siya natitimingan. Minsan nauna siya, kaya pumila ako para ako na ang kasunod. Nung nalaman na niya na nandun ako sa likod, si Enday, kung makapunas ng plato parang wala nang naghihintay na bukas. Mga ceramics na pinggan, nagiging transparent. Pohtangena, ano ba ang problema ng babaeng ito?

Hindi na ako nagpatuloy pa sa paghugas. Kaya ngayon, wala na kaming magamit dahil hindi pa nahuhugasan.

Yung bata naman nakakatakot. Mga 4 or 5 years old siguro, babae at kulot ang buhok. Sa tuwing nakakakita ako ng taong mahaba ang buhok at kulot, hindi ko maiwasan na i-associate sila sa mga santo na pinaparada tuwing holy week.

Maaga akong gumigising. Katapat ng kwarto ko ang CR. Muntikan ko nang masipa ang bata nung pagbukas ko ng CR mga alas 5 ng umaga ay nandun siya sa loob at naglalaro ng sabon. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko, basag na siguro yung panga niya. Mahirap ang magulat, lalong lalo na sa mga taong mahilig sa kape.

Mahigit na sa dalawang taon akong nakatira dito, at sa susunod na linggo na ang huli dahil ako yung tipong hindi tumatagal sa iisang lugar. Marami akong issue sa buhay, isa na dun ang “trust” at “familiarity”.

Kasabay ng paglipat ko ng bahay, ay ang pagtigil sa pagsusulat sa unang tirahan ko. Dito. Kaya ladies and gentlemen, this will be my last post.

Paalam.

PS: Nagsusulat parin ako, a much darker but still a humor blog. Pero hep! Hindi ko sasabihin kung saan. 🙂

 

Hala bira!

Dito ako ngayon sa Iloilo, The City of Love. Pagkatapos ng Sinulog, dito na naman ako nakipyesta. Ang saya-saya lang, ang sarap talaga malasing sa kalsada.lols.

Dinagyang means merry-making. It’s an event in Iloilo tuwing 3rd sunday of January. Pinapakita dito yung history ng Iloilo before the colonizers. The first people who settled here in the island are the Aetas daw kaya parang sayaw to ng mga eatas.

Pasensya na po, pero hindi ako yung aeta na tinutukoy ko.

Dinagyang is the Best Tourism event here in the Philippines. Sa mga taga Manila na walang time o pera to watch Dinagyang, you can also catch them during the Aliwan.

Yung mga mananayaw ay tinatawag na warriors. They have to color their skin black/brown para achieve na achieve ang pagiging aeta.

Fine. Siya na ang Machete.

Mga anak, magsasaing na tayo.

Group jump shot

 

My favorite. I like the color. Sila na yung Tribu na maraming costume.

Puwet galore!

 

Till next time! I’ll be in Boracay naman sa weekend. Parang ayoko na talagang bumalik sa trabaho. ahahahha

CHKSLG

Ito po ay unpaid post. charing.

Kilala ko na si Xg bago pa mabuo ang mga dinosaurs. Reader ako dati, ngayun magkaibigan na kami. Di ba? Ang panahon nga no. Hindi masama ang mangarap. Kaya kung may mga artista kayo o may mga iniidolo, magpapansin kayo ng bonggang bongga. Ha ha ha.

Malapit na naman ang Philippine Blog Awards. Ngayong taon, hindi na ako sumali. Wala naman kasing bumoto sakin dati. Mga ampotah. Gusto kong itapon lahat ng kaibigan ko dito sa dagat para lumutang kung sino ang plastic. joke lang.hahaha

Gusto kong inominate ang soulmate ko na si chiksilog kahit na hindi niya ako sinipot sa ortigas noong october dahil mayaman na daw siya at hindi niya na gusto ang makitambay kasama ang mga hampas lupa.  OK lang. Pagmahal mo ang isang tao, titiisin mo ang mag intay.

Naluha na ba kayo? ha ha ha.

Binoto ko siya dahil sa isang rason. Dahil nag-iisa lang siya. Walang ibang babaeng bloggers ang makakapalit sa puso ko.

Soulmate, pag nanalo ka, pwde paloadan mo ko? Pa-unli ko lang.

Salamat.

3 Araw

Dito na ulit ako sa pathetic na buhay ko sa Cebu. 3 araw sa Manila. 3 araw pero parang kulang.

Sobrang nag enjoy ako sa ilang araw na pagwawaldas ng pera at sa kung anong anong shit na ginawa ko dun. Kahit may bagyo akong dala, sorry na, tuloy parin ang ligaya.

  • Salamat kay Gasoline Dude sa pag-invite sakin sa EB nilang taga Blogspot. Nagstay ako dun sa kanila sa Metrowalk ng matagal. Mga 1 hr. lang eskapo agad. Ang kapal ng mukha, kumain lang ng sisig at cheese sticks lakad agad.
  • Mayayaman sina Gasul at Jepoy kaya feeling ko nagmukha akong maid. Nag chip in ako ng 500 ayaw tangapin.Salamat ulit sa libreng beer. ahahhahaha.
  • Marami nga akong nakilalang bloggers dun, hindi ko rin naman nakausap ng matino.
  • Ang kulit ni Dormboy. Hahahahaha.
  • Lumusong ako ng bonggang bongga sa baha sa kahabaan ng makati. Welcome party daw para sakin sabi ni Binay..
  • Natupad na ang pangarap kong makapunta ng simbahan kasama SIYA.
  • Pumunta ako sa lahat mga tourist attractions dun namely, Greenbelt, Glorietta, Ayala, at 7/11 stores. Oo kasi walang building dito sa Cebu. lols
  • Ilang beses akong nawala.
  • Nag drop by ako sa kapehan ni chinggoy. Hindi ako nag expect na hahandaan niya ako ng pagkain para sa isang dosenang tao. Nabusog ako bossing ng sobra. Feeling ko sasabog na yung pantalon ko. Kakahiya naman sayo, kahit na offer ko na ako na ang maghuhugas ng pinggan ayaw mo. Chinggoy is one hell of a funny man. Salamat sir.
  • The last day is a blast. Spent it in Metrowalk again with my very best buddies in WordPress.
  • Antuken should be the speaker/ voice of Filipino women. Kakaiba ang pananaw sa mga relasyon except for one thing na ayaw niyang gawin. (LOL). In fairness, sa ikalawang pagkakataon pinamukha niya samin na siya na ang pinakamayaman sa aming lahat. ha ha ha. Salamat sa libre……. AGAIN?!! It was fun talking to you again ate. Potah tawa ako ng tawa sa mga stories mo.
  • Smasherjane came late. Social kasi, alam naman na 6 PM ang usapan natulog pa. Ahahahaa…Bottoms up?wahahhaaha…thanks Jane. Nalasing ako ng bonggang bongga feeling ko hindi nako makakauwi nun at sinuka ko na atay ko. Please dont forget us kung nasa US ka na.
  • Jeck will always be jeck. tahimik pero humihirit din paminsan-minsan. Pa cute much pare? hahahahaha…Salamat sa time. Alam ko galing pa kayo ng work pero hindi talaga ako natiis. Alam ko naman yun e, importante talaga ako sa inyo keysa sa work niyo. hahahhaa…pano Part 3 tayo next year! This time weekend na.lols PS: Sabi ni Ser Gasti daw kamukha ni jeck si John Lloyd Cruz at pinaghalong Judy Ann Santos at sino pa yung isa? Gretchen?ahahhaa. Regards nalang kay Vera. Next year na yung para sa kanya.
  • Sir Gasti na appreciate ko talaga yung pag stay mo samin until wee hours kahit na pahinga mo sana yun. Atleast sa unang pagkakataon, nagsama sama na tayung tatlo ni jeck. Kulang nga lang, si Chilidobo. Pero ok lang. May dumagdag naman na ISA. Yung blogger na nagsisimula sa letrang L ang nick.wahhahaha. Salamat at nalasing ka sa kwentuhan at bangayan namin ni “L”. Buti nalang hindi dumanak ang dugo dun sa Metro walk.
  • Para kay “L” na maarte at ayaw ilagay yung pangalan niya dito kasi daw maraming magtatampo at MAIINGIT dahil sumama siya sa EB namin. POTAH KA. Dapat kasi mag Pork chop duo na tayo eh, pero yung gore version. Salamat sa murahan, kagagohan at kwentong lasing. Buti at hindi ka napikon sa kakulitan ko. Salamat sa libro. Hindi mo alam gaano ako kasaya dahil dito, kitams? Hindi lang jerjer ang nagpapasaya sakin.lols
  • Kay bespren tony, salamat sa pagsama sakin. Pasensya dahil sinabi ko sa kanila disable ka dahil ang tahimik mo. ahahhahaa. October again next year? Gawin natin to yearly.
  • Sa kay Princess Fiona, it was nice to see you again. You made my stay there worthy. Thanks for saying yes noong inaya kitang magsimba. Im sorry sa mga kasalanan ko and yet you’re still there. No one knows how happy I am to have you around. Promise, aayusin ko lahat ng gusot na ginawa ko at yung mga damage na naiwan ng kagagohan ko. Even if I’m not sure if I’m able to fix it.

Na achieve ko na yung goal ko. Yung MALASING ng bonggang bonnga for 3 days. At ito, iiwan ko kayo ng isang malaking scandal na tataob kay Hayden Kho at Katrina halili. hahahah.

DA Hu??!!

PS; Yung mga nakasama sa EB, wag kayong magcocomment ng name ha. Potah, papatayin ako nito, nagpromise yun ng hell sakin. lols.  Pero galing kay L ang litrato.ahahhaha. Gagawin kong in moderate ang comments para safe. lols

3 araw lang pala….ako naging maligaya. Di ko man lang napuna, 3 araw koy tapos na.- Parokya ni Edgar

Paraffle

Kasabay ko sa jeep ang isang babae na nasa early 20s. Mahilig ako manghula ng edad ng mga kasabay ko sa jeep lalo na kung traffic bilang pamatay oras. Mas mabuti na yun keysa mag shabu ako sa loob at kasama sila. Minsan, pumapalya pa din naman ako dahil ang iba kailangan pang I-carbon 14 dating para malaman ang edad. He he he.

Ang skinny niya. Yung balat halos kumakapit na sa buto. Nasa tabi niya ang dalawang anak niya habang akay naman ang isa pang sanggol. Napaisip ako, hindi ba to nababalian ng buto habang nakikibembangan sa asawa?  At yung mga tatlong anak, halos magkalapit lang ang edad. Parang ginawa lang sa tatlong sunod-sunod na araw tapos sabay nilabas sa ika-apat na araw. Laking pasasalamat siguro ng ama dahil hindi pa nagkaka keps lock si babae.

Kausap ng babae ang isang ale na nakaupo din sa kanyang harapan. Yung ale naman ay may dalawang anak na babae. Tinignan ko ang paligid ko. Nilingon ang driver at baka naman nagkamali ako ng nasakyan at sinigurado na hindi to school bus. Tawagin nalang nating, “population explosion jeepney” ang nasakyan ko.

“May paraffle ang baranggay” sabi ng batang babae.

Nasa labas ng jeep ang mata ko para hindi halata na nakikinig ako.

“One million daw ang papremyo. Tapos may consolation prizes na appliances. Bumili ako ng tickets”.

Muntikan na akong mapasigaw ng makita kong nagpapadede siya sa kanyang anak sa look ng jeep habang ang isang anak ay nakahawak din sa dede niya para humingi ng gatas. Kung may gatas lang ang man boobs ko, ako na sana nag offer ng fresh milk ko. Wala akong nagawa maliban sa lumuwa ang mga mata ko sa nakita. Wag kayong bastos, sa baby ako nakatingin at hindi sa boobs.

“Yung pambili ng gatas binili ko muna ng raffle tickets. Baka manalo pa” Dagdag pa ng babae.

Kita sa mga mukha nila na naghihirap  ang mga to makahanap ng pangkain. Ako nga kahit may matinong trabaho may pagkakataon parin na wala akong makain, sila pa kaya na umaasa lang sa mga ganyang pakulo. Pero ito siya, tinaya parin ang naiiwang pera sa isang bagay na walang kasiguraduhan.

Wala akong luck pagdating sa mga raffle shit na yan. Kung darating ang panahon na para makapasok ang tao sa langit ay idadaan lahat sa paraffle, walang duda na dun ako sa impyerno mapupunta para dagdagan ang hotness level ng lugar. Yeah, coz im so hot like that. Joke.(wag kayong maniwala puhlease).

Noong nagparaffle ang opisina ng isang sakong bigas at 3 lata ng sardinas, ni minsan hindi ako tinawag sa entablado para tanggapin ang prizes. Namula lang yung mga mata ko kahit consolation prize na ruler wala talaga. Buti pa nga yung mga ka officemates ko na wala sa mga panahon na yun at natawag pa. Sa isip ko, potangena talaga tong opisina. Sana binigyan nalang ako ng warning na wag nang maki epal pa para hindi na umasa. Nakita nalang ako kinaumagahan na lunod sa alak dahil lang sa hindi nakakuha ng isang sakong bigas at 3 lata ng sardinas.

Mahirap kasi sa ibang tao inaasa nalang ang buhay sa paraffle. Pero wala din naman silang magagawa kung wala din naman silang trabaho. Ika nga kumakapit nalang sa patalim or they are just taking chances.

Wala naman talaga tayong magagawa kung ang panahon na ang nangangailangan. Kagaya ng pag-ibig, kahit anong hirap na natin na mahalin ang isang tao na pilit nating pinakikitaan ng kabutihan kahit na sinasaktan na tayo, sugal pa rin ng sugal. Tataya pa rin na baka sakali sa takdang panahon makakajackpot.

Kahit na mukha nang tanga sa kakahintay na mabunot ang pangalan.Kahit na alam nating walang-wala na tayong pinanghahawakan. Kahit na alam nating wala ka nang maibibigay. Pero ng dahil sa tinatawag na paraffle, umaasa parin.

Kahit ako. Hihintay parin sa tamang panahon………para lang sa kanya na bunutin ang pangalan ko.

Kahit second prize nalang.

picture here.

Oktoberpest

Ilang araw nalang maghahasik na naman ako ng lagim sa Manila. At kung tatanungin niyo ako kung ano ang gagawin ko dun, pasensya wala akong maisasagot. Trip lang.

Pero tama din naman ang isang tao diyan. Wala akong kwenta. Pupunta ng Manila once in a blue moon kahit isang plano wala. Maliban sa gusto kong malasing sa lansangan ng kamanynilaan, wala na talaga akong planong maganda. he he he.

Hokey. Ito, para naman lumabas na hindi lang ako mag-aaksaya ng pera na akala mo kung sinong mayaman, gumawa ako ng kunwari listahan ng mga gagawin ko sa Manila

1.  Iinum. Dahil Oktoberfest. Period.

2. Imemeet ang ibang bloggers. Pero dapat may inuman.

3. Maghahanap ng Japanese resto. Beertime after kumain.

4. May kakausapin akong tao. Importante. Sana hindi ako lasing sa oras na yun. I miss her.

5.  Pupunta sa Coffee Shop ni Mr. Chingoy. Wish ko lang merong talaba dun.

6. Get laid. Joke lang.

7.  Magsisimba sa Manila Cathedral. Promise hindi ako magdadala ng placards.

8. Iinum.

Yun lang.  Excited na ko! YEEEEEEEEEEEEEAHHHHHHHHHHHH!! Sa totoo, hindi talaga ako nagplaplano. Kas gusto ko spontaneous.  Atleast, wala kang ineexpect wala ka din inaasume. Kaya see you around bitches!

Blogger’s Note

A lot of readers and newbies are asking me tips on how to write. 2 po talaga sila.  Ganun karami. I really don’t think I’m the right person to ask that kind of thing dahil naniniwala ako na ang mga sinusulat ko dito are purely trash. But anyway hymen, if you really want to know my style, here they are sago gulaman!. I also included some of my rules as a blogger.

Enjoy munay!

1.  If  it’s rubbish, you can keep it. I’m referring to the comments. Lahat ng sinusulat ng isang blogger, may kwenta man o wala ay galing sa katas ng pagpiga ng sariling utak. Malaking insulto yun sa manunulat na sa dami-dami ng kinuwento, ang tanging nailagay mo lang ay “exchange links tayu?!”.

2.  Make use of the adjectives. They are free. Adjectives are your hypnotizer. They help you lure readers to keep on reading your story. No one likes to read dull and boring stories. They make each characters and settings colorful. For example, instead of:

a1. I saw a carabao.

Make it:

a2. I saw a mothafacking carabao. Woah!

and woah is the adjective.

3. Write from the heart. Pagnagsulat, kailangan madama din ng sumusulat ang sinusulat nito. It just like you have to love what you are doing if you want to get good results. Pag walang gana, wag nang pilitin pa ang sarili na magsulat. Kagaya din sa pag-ibig, pag hindi na masaya umalis nalang.

Grabe, umabot na naman sa pag-ibig.

4. Choose the information you want to convey. Take out all those unnecessary. Pag nagsulat, you have to focus on the story line. Iwasan ang maglagay ng mga bagay na hindi naman talaga needed sa kwento.

Example:

Pumasok ako sa loob ng kuwarto. Nakahiga siya sa kama na nakatiwangwang ang talahiban. Kita ko ang mga umbok. Parang tumor. Pero cute.  Sa labas ay may lawn mower habang kumakain ng santol ang hardenero. Tinigasan ako.

Ng tuhod.

-end-

Di ba sabog ang istorya? lols

5. When it comes to writing, personality plays a major role. You need to put some character on who you are or what you are.  Bawal ang monotony. Don’t bore your readers with you emoness and laslas pulso tulo ang dugo drama. Madaling ma bore ang mga tao kung araw araw ang nababasa nila ay kung pano ka umiyak ng 3 litrong luha dahil hindi kapa maka move sa boyfriend mong nakitang naglalampungan sa pusa ng kapitbahay. Excite your readers. Play a different person. Try something new.

Go post your nude picture.

Gets? Bye.

Beware Of That Toast Master

Palagi akong kinukuhang “Toast Master” tuwing may selebrasyon ang mga kaibigan  o kabarkada ko. Hindi ko alam kung bakit. Maliban nalang sa relatives talaga kasi ibang-iba ako pag pamilya ang kaharap. Napakadesente ko at mukhang hindi makabasag ng pinggan.…….Na plastic.

Ni minsan sa buhay ko hindi ko pinangarap na maging public speaker. Ok payn, nagsisinungaling ako. Pinangarap ko na yun one time, at dahil puro walang kwenta ang lumalabas palagi sa bunganga ko, tinigil ko sa pangangarap ng gising. Sinubukan kong tulog naman. Read more…

Finding Mr. Story Teller

Habang nasa kubeta ako at nag cliclient visit, natanong ko ang sarili ko kung kelan ba talaga ako nagsimulang magsulat. Bumalik ako noong elementarya. Naaalala ko, grade 6 ako naging opisyal na writer “daw”. Yun yung kauna-unahang pagkakataon na nakita ko ang pangalan at ang isinulat ko sa isang school magazine. Sadly to say, yung copy na na tinago ko sa matagal na panahon ay nawala dahil sa Bagyong Frank. Read more…

Soulmate

Isa si Xg sa bumuo sa kung ano ang katauhan ni Maldito sa mundo ng sapot. Para lang akong lalaki na hinugot sa kanyang balakang. Soulmate nga ang tawagan namin. Ahem. Ahem. Ahem. Mic test.

Read more…

No place like home

Ang hirap magpaalam no? Kung kailan ka naging masaya minsan, dun rin naman biglang matatapos ang lahat. Minsan kasi ang buhay ay kill joy, tirik na tirik na mata mo dun rin naman puputulin ang orgasmic moment  mo. Bibitinin ka na, iiwan ka pa sa ere. Di ba masarap ang buhay? Read more…

Post Navigation