The Great Maldito

Thou shall not bitch

Archive for the category “emotions”

Cocks

Isa sa katangian na hindi ko nakuha sa yumaong ama ko ay yung pagkahilig sa sugal. At nagpapasalamat ako na hindi ko kinahiligan yan. Mahilig akong sumugal ng tsansa sa buhay, pero kung yung sugal na may halong pera, ibang usapan na yan. Read more…

Basya and Popoy

Mga 15% ng nagbabasa ng blog na to ay galing sa middle east. The rest ay mga disabled kaya maraming hits. Joke.

Mabigat ang loob ko sa lugar na yan.  Hindi dahil sa maraming readers ang nandun, ito’y dahil sa isang estorya ng buhay ko na naging parte sa kung ano ako ngayon.

Nasa kolehiyo pa ako  noon nung nakita ko ang babae na magpapatibok ng aking puso. Sama mo na diyan ang puson, pantog, pulso at kung ano pang pwedeng tumibok sa katawan. Pangalan pa lang niya, nanghihina na ako. Kailangan ko ng balot.

Dahil likas na malandi ako, naging kami. Doon sa overpass malapit sa SM Delgado (Iloilo) niya ako  sinagot sa harap ng mga taong grasa na naghihintay na ambunan ng piso.  Umuualan pa nun, kaya naiihi ako nonng marinig ko ang matamis niyang, “oo”. Gusto kong lumundag sa overpass, pero pinigilan ko ang sarili ko kasi  baka masagasaan ako pagdating sa baba. Dyahe. Mas  gusto kong mamatay sa sarap.

Dumating ang panahon na kailangan kong lumuwas papuntang Cebu. Pinigilan niya ako pero may mga bagay sa mundo na hindi pwdeng solusyonan ng pag-ibig lang. May pangarap ako, at hindi ko yun makikita kung dun lang ako sa barrio namin. Hindi sapat ang salapi na kinikita sa pagtinda lang ng repolyo at pag-aalaga ng baboy, manok at kambing.  Gusto ko siyang isama, pero ayaw niya. Mas pinili ko ang career.

Hindi niya ako maintindihan. Siguro nga hindi siya nakakaintindi ng english. Hindi ko rin siya mapilit. Naging tahimik ang komunikasyon namin hanggang sa mabalitaan ko nalang na paalis na siya papuntang middle east. Pinagpalit ako sa buhangin at camel. Wala kaming closure kaya umaasa parin ako na OK lang ang lahat. Tangena, bobo?

Panandalian ko siyang nakalimutan. Pero merong mga sandali na naalala ko parin siya.  Lalong lalo na sa mga oras na nag-iisa ako. Umuulan at tanging kape lang ang kasama. Naalala ko siya tuwing malamig. Tuwing may nakikita akong wall na blue. Mukha niya ang nakikita ko tuwing kumakain ako ng tocino. Naalala ko siya pag nagbubukas ng aparador.

Hihihihi..kinikilig parin ako sa scene namin sa aparador. hihihihi. feel niyo ba yung kilig ko? Ayoko nang ikwento yun. TMI much kaya it is.

Sumama ang pakiramdam ko kani-kanina lang. Nag-usap kami sa facebook. Na suspend daw ang account niya kaya hindi siya naka log in sa loob ng isang daang century. Sabi ko OK lang, natutunan ko namang limutin siya. Pero sa totoo, sobrang saya ko noong minessage niya ako.

Umabot sa punto napag-usapan namin yung nagdaan. Kasi sa totoo lang, umaasa parin ako na babalikan. Ito ang sabi:

Never mind that Jeffrey na nasa taas. So epal lang. hahahah

“Next year ako uuwi, April ang kasal ko”.

Feeling ko napunit na ang lahat na dapat punitin. Pinilit kong hindi maiyak dahil sa opisina ako.  Ang tanga tanga. Nag-intay pala sa ako wala. Alam niyo ba ang feeling na gusto mong tumakbo, pero wala kang tatakbuhan dahil nasa loob ka ng cubicle mo? Hindi ganyan ang nararamdaman ko. Iba. MASAKIT.

Sinabi ko na oo, aatend ako sa kasal niya. Magpapakatanga ako sa hanggang sa huling sandali. Sinabi ko sa kanya na kakayanin kong makita siya na ikakasal sa iba, pipilitin kong magpakasaya.

At bilang pangwakas sa chat namin…


Never mind that Jefrey again. Panira ng moment.

Sinabi ko parin na mahal ko siya.

Bwesit lang , nagreply naman ng “LUV U 2”.  Ayoko na. 😦

Iiwan ko nalangg kayo ng paborito kong linya:

Basha: Ang totoo, hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sabihin mo sa akin na ako pa rin, ako na lang, ako na lang ulit.
Popoy: She loved me at my worst, you had me at my best… and you chose to break my heart…

Tagay anyone? : (

Juliet Bid Him Goodbye

A man who has nothing left in this world still may know bliss, be it
only for a brief moment, in the contemplation of his beloved.

– Viktor E. Frankl

I wore black from top to bottom as I stand before him. Lifeless, muted and cold. I tried to talk to him, but all I can hear is the echo of my own voice. I want to touch him for the last time but all we have is a glass that separates us. I embraced the cold wood that encapsulates him. ‘Tay…..is all that I can speak.

Read more…

Stone hearts and angry names

Just spoke with nanay on the phone and had a little argument. Yung sister ko ang may kailangan, pero alam nila na pag ako ang nagalit, si nanay lang ang makakapacify sakin. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinalabas ko lahat ng galit ko sa mundo. On how unfair it is sa side ko. Read more…

Post Navigation