The Great Maldito

Thou shall not bitch

Archive for the category “kwentong gago”

Para kay G

Dati parating nagmimisa si nanay tuwing almusal bago pumunta ng skul.Parati niyang sinasabi habang naghahain ng ulam ..

” Ang hirap na ng buhay ngayon. Lahat nagtataasan ng presyo. Bigas,kuryente at gasolina. Tapos ikaw panay ang tulog. Hay nako!”

Minsan sumagot ako.

“Eh di gasolina nalang ang ulamin natin. Pareho lang naman ng presyo sa pagkain”.

At hulaan niyo kung sino ang pumasok sa skul na walang laman ang tiyan. Hu hu hu. Ang minsan ay hindi na naulit.

Hindi ako interesado sa ekonimiya noon. Ang naiinitindihan ko lang ay mahirap kami. Simple. Kahit gaano kataas ang mga bilihin kung wala ka namang pambili, wala rin namang kwenta yung pag-emote sa balitang tumaas ang presyo ng gatas. Tandaan, hindi lang suso, I mean sa dudo ng cow makakakuha ng gatas. Maraming paraan pag resourceful ka.

Naiinis ako sa mga taong lakas makarelate. Yung kapitbahay namin na si Pebi (in Bisaya ) or Phoebe (in tagalog) ay isang born again. Born again dahil kada buwan may bagong personality. Isang umaga humihingal na nagkwento kay nanay habang naglalaba.

” Nako madam! Narinig mo ba ang balita kagabi na tumaas naman ang presyo ng gasolina dahil sa gyera sa middle east? Problema na naman kung pano tayo makakabili ng gasolina. ”   Tanong ni Pebi.

” Wala. Dati pa naman tumataas ang presyo ng gasolina. Wala nang bago sa balita na yan.” Sagot ni nanay.

Likas na joiner ako. Kaya tinanong ko si Ate Pebi.

” May kotse ba kayo teh at kung makarelate ka sa balita kulang nalang lumuha ka ng tanso?”

” Wala. Hi hi hi” sabay walk out.

Hindi ko masyadong naiintidihan noon kung gaano kahirap kumita ng pera. Mababa lang ang sahod ng nanay ko kaya kung pwde lang hiwain sa lima ang isang strand ng pancit gagawin niya. Tapos tig-iisang butil lang ng kanin. Ganun lang bro. Ganyan.

Kung tutuusuin kahit gaano kabigat ang problema natin sa buhay lahat nalalampasan kung maparaan lang tayo. Nagtataka nga ako kung pano ko nalampasan ang mga shitty things na nangyari sakin. Kunting beer, bukas makalawa solb na.

Ngayong may trabaho na ako at tumutulong kay nanay, baliktad na ang mundo. Ako na yung panay litanya na bigyan importansya ang pera dahil mahirap kumita. Ramdam na ramdam ko yung paghihirap na naranasan niya noon. Naiisip ko nga minsan kung bubuo pa ba ako ng pamilya dahil takot ako na balang araw gagawin ko yung sinabi ko. Yung ulamin ang gasolina.

 

PS: This is my entry for Gasdude’s blog writing contest.  Go join here!

Masamang tao

Dalawang araw akong nagkulong sa kwarto at nanood ng Hellraiser. Simula pa sa unang pinalabas siya noong 1987 hanggang sa huling pelikula niya noong 2005. Hindi ako tumigil sa kakanood kahit na nasusuka na ako sa mga nagliliparang karne ng tao, utak na ginagansilyo at kung ano pang pangpadisturb ng pananalampataya. May pinapatunayan kasi ako.

Sabi sa pelikula, lahat ng tao may kasamaan at kabutihan. Depende nalang sa atin kung saan ang mas mabigat. We create our own demons.We are our own demons.

Hindi ako nabigla. Kinapa ko ang noo ko at baka may sungay na na nakaumbok. Baka kasi nagpaparinig lang ang potangenang narrator.

Alam kong mabuti akong tao. Ipupusta ko ang lahat ng natitirang puri ko.Pero hindi ibig sabihin na mabuti akong tao hindi na ako marunong gumawa ng masama. Marunong din naman ako mag poke back pag pinopoke. Facebook lang kuya?

Sabi ng nanay ko marami daw kaibigan si tatay na masasama. Yung isa nangutang daw sa kanya ng malaking pera. Pero kung sisingilin mo na, hindi na nakakakilala ng tao. Automatic may amnesia. Kaya noong namatay siya, hindi rin namin siya kilala. Ni anino namin hindi nagpakita sa burol.

Nakakasira talaga ng relasyon ang pera.  Kadalasan, ang kasamaan ay sinusuklian rin ng kasamaan. Kaya hindi natatapos ang laban. Paulit-ulit. Buti nalang walang pera ang pamilya ko. Kaya minsan lang kami mag away. Usually, ang pinag-aawayan namin ay kung sino ang maghuhugas ng pinggan. Yun lang. Thank God for making us poor.

Nawalan ako ng 2 kaibigan. Mali, hindi ko sila pinatay. Ako nalang mismo ang nagdesisyon na tanggalin at iblock sila sa Facebook. Potah lang kasi, ang lakas makautang tapos ako pa yung nahihirapang maningil. The nerve!

Masisisi ba nila ako? Nagalit daw sila sakin.

Nagpost kasi ako sa wall nila na wag nalang nilang bayaran ang kanilang utang total eh wala rin naman silang planong magbayad. Abuloy ko nalang sa kanila yun.

Anong masama sa abuloy? Eh ako na nga nag offer.

Hanggang ngayon hindi parin ako makaget –over sa nangyari sa pamilyang Revilla. Kunwari close lang at sobrang affected. Paano kaya magagawa ng isang kapatid ang ipapatay ang sarili niyang kuya? Dahil lang sa pera.

Natapos ko ang Hellraiser ng dalawang araw. At ang resulta ng gusto kong patunayan?

Potah. Takot parin ako sa dugo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Plastic Bigote

Nay, pwede po ba akong mag artista?

Hindi kumibo si inay. Mamasa-masa ang mga mata niya habang nakatingin sakin. Tumalikod. Hinarap ang mga tanim niyang bulaklak at kinausap.

Dun nadurog ang puso ko at itinakwil ang pangarap na maging isang Aga Mulach o kahit George Estregan man lang. Okay, John Lloyd Cruz lang naman sana yung nais ko.

Minsan sa buhay natanong na natin sa sarili kung pano kaya kung naging artista tayo?. Yung nakikita tayo sa telebisyon. Iba nga masaya na masagip ng camera sa 24 oras kahit ang nasa backround ay nasusunog na bahay o di kaya nakahandusay na patay.

Kung magkakaroon ako ng manager, gusto kong kunin si annabelle rama. Tiyak walang babatikos sa kakayanan kong umarte. Lahat ng kaaway pinapatay na sa interview pa lang. Pano na kaya kung magface to face?

Kaya siguro hanggang ngayon wala pang kumontra sa pag-arte ni Richard Gutierez. Kung maka facial expression kasi parang na stroke lang. Hindi mo alam kung malungkot ba o masaya. O di kaya nilalabasan na pero malungkot parin.

Marami akong role na kaya kong gampanan. Sa action, gusto ko ako yung kontrabida. Maraming side kick tapos armas. Yung leading lady ko dapat si Melai para maiba. Kakasawa na kasi yung sobrang ganda katulad ni Anne Curtis at Christine Reyes. Kunwari iinit ulo ko tapos ibabaling ko lahat ng galit ko kay Melai.

Sa huli, hindi yung main actor ang mapapatay ko kundi si Melai.

Ayoko ng comedy. Hindi kasi ako marunong magpatawa. Seryoso akong tao, kaya magmumukhang pilit yung acting ko pag nagkataon. Wag kayong maghanap ng proof. Mapapahiya ako.

Kung drama naman, mas magaling ako dun. Bibigyan ko kayo ng isang eksena na nasa isip ko ngayon na gustong gusto ko.

Sakit na siguro yung pinaka epektib na dahilan para paiyakin ang manonood. Kunwari may cancer ako at may taning na ang buhay. At dahil maganda yung eye lashes ko, tawagin nalang nating cancer of the eye lashes ang sakit ko.

Magdadala ng pancit ang asawa ko. Sisigaw habang pumapasok sa kwarto…

“ Bibi (oo, matigas na baby), may dala akong pancit”.

Hindi ako gagalaw. Hindi na humihinga. Itatapon niya ang pancit sa sulok at sisigaw naman ng….

“ Bibi (oo matigas parin), huwaaaag moooooo akooooonggg iwaaannnn!!”

Bigla nalang akong magsasalita…

“Mahal, ayusin mo bigote ko”.

Tapos mawawalan ulit ng buhay.

Gusto kong humiga siya sa natapong pancit at dun iiyak. Wala lang. Parang mas makukuha niya kasi ang simpatya ng tao pag dun siya.

Simpatya sa pancit. Hindi sa kanya.

Marami akong gusto sa buhay. Sa sobrang dami iba kinalimutan ko na. Iilang tao lang ang masasabi nating masaya sa ginagawa nila. Walo sa sampung katao tinitiis nalang kung saan sila ngayon. Maniwala kayo sa statistics ko. Nakuha ko yan sa nagitinda ng taho.

Minsan, may nagtanong sakin kung bakit hindi ko kayang magmahal ng iba. Na mahalin siya.

Alam niyo kung bakit?

Kaya kong mag-inarte. Pero kahit kalian, hindi napepeke ang puso.

Anong Nanyare?

Kung may ayaw ka sa rules and regulations sa kompanya o ayaw mong sundin, ano yun?

“Yung dress code, yung no cellphone policy po at yung no browsing ng internet websites aside from google”.

Yan ang tanong ng HR officer sakin noong nagka job interview ako dati para sa promotion.  Ang honest lang ng sagot, halatang gustong-gusto ang policy sa opisina. Gusto ko ngang i-print ang rules and regulations, paframe at gawing pendant para ipakita ang pagiging die hard fan.

At dahil sa napakaganda ng sagot ko, yes, alam niyo na ang resulta.

Hindi ako napromote. Naghahanap pala ang kompanya ng robot. Yung sunod lang ng sunod.Hindi sila nagsabi, sana nagsuot ako ng Gundam alas cosplay.

Minsan, hindi mo talaga ma gets ang takbo ng utak ng isang tao. Tatanongin ka, at kung bibigyan mo ng walang pag-iimbot at buong tapat na sagot, magagalit. Kagaya ng nanay ko.

Nanay: Hindi mo ba alam na delikado ang daan pag gabi! Ha? San ka galing! Sagot!

Me: Eh nay, hinatid din naman ako ng classmate ko. Malaki na po ako ano ba.

Nanay: At ngayon sumasagot-sagot ka na!!

Me; 😦

At dun ako napaluha ng pako. Kung saan tumanda na nanay ko, dun pa nagsimulang mag drugs. Hahay.

Minsan nagkaproblema kami ng girlfriend ko. Umuwi kasi ako noong monthsary namin pero hindi rin naman nagtagal. Kailangan ko rin namang bisitahin ang pamilya, dating classmates, officemates at ibang kaibigan. Nagalit sakin kasi mas marami pa yung time ko sa ibang tao keysa sa kanya.

At sinabing din niya na hndi niya na kayang ipagpatuloy ang relasyon. Nahihirapan siya kasi malayo ako, malayo ang trabaho ko. May mga oras na gusto niya akong makasama pero wala ako.

Ilang araw din akong nag-isip kung papayag ba ako sa gusto niya o hindi. Lahat ng possibleng kalalabasan ng desisyon ko ay pinagisipan kong mabuti. At sa huli, pumayag ako. Ang selfish ko naman pag hindi ako pumayag. Gusto niya ring lumigaya, at hindi ko maiibigay lahat kasi malayo ako. Sinabi ko nalang na pag-uwi ko, maguusap kami ulit kung ako parin ba o may nahanap na siyang iba. Masakit, pero hindi ko kayang ipagdamot ang isang bagay kung yun ang ikakaligaya niya.

‘Sige, payag na ako.” Text ko sa kanya pagkatapos ng ilang araw na pag-iisip.

“Wag na nga lang, hindi ko kaya”. 

At hindi lang ako naluha ng pako. Yero na ang lumabas sa mata ko.

Hahay…

Shooting Mall

Sa oras na to malamang marami na sa inyo ang nakakaalam sa nangyari sa SM Iloilo, SM Pampanga at sa SM North Edsa. Kung kailan pa nag-expand ang SM malls para maging shooting mall, hindi ko alam. I’m so belated.

 

Ano nga ba mayroon sa SM na pinipinili ng mga tao para mag suicide? Dahil ba malamig at dyahe naman kung sa Quiapo gawin ang krimen? Dahil ba sa motto na “we got it all for you”? O para malaman ng ibang tao na hanggang kamatayan ang pagmamahalan nila? Hindi ko talaga gets kung bakit pa sa maraming tao gagawin na pwde din naman sa bahay para convenient. Papasukin mo lang sa kwarto, babarilin and dyaran. Tapos.Choosy pa sila. SM talaga.

 

Hindi sila nag-iisip na maraming tao ang masasaktan sa gagawin nila. Ako na ang concern?

 

Magagawa talaga ng pag-ibig no? Siya na ang powerful.Kaya nga hangga’t maari hindi ko pinapayagan ang mga tao na mainlove sakin, kasi mababaliw lang sila. Ayoko naman maging problema sa kanila kaya ako nalang ang umiiwas. Lols.

 

Nagjojoke ako. Potah. Wag kayong mag react.

 

Kakabigla yung nangyari sa SM Pampanga. Ang babata pa kung lumandi. Noong 13 years old ako, (which is 5 years ago) nasa itaas pa ako ng puno at gumagawa ng tree house o di kaya sa ilog namimingwit. Mga kabataan ngayon nasa malls na, nagbabarilan. Minamadali nila ang pagtanda. Ngayon nga, gusto-gusto kong bumalik sa pagkabata. Gusto kong magbahay-bahayan ulit at kung ano pang kahalayan.

 

Pero hindi naman natin masisisi sila kung sobrang nagmahal sila. Ni wala pa ngang taong kinasohan sa sobrang pagmamahal. Yung mali lang eh yung hindi kayang kontrolin ang sarili. Parang pagdridrive lang yang ng motor, pag mabilis ang takbo, mas bibilisan pa natin. Need for speed kung baga.  Kaya pag biglang hinto, dun mo na malalaman wasak na pala mukha mo.

 

Ang punto ko lang naman dito ay, buhay pa ako peps. Manood kayo ng No Other Woman ha!

 

ahaha

 

 

 

 

 

 

 

 

Soap Opera

Ang bango-bango ng bagong sabon na inutang ko sa aking room mate. Nasa box niya ang pangalang oat milk, so malamang gawa siya sa gatas at oats. Duh? Minsan nga naisipan ko na siyang kainin dahil wala talagang pagkain sa bahay. Umandar na naman ang pagka hungry dead.

Para siyang sampaguita na may halong ¼ ounces of roses, pinch of mint at isang patak ng luha ni severus snape.

Ang sarap isabon dahil may oats, lalo na sa mga lugar sa katawan na mahirap abutin. Masarap kasi para ka lang nag sascrub, nakikiliti ang betlogs ko pagsinasabon ko siya. Amazing talaga dahil pagtingin ko sa betlogs ko ….shiny na!

Okay, hindi ako papasa bilang product reviewer.

Fetish ko ang mabango. Sa tuwing paglabas ko ng banyo pagkatapos maligo, para lang akong rebulto na inalayan ng bulaklak. Ganun siya kabango. Kaya kahit sa bango man lang, feel ko na ang linis ng budhi ko, walang bahid ng immoralidad at intact parin ang kamalayan kahit na wasak na wasak na ang mukha.

 Medyo may kamahalan lang ng kunti ang bagong sabon ko. At ang daling maubos. Siguro nga dahil gawa siya sa gatas. Pero bago ko pa gamitin ang sabon na to, meron na akong regular na sabon na ginagamit. Hindi man siya ganun ka bango kumpara sa oat milk, tiwala pa rin ako sa kapabilidad niya na magbigay sakin ng long lasting kaligayahan. Walang shiny balls after bath, but a pure feeling of satisfaction. Weh?

Sa dami ng “options” sa mundo sa lahat ng bagay, nakakasakit na sa ulo ang mamili. Kadalasan, papalit palit tayo ng ginagamit dahil kulang, tapos hahanap na naman ng bago, at kulang na naman o hindi ka masaya dahil nga, kulang. Ang dali lang siguro pumili kung ang pagpipiplian ay pula o sa puti lang, o di kaya pera o bayong, pwede ring hirap o sakit. Teka, parang pareho lang no?

Di rin nagtagal bumalik ulit ako sa dating sabon na ginagamit ko. Ganyan naman talaga parati. Kailangan sumubok ng iba. Dahil sa kabila ng papalit palit natin sa pagpili ng mga bagay, mas lalo nating nalalaman kung sino at ano ang dapat nating bigyan ng halaga.

Hindi na importante kung magkamali man, ang importante kung pano natin balikan ang ating iniwan at sabihing,
Sorry na. Ikaw naman talaga ang gusto ko.

Anita and the 10 questions

Ang kwento ko ngayon ay hango sa totoong buhay. Iniba ko lang ang pangalan ng mga taohan para hindi naman masyadong obvious na officemates ko sila at nilagyan ng glitters para hindi magmukhang totoo. Lols. At syempre para pangalagaan ang kanilang reputasyon at dignidad, kung meron man.

Sa isang malayong lugar na tanging ako lang ang nakakaalam, may isang kaharian na  hawak ng isang malupit na reyna.  Tawagin nalang natin siyang Lady F (F for Efren).

Anti RH bill si Lady F, kaya lumubo ang populasyon ng kanyang munting kaharian. Wala na talagang paglagyan ang mga bagong panganak na mga sanggol maliban nalang sa flower pot. Kaya nag-isip si Lady F ng paraan kung pano mabawasan ng tao ang kanyang kaharian. Read more…

In the name of the dumbells, the bench press and the holy threadmill

Kailangan ko magpapyesta. Dalawang linggo kasi akong nag-gym na walang absent. Para sa taong madaling magsawa at tamarin, isang milestone na to sa buhay na pwdeng ilagay sa Family Achievements. Dapat ilagay sa ilalim ng Family Tree.

 

Nakakatuwa na nakakabadtrip kung mag-gym paminsan minsan. Ako kasi yung tao na mas gugustuhin ang mag-isa lang sa gym. Ayoko ng maraming tao dahil hindi ko nagagawa ang mag-dumbells habang nagbabackflip ng 360 degrees o di kaya magsplit habang nagtre-threadmill. Parang may sanib lang.

 

Isa sa pinaka ayaw ko sa gym ay yung pumupunta lang para umupo at magmasid. Ginawang live television ang gym. Alam niyo naman, mahiyain akong tao at hindi ko nga nagagawa ang dapat gawin pag maraming tao, pano pa kaya yung tinititigan ka habang nagbubuhat. Kanina, ang sarap lang basagin ang mukha ng isang lalaki gamit ang 10 kilos na dumbbell na umupo sa likuran at pinanood ako habang feel na feel ko ang bawat pawis na tumutulo sa noo ko, pababa sa leeg, dumaan sa dibdib ang nag u-turn sa mga nipples ko.

 

Nakakagago lang. Ang sama kasi ng tingin. Parang hinuhubaran ka ng medyas. Ewan lang kasi nasa baba siya nakatingin. So nag assume ako naa inggit siya sa Hello Kitty socks ko.

 

Meron din namang mga tao na hindi kontento sa panonood lang. Yan ang mga taong pakialamero sa ginagawa at hindi matatahimik hanggat hindi napapawi ang kati sa kani-kanilang bunganga.

 

Gumagawa ako ng inclined press. Ang sarap-sarap magbilang. 1….2…..3…nang biglang sinabihan ako ng isang lalaki na:

 

“Lower!!”

 

Eh syempre hindi ako sanay na sinasabihan kung ano ang dapat gawin. Perfect kasi ako. Kaya binaba ko ang barbell, itinapon ko yung basang bimpo at sinagiwan siya:

 

“ Tangena pare! Ano ba ang problema mo! Potah, nanahimik ako dito! Wag na wag mo akong tuturuan ng anong dapat gawin kundi babasagin ko yang abs mo into 68 pieces! grrr”.

 

Sinabi ko talaga yan with strong emotion, like parang dudugo na ang anit ko sa galit.

 

Actually not. Hi hi hi. Hindi yan nangyari. Ang tanga-tanga ko rin naman, nilower ko naman ang pag-press kaysa umangal ako. Ang laki kaya niya. Para siyang 8 pieces ng poste ng Meralco. Muntikan na akong mamatay dahil pag-lower ko parang may nag snap na buto. Feeling ko ata spinal cord ko na yun. Potah siya. Buti nga may lahi akong salamander. Nag heal din naman ako. Char.

 

Meron din naming mga tanga paminsan-minsan. Umuupo ako sa lounge at nagbabasa ng body builder’s mag. Tinitignan ko yung mga dietary supplements at ang components nito. Wala lang, may pagka addict lang kasi ako pag minsan at gustong pag-aralan ang composition ng amino acids. Malay mo, to pa pala ang solution para makahanap ng isang tunay at wagas na pag-ibig. Basta, connect the dots niyo nalang.

 

May lumapit na mama.

 

“Umiinom ka niyan?” Sabay turo gamit ang kanyang nguso sa mga pills na nasa picture.

 

“Hindi. Bakit?”


“Wala lang. Baka kasi nakakamatay ng sperm eh”

 

Sa isip ko, mukha ba akong baog? Gago yun.

 

 

 

 

Pack your bags and lets run away

Minsan darating ka sa panahon na magsasawa ka sa buhay mo sa ciudad. Maghahanap ka ng simpleng pamumuhay. Yung malayo sa mga gusali, sa usok ng mga sasakyan, sa ingay ng bunganga ng landlady o di kaya sa mga potangenang trying hard na nagvivideoke sa tapat ng bahay.

Isang buwan na akong hindi nakakatanggap ng sweldo. Pati yung 13nth month ko hindi ko pa nahahawakan. Punong-puno na ako sa trabaho at responsibilidad sa pamilya. Meron pa kaming tampuhan ni Maja Salvador, kasi ayoko pa munang sagutin siya. Alam ko naman na katawan ko lang ang habol niya. Sa mga panahong kagaya nito, kahit sarili mong kwarto hindi makakabigay ng hinahanap mo na comfort.

Hindi na rin gumagana ang typical na gawain ko. Ang pangit ng manonood ka ng porn dahil malungkot ka at magjajackenpoy. Imagine, malapit ka nang labasan tapos marerealize mo na malungkot ka pala habang may isang luha na lalabas sa left eye mo. Potah, hindi mo talaga alam kung ano ang uunahin. Ang labasan o ipagpatuloy ang pagluha.

Dalawang lugar lang ang pinupuntahan ko pag gusto kong tumakbo palayo sa mundo. Ang bundok o di kaya ang dagat. At this time, pinili ko ang bundok.

Parang painting lang no? Dito ako nag-overnight. Kasama ang backpack ko at ang isang bote ng heneroso. Pagkakita ko ng lugar, feeling ko ako si Enchong Dee na hinahabol ni Nene. Tapos magyayakapan kami habang nagroroll pababa ng hill na nagagugums -to-gums. Pangarap ko talaga ang magahasa sa bukid habang pinapanood ng mga kalabaw. Hardcore lang kasi ang putik at ang palayan.

Masarap ang magising na ganito ang makikita mo. Walang landlady na sisigawan ka na magbayad na ng upa. Ang lupain na yan ay pag-aari ng bestfriend ko. Tangena siya. Siya na ang land reformer. Habang ako nagpapakahirap sa corporate world, dito lang siya nakatambay at naghihintay ng ani. Pero salamat sa kanya, may tatakbuhan ako pag ayoko na sa mundo. Sayang lang, hindi wifi hotspot ang lugar. Lols.

 

Kaya sa katukayo ko na si Glentot at kay Momel, sana makapagrecharge na kayo at makahanap ng sarili niyong kaligayahan.  Nakapag recharge na ako, and i think I’m back in the game.

 

I miss you bitch. 😦

Ang Diary ni Inday: The Meet Ups

Dear Diary,

Pagkatapos ng pagkatagal-tagal na paglalayag ng barkong sinakyan ko, sa wakas naka apak na din ang mga paa ko sa lupa ng maynela. Delayed ang arrival namin kasi ang sakay kong barko ay nawala sa gitna ng karagatan. Tatanga-tanga kasi yung kapitan, kung saan-saan lumiliko. Sinabi ngang no u-turn. Sigaw ng sigaw nga ako sa kanila na ibaba nalang ako kasi sayang naman ang pamasahe ko.  Muntikan na akong itulak ng isang crew sa dagat. Sabi ko “kuya, joke lang yun! To naman.” Nag-iinarte lang para pagdating ko sa maynela sanay na ako.

Anyway peynis, to na nga ako.  Todo ngiti ako sa lahat ng tao, kasi sabi ng nanay ko dapat mabait daw ako sa lahat ng tao at baka ano pa mangyari sakin.  Habang palabas na ako sa terminal, may isang lalaki na nagpakilala sakin. Porter daw siya dear diary. Nagulat ako.

“Harry Porter? Homaygawd! Really?Lengardium Labia Majora!” Sigaw ko habang I make motions of my daliri like I have a wand.

Hindi siya tumawa. Am I horny ?

“Ako na magdadala ng bagahe mo. Mauna ka na. Sunod ako sayo.” Sabi ng porter. Sila pala yung nagdadala ng bagahe mo dear diary papunta sa sasakyan mo. Ang bait talaga ng mga tao dito.

Pero…

Kakambal ko na siguro ang malas mahal kong diary. Nakasakay na ako sa bus pero wala pa yung porter na sabing susunod sakin. Parang nasilisihan ako.  Lumakad na ang sinakyan ko wala pa rin.

Inisip ko nalang na na misplaced ko ang mga yun para hindi mabigat sa didib dear diary. Afterall, im still happy. Hu hu hu hu….

Napaluha ako. Nandun sa bag ang manok na hindi ko alam kung buhay pa at studio picture ng dodong ko. Buti nalang at naka engraved sa mani ko ang address ng amo ko dahil kung hindi, wala talaga akong alam pano pupunta sa bahay ng bagong amo ko.

Hindi talaga sa lahat ng panahon  safe ang mundo na ginagawalawan natin. Ang buhay na meron ako sa probinsiya ay ang ibang-iba sa buhay dito sa manela. Patibayan pala ang sikmura dito. Dahil kung pipiliin mong sumuko, hindi ka talaga makakalabas ng buhay dito sa matalim na mata ng maynela. Echus lang dear diary.

Nakarating ako sa bahay ni Mam Guada. Balita ko siya daw ang may ari ng impyerno. Wala pa daw maid na tumagal sa pangil ng babae na to, dear diary. Kaya hinanda ko na ang bawang, onion, kamatis, vetsin at asin at parang mapapasubok ako sa pinasukan ko. Pekpek lang ni mam guada ang walang ganti.

Pero……………….my panty tilt a few degrees noong makita ko ang anak ni Mam Guada…..si Sir Armandoo. Buti nalang may belt ang so-en ko. Adams apple palang niya, one whole meal na. How much more kung walang shirt si sir Armandoo, ampotah dear diary, kalimutan na ang lahat. Fiesta na to!

Parang magugustuhan ko ang bahay na to……Goodluck nalang kay dodong.

Ang kakaibang hayop,

Inday

The Lily Allen in us

Lahat tayo ay may mga bagay na kinatatakutan. Bagay na gusto man natin minsan ibahagi sa iba, hindi natin magagawa. Just a mere thought of it brings back the terror of the past. So we chose to be silent.

Charing. Napa-english ng kunti.

It was a fine summer of March 1994. Kasama ko sa dalampasigan ang negra kong pinsan habang dala-dala niya yung pakwan. Para na siyang chocolate crinkles sa sobrang bilad sa araw.  Family day parati ang lingo naming noong unang panahon, noong hindi pa naubos sa kakamatay  yung mga mayayaman naming kapamilya. Unfortunately, hindi ako kasama sa last will and testament.

Mahal ko ang dagat. Yung alon para lang koneksyon ng kaluluwa ko at yung buhangin ay isang parte ng katawang lupa ko. Yes, ganyan lang kasimple kung mag inarte.

Umupo kami ng pinsan kong chocolate crinkles sa dalampasigan habang panay ang kagat niya sa pakwan na halos balat nalang ang natira. 8 years old palang ako noon. Maamo, mabait, simple, malinis ang puso, birhen at walang bahid ng kasamaan. Totoy na totoy at kahit anong oras pwedeng molestyahin ng mga dayuhan. Potah, ang pokpok ng dating.

“Tara ligo tayo” sabi ng Gigi (si chocolate crinkles) habang hinihila ako para maligo.

Malakas ang alon noon pero wala namang bagyo. Naeenjoy ko ang dagat hanggat alam ko na ang paa ko ay nakaapak parin sa buhangin. Ayoko ng bato, ayoko ng sea weeds, ayoko ng putik. – Maricel Soriano.

“Insan, ang lalim na nito. Balik na tayo please” ang sabi ko habang naiihi na ako sa pekpek shorts ko. Hindi naman halata sa tubig na umihi ako.Yung potangenang crinkles, nag eenjoy habang nakikita akong nahihirapan sa paglangoy aso.

Nagsimula akong mataranta. Nakainum ako ng ke rami-raming tubig. In a split second (weh?) dumilim yung paningin ko. Yung  huling naramdaman ko ay hinihila ako papuntang dalampasigan ng isang lalaki. Akala ko napuno na ng tubig alat yung lungs ko.

Buhay pa ako. In fairness, may dugong tilapia ata.

Simula noon, hindi na ako sumasama sa pinsan kong chocolate crinkles tuwing family outing. Masaya na akong nasa dalampasigan lang na nagbibilang ng buhangin at gumagawa ng sand castle sa tugtug ng kastilyong buhangin ni Tito Basil Valdez.

Sobrang takot na ako ngayon sa dagat lalong lalo na sa parte na saan alam kong sobrang lalim na. Yung hindi mo na makikita kung ano ang nasa ilalim. Minsan, nasabi ko sa sarili ko na kung meron mang rason na mamatay ako, siguro yung dahilan na yun ay tubig. Naging masaya naman ako kahit na hindi ko kayang pumalayo sa dalampasigan.

Sabi nila, ang tanging bagay na dapat nating katakotan is the fear itself. Kahit saan naman ay may mga bagay tayung dapat katakotan. It is always there, though may differ in shapes, form or time. Hindi naman mahirap tumalikod at kalimutan kung ano man ang kinatatakutan natin sa buhay. Kaso, sa sobrang iwas natin marami tayong bagay na nakakaligtaan at nakakalimutan. Mga bagay na hindi natin namamalayan na dumaan na pala sa harapan. Sa sobrang iwas ko sa takot ko, unti-unti kong binaon sa limot ang pinsan ko na pinaglihi sa uling. And shes the only big sister I have when I was still a kid. And i chose to ignore and forget her.

I guess, its time to face my gruesome fear.

But with life jacket of course.

Ikaw ano ang kinatatakutan mo?

PS: Lily Allen was the one who sang “The Fear” which is supposed to be the blog title. Mapauso lang.

How I met Brian

May mga taong kahit na wala namang gaanong ginagawang masama sa atin ay pinag-iinitan natin ng ulo. Kahit simpleng anino lang ang makita mo, tipong sasaksakin mo siya ng cotton buds hanggang dumanak ang tutuli sa tinubuang lupa.

Covering the 6 inch pout. Para lang platypus na nag head gear. Joke~!

Kagaya ni bryan. Classmate ko noong highschool. Pangalan palang, napapaluha na ako ng mainit na tear drops. Ganyan ka grabe. Ganyan ang pakiramdam ko noong una ko siyang nakita. Umiitim yung budhi ko pag nasa background siya.

Maliban sa pouty lips niya na about 6 inches, yung hindi ko gusto sa kanya ay yung nagmamarunong sa lahat ng subjects. Kakompetensiya ko siya sa top 5 sa classroom. Eh di ba, ang hirap na nga makapasok sa top 5 tapos eepal pa siya? Maglaslas nalang kaya siya? Wala siyang karapatan magkaroon ng edukasyon. Joke.

Saan talaga nagsimula ang hidwaan naming dalawa?

Minsan, nagbait-baitan ako. Exam namin. Eh di ba matalino ako?  Echus. Umupo sakin si Duffy Duck (oo, tawag ko sa kanya). Syempre, matalino ako. Kailangan ulitin ng dalawang beses. Sa madaling salita, umupo siya malapit sakin para mangopya. Minsan, nagtatanga-tangahan din ang mga matatalino para maranasan kung ano ang feeling ng mga bobo.

Pinakopya ko. Ang pait pala ng lasa pag bobo ka.

Noong nag exam kami ulit, may isang equation na nakalimutan ko sa algebra. Ang potah! Ayaw mag share ng sagot. Tinakpan talaga ang papel gamit ang kanyang nguso.  What the pack di ba? Nguso palang niya pampabakod na.  This is not fair.  Inabuso ang overall well being ko. Kaya nagtanim ako ng galit. Nguso niya ang nilagay ko sa pag plot ng graph.

Potah siya ng apat na beses. Attitude?! Artista ka kuya? gago.

Simula noong araw na yun, uminit  ang kompetensiya sa apat na sulok ng classroom namin. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kasi sinira niya ang tiwala ko. (san banda?lols). Ayoko lang na niloloko ako. Kasi kung para lang sa kanya, kaya kong buksan ang impyerno.

Walang araw na hindi ko siya inaaway.  Siguro kung may diary man yun, alam ko ako ang unang tao sa listahan niya na nagpahirap ng high school life niya. Actually may attitude talaga ang gago na yun. Kaya kung magalit man si Papa Jesas sa ginagawa ko, eh di dapat niya din pagalitan si Duffy duck? Minsan naaawa naman ako ng kunti, mga 10%, pero nawawala talaga ang awa ko kapag siya na ang sumasagot.

Kasi ba naman, confidence ang potah kahit na mali ang sagot. Tanungin ba naman ano ang primary product ng northern region, sagot ba naman marijuana.  Pasok ko kaya siya sa bote gawing fetus ng bumalik ang utak niya dito sa planetang earth? Kahit kailan hindi ako hihingi ng tawad ng pangbwebwesit ko sa buhay niya.  Nag eenjoy kasi ako. Wahahahaha. (Tawa ni romy diaz).

Nitong nakaraang araw, nakita niya ako sa facebook. Ininvite pero hanggang ngayon hindi ko inaaprove.  Kever. Papresyo much? Na shock lang ako na sumasakay na pala siya sa barko. And so I say, hindi ba delikado ang ship nila eh hindi nga marunong mag graph ng nguso niyan sa algebra? Joke lang. I’m happy for him. Yaya kutsilyo nga!

Kung magkita man kami sa reunion, sisiguraduhin kong naka move on na ako at wala na totally ang galit ko.

Patalbugan ng gas mask. Ako with my ever sweet eyes. Pag-aalsa ng sariling sofa ang tawag dito.

 

Ok fine. Dahil xmas na, papatawarin ko na siya.

.

.

.

.

.

.

.

.

YAYA!!Ang potangenang kutsilyo san na baaaaaaa!!

 

 

 

Moral of the story: Keep bitching losers. Malay niyo, magiging seaman sila sa huli. Ikaw pa ang rason bakit nagtagumpay sila sa buhay.

 

 

Sweet Caroline

May bagong salta sa apartment namin. Apartment lang, pabayaan niyo akong mag ambisyon kahit na sa totoong buhay sa isang malamig na bodega talaga ako nakatira. Babae siya. Galing daw sa province at naghahanap ng trabaho bilang professional call center agent. Naexcite ako kasi may bago naman akong lalaruin. Joke.

 

Maganda siya. Maputi. Hindi naman ako nahilig sa mga mapuputi pero yung kaputian niya ay parang hindi niya kayang gumawa ng masama sayo. Pinoy nga no? Kung maputi ang tao bakit parang kulang nalang nasa kanila na ang lahat ng positive at sinasamba agad. Kung baluga naman ang tao napapagkamalang mangnanakaw o di kaya snatcher. Only in the pipilins.

 

Nangigigil nga ako pag nakikita siya kasi parang gusto ko siyang saktan para umiyak, tapos aabusuhin ang pagkakataon. Hahalikan, huhubaran tapos papatulugin sa bisig ko. Teka, bakit napunta agad sa hubaran?

 

Totoo, ngayon lang ako nabighani sa isang babaeng maputi. Mas type ko kasi yung mga morena. Yung tipong Nikki Gil lang. Ambisyoso much?

 

Pinakilala ako ni Ate (may-ari) sa kanya one time. At parang high school na nagsisimulang lumaki ang adams apple, natameme ako. Hindi ako makagalaw.  Nakatingin lang ako sa kanya at umabot ang ngiti ko 360 degrees east of north pole. Wala na talagang paglagyan ang pagkalandi ko. Ito na..handshake….shitttt…parang nilabasan lang ako ng sampung beses.

 

Marami akong kagagohan na ginawa para lang mapansin niya ko.

 

Minsan naglalaba siya sa labas. At ako naman na parang gago, nilabas ko lahat ng pinggan, baso, kutsara’t tinidor at kaserola para hugasan kahit na malinis naman ang mga to. Nagboxer shorts lang ako para makita niya naman ang nagmumurang six-and- a- half packs ko. Lahat ng bukol pilit kong pinalaki para impressive talaga ang paghuhugas ng pinggan. Potah, habang nilalamas ko yung pinggan eh todo smile din naman ako habang pasulyap sulyap sa kanya.

 

Muntik ko nang hugasan ang buong bahay noong nakita ko siyang nag smile sakin. Narinig kong nagsisigawan mga nipples ko ng, OMG!…im so about to die!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Arte lang ang potah.

 

Noong 2 AM shift siya, nagigising talaga ako sa mga ganyang oras para lang hintayin siyang lumabas ng banyo. Oo, harap ng banyo ang kuwarto ko. Salamat sa engineer na nagdesign ng bahay. At alam niyo ano ginagawa ko? Naliligo din ako pagkatapos niya para hindi halata na pinagnanasaan ko siya. Effort kung effort kung lumandi. Bahala na, basta magpapapansin ako. Kung hindi nga lang ako nakakapagpigil, matagal ko na siyang pinasok sa banyo tapos papaliguan. Instant spa tsaran!

 

Basta, nababaliw na ata ako sa kanya at nagagawa ko tong mga kagagohan. Pero turn off lang ako, bacon kasi ang mga panty.

Ewwww.

 

 

My life in Transit

Ang hirap 40x.

Ganyan karami ang hirap na nararamdaman ko ngayon sa buong araw na paghahanap ng bagong bahay. Gusto kong punuin ng paghihirap ko ang post ko na to pero ang pangit palang basahin kong puro salitang hirap lang ang mababasa.

Galing ako ng grave yard shift at dumiretso na ako para maghanap ng bagong kwartong titirhan kanina. Marami akong dahilan kung bakit gusto kong umalis dito. Sapat na mga dahilan para umalis ako sa madaling panahon. Isa sa dahilan ay nasa likod lang kami ng pabrika ng copra. Ayokong mamatay ng maaga na hindi nakikita kung gaano kaganda ang lahi ko.

Sa gitna ng init, inararo ko ang buong Baranggay ng Lahug at Mabolo dito sa Cebu para lang hanapin ang bagong ginintoang kama na paglalagyan ng nagmumura kong katawan.  Nagmumura dahil sa sobrang pagod at init. At kung masusunod lang ang katawang lupa ko sa mga panahong iyon, malamang na stroke na ako sa harap ng bahay na may karatulang “rooms for rent”. Ang pangit ng setting ng pagkakamatayan ko. Hindi gusto ni Kuya Germs.

Unang bahay. Mga limang minuto din akong kumatok sa puta red na gate bago buksan. Lumabas ang babae na mukhang may identity crisis at nagtanong kung ano ang pakay ko. Hindi ko siya na intindihan. Pinaulit ko. Nakailang ulit pa at dun ko nalang napuna na ngo-ngo si ate. Mukha siyang si Dexter Doria. Yung nga lang, may divided lips (read: cleft palate). Suplada pala siya sa personal. Gusto ko siyang ihampas sa puta red na gate.

“magkano ba te ang rooms niyo?”. Tanong ko sa kanya.

“Malaki ang rooms. Hindi mo kaya”.

Tanga ka teh? Perfect ka? Presyo ang tinatanong ko at hindi kung gaano ka laki ang potang kuwarto ninyo. Hinusgahan ako. Mukha na ba akong walang pera? FYI, kakahold up lang sakin. So sapat na yun na dahilan na mukha akong mayaman. Not unless, gusto niyang sampalin ko siya ng limang libong barya na nakabalot sa plastic. Tignan natin kung hindi siya magiging coin slot. Ngo-ngo na nga ang suplada pa. Pasalamat siya at hindi ako napikon dahil kung nagkataon itratransfer ko yung cleft niya sa left side para maiba.

Nag move on ako. Ikalawang bahay.

Matanda ang may ari. Maysakit siguro sa kidney at hindi na makalakad ng maayos. Ang daldal ni lola. Keyso ang mga anak nasa states, na libre ang washing machine, pwedeng magluto sa kanilang bahay, na puro executives ang nakatira. Nadala naman ako sa sales talk, kaya nag desisyon ko na tignan ang kuwarto.

Gusto kong magpakatiwakal sa harap niya noong nakita ko ang kwarto. Ang LIIT. Kasya ang sampung daga. Lola pakitulak ako from second floor please.

“magkano ba to lola?” tanong ko naman sa kanya.

“san ka ba nagtratrabaho?” tanong din niya. So magtatanungan lang kami buong araw. Ganun.

“callcenter?”. Sagot ko rin na patanong.

Nakarinig ako ng tunog sa mga mata niya. Tunog ng barya. Ching-ching-ching-ching.

“6,500?”. Pilosopa much?

Ang liit na nga ang mahal pa. Abuso naman yun. Hindi kesyo callcenter ako ganun nalang siya kung makabigay ng rates ng kuwarto. Sa ganyang rate, meron na akong condo. Mapapasakin pa sa takdang panahon. 6, 500 for just a matchbox? Meron bang ginto sa lamesa dito. Meron bang unlimited sex? Kung meron,pwes bahala na walang kain. Busog din naman sa kama.

You know im joking right?

At habang paalis na ako sa lugar, walang tigil pa rin si lola. Na kesyo ang mga anak sa states, libre ang washing machine, na pwedeng magluto sa kanilang bahay, na puro executives ang nakatira. Aanhin ko ang mga yan kung presyo palang ng kuwarto wala na akong makain? Lutuin ko yung washing machines niya e. Shit much.

Nag move on na naman ako. Gusto ko nang umiyak. Pero yung dry lang. Para artistic.

Lumundag ako sa tuwa noong may nakita akong room na swak sa budget at ang bait pa ng landlady. Nalaman ko na anak niya ay nagtratrabaho din sa company namin. Maganda ang room. Nagustuhan ko kasi hindi maingay ang kama kung magpupump ka.

Ahahahhahahhahahahhahahahahahhahahahahhahaha…….natawa ako sa panahon na yun dahil kasama sa criteria ko ang hindi maingay na kama. Unconsciously.

“ok lang na dalhin mo mga kaibigan mo dito o di kaya GF mo.” Sabi niya.

Syempre naman. Gusto mo ngayon pa e. Syempre joke again.

“Pero hindi pa kasali sa rate ang kuryente. Kung may appliances ka pwedeng mag aditional ka lang sa kuryente. Ano ba mga gamit mo?” Tanong ni ate.

“Meron po akong laptop, industrial fan, cellphones at sex appeal”. Sagot ko.

200 ang additional daw. Maliban sa sex appeal kasi mahal ang metro. Lols

“Lahat ng umuupa dito tinuturi naming pamilya. Pinapakain namin, sinasama sa mga parties dahil matatanda na kami at syempre dahil sila ang source ng income namin”. Dagdag pa ni ate.

Syempre na touch ako. Pumalakpak ang bayag ko.

Isa lang ang hindi naming gusto. Yung may bisyo. Kagaya ng mga umiinom. Mga nagsisigarilyo.

“May bisyo ka ba?”

………at hindi na ako bumalik dun.

Tina Turn Me

When it rains, it pours. Totoo yun. Kapag may nangyaring kamalasan sa buhay mo, minsan tuloy-tuloy na yun. Pagkatapos mangyari ang panghohold-up sakin, may masamang nangyari na naman sakin na nagpabago sa takbo ng buhay ko. arte.

Kung sawa na kayong magbasa sa mga kamalasan ko, maaari niyo na pong i press ang close button at iblock ang page na to. Kung hindi naman, i love you. Tayo na?

Umuwi akong malungkot. Gusto ko talagang basagin ang mukha ng mga magnanakaw. Magnanakaws kasi dalawa sila. Lols. Kapag malungkot ako o nakaranas ng matinding trauma, asahan mo na sa kama mo lang ako makikita. Sa kama ang comfort zone ko, at asahan mo rin na naka fetal position ako sa mga ganyang panahon. Hindi sa abnormalities yan, pero yan ang recovery style ko. charing.

Natutulog na sana ako at nasa matinding panaginip, nang may biglang pumasok sa kuwarto. Naalala ko, tinext ko pala siya kanina na nahold-up ako. Bilang isang mabuting kaibigan (dahil wala naman kaming commitment), chineck niya kung OK lang ako.

Sabi niya: Hush now, i see the light in your eyes… habang unti unti siyang tumabi sa kama ko.

Huh? Celine Dion isdatchu?

As usual, isang hawak lang sakin nawawala na ako sa sarili. Nakalimutan ko na may problema pa pala a ko. Pareho kaming nawala sa kalawakan ng numero 9. Nalunod sa emosyon na bawal.

Marupok ako sa mga ganitong pagkakataon.

Ate….wag po….wag po ate…maaawa po kayo. Nanginginig na sabi ko sa kanya.

I don’t want to stay another minute….I don’t want you to say a single word…
Hush Hush, Hush Hush……There is no other way …..I get the final say….

Fck!?! pussy cat dolls?lols

Pagkatapos ma hold up, ginahasa ako ng major major. Nagpaubaya ako para lang sa kaligayahan niya. Inabuso niya sa kung saan mahina ako.

Gigil na gigil si ateh. Nilapastangan ang mura kong katawan.

Feeling ko matatangal ang areola ko sa panahong iyon.Sinabihan ko nga na, potohnomon!. Hindi yan mani, nipple yang nakasabit. Hinay-hinay lang. O sa kabila naman. ha ha ha

Bilangin niyo ilang kissmarks yan.ahhaa

Hindi pa kasali ang  sa mga braso ko diyan. Binilang ko, mahigit kumulang sampu ang chikinini ko. Uhaw much?

PS: Pagkatapos ng ilang araw, parang gusto kong maulit ang krimen na to. ahahaha

Who Killed My Pussy?

Dali dali akong ginising ni The Dude, yung room mate ko. Nagtanong kung naririnig ko ba ang ingay. Nagtaka ako kung anong ingay dahil alam ko kung minsan hindi makapagtitiwalaan tong si The Dude dahil meron din siyang sariling mundo na may sarili ding ingay. Hindi ko trip ang mundo niya, kaya ni minsan hindi na ako nangarap na maki apid sa mundong gawa-gawa niya. Ayokong makita ng ibang tao na inaaway ko ang sarili ko habang nanonood ng Youtube. Duh.

Read more…

Naiinis ako sa mga taong matanong dahil ako yung taong matipid kung magsalita. Siguro nga pinanganak ako para makinig, hindi para magsalita. Nakakairita lang ang mga taong panay tanong  ng “bakit?”.

PUWEDE BA? HINDI LAHAT NG BAGAY NASUSUKLIAN NG BAKIT!

Kung umiibig ka, kailanman hindi mo to matatanong ang isang tao kung bakit siya umiibig.

Kailangan nating matutong tanggapin ang mga bagay-bagay minsan na hindi nagtatanong. Minsan din sa pagtatanong tayo napapahamak. Naalaa niyo ba ang linyang, “curiosity kills the cat”?


Ano ang pumatay sa pusa? Tange, hindi curiosity. Hindi naman siguro pwedeng saksakin ng curiosity o di kaya banggain ang pusa ng nagraragasang curiosity.  Namatay ang pusa dahil sa kakulangan sa pag-iisip at pagpursigeng lumandi. Wala lang, feel ko lang mag marunong ngayon.

Kung hindi tayo pareho ng sagot, malamang sa malamang, ibang pusa ang tinutukoy ko.

Dumaan ako sa nursery school malapit sa pinagrerentahan naming bahay. Bibili sana ako ng load pero nung dinatnan ko ang tindahan ni Aling Muning, tanging asong nilalangaw lang ang naabutan ko.

“Wazzup dough?!” ang sabi ko.

Sinuklian niya naman ako ng ngiting aso.

Rinig ko ang tinig ng guro sa labas. Tungkol sa kulay ang subject. Public na nursery school to kaya hindi na ako nagtaka kung ang ratio ng guro sa estudyante ay 1:100. Sa labas naman ay mga nanay at yaya na naghihintay sa kani-kanilang anak.

Nakinig muna ako sandali dahil ayoko pang umuwi. Sa pizarra may idinikit na litrato ng mga kulay ang maestra. Naalala ko ang panahon noong bata pa ako. Hindi ako dumaan sa kindergarten o nursery man lang. Dumiretso ako sa Grade 1 dahil sabi nga ng nanay ko, laking bear brand ako. Hindi basta-basta ang utak ko. Sa murang edad, alam ko na ang alamat ng “Ang talahib at ang rosas”.

Tinuro ng guro ang isang litrato sabay tanong, “children, anong kulay to?”.

Sumigaw ang mga bata na “Grey mam!”.

Nagtanong ulit ang teacher sa mga bata na nagbigay sakin ng stroke with 9.5 magnitude.

“Bakit grey children?”.

Muntikan na akong maihi sa pokpok boxer shorts ko.

Anong feeling niya sa mga bata? Scientist na kailangan ipaliwanag kung bakit ganyan ang kulay ng isang bagay? Eh di sana bumigay din siya ng follow up question ng composition ng precipitation at kung gaano to kabigat in a year.

Isang matinding katahimikan ang naganap. Ilang minuto pa ang lumipas, isa-isang umiyak ang mga bata at nagmamakaawa na palabasin na sila. Hindi kinaya ang tanong na “Bakit?”

Kahit ako, isang araw ako na disturbed sa tanong ng guro.

-end-

Gola The Explorer

Naniniwala ba kayo sa kulam?

Ako? Naniniwala NA.

May kapitbahay kami noong una na mula sa karatig isla ng Panay. Nagmula dun ang babae pero noong nakapangasawa ng taga Iloilo, dun na sila tumira. Sa kasamaang palad, naging kapitbahay pa namin.

Malaking tao ang babae. Bigyan natin ng pangalan. Si Gola.

Kung babasehan natin ang average na katawan ng mga babae sa lahi natin, above average ang size ni Gola. Pumutok siguro ang Pituitary gland. Sa unang tingin, masasabi mo na man to man marriage ang naganap. Buti nalang at nagka anak sila, atleast napatunayan na merong matris ang hitad. Dahil kung hindi, habang buhay na babaunin ng lalaki ang kagagohan na ginawa niya dahil sa pagpakasal sa isang mukhang maskulado.

Takot ako kay Gola. Maliban sa maitim ito (wala akong phobia sa maiitim), mahilig pang magchismis. Kever kahit na nahulog na ang anak sa imburnal matapos lang ang tsimis tungkol sa kapitbahay namin na nagnakaw ng niyog sa kasagsagan ng tanghalian.  Alam ko na masamang tao si Gola. Minsan kakambal ng mga malalaking tao ang masasamang ugali.

Ambisyosa si Gola. Lahat gustong angkinin. Lahat ng bagay gusto meron din siya. Inggit na siguro ang pinakamalalang sakit sa mundo. Hindi kayang gamutin ng kahit na anong gamot. Kahit na tumuwad pa ang eata sa harapan mo para baklasin ang nakatagong inggit. WALA.

Kahit papano, nagsisimula nang bumuti ang buhay naming magpamilya. Lahat ng tagumpay namin ay dahil sa hirap at pagpursige naming bumuti ang estado ng aming pamumuhay. Pero sa likod ng tagumpay may mga matang magpakunwari.

Noong isang malamig na Disyembre, ipinasok namin ang kapatid ko na babae sa hospital dahil sa pabalik-balik na lagnat. Ilang araw din siya tumambay dun. Naawa na nga ako sa kanya dahil wala na talagang paglagyan ng karayom sa kamay niya dahil naka dextrose ito. Kung ang dextrose sana sing dali lang gaya ng pagshare-a-load eh di sana ang saya ng buhay.

Like: Send Dextrose to 266

Walang konkretong sagot ang doctor kung ano ang sakit ng kapatid ko. At pagkatapos ng ilang weeks, pinalabas din naman kami at pinauwi. Libo-libong pera na ang pinalabas namin pambili lang ng gamot. Pero hindi parin gumaling.

Ang masama pa, pagkalabas ng kapatid ko ako naman ang nilagnat. Hindi naman uso ang lagnat tuwing disyembre. Kaya nagsimula nang magtanong nanay namin:

Nanay: “What the pack is happening to you guys?”

Dalawa na kami ng kapatid ko ang nakaratay. Lahat na ng gamot nasubukan na namin. Nagsimula na rin kabahan ang Tita Salve ko.

Tita Salve: “I think we need to check that albularyo bitch. Come on guys! Sakay  na”.

Wag na kayong magtaka. Gangster ang pamilya namin.

Sa loob ng bahay ng albularyo, hindi obyus na isa siyang hmmmm…albularyo? Mayaman, hindi siya mukhang kung sino-sinong hampas lupa na bigla nalang nagdesisyon na maging espiritista. Sa isip ko, potangenic…..nag apparition si April Boy Regino.

Hiniwa ang ulo ng manok at nilagay sa planggana ang dugo. Bumigay ng panalangin si April Boy sa wikang hindi ko alam habang kami ng kapatid ko ay tahimik lang.

“Dicho theyang teng ghepin” ang sabi ni April Boy. “Ne mho wolah-wolah que ne shaken”.

Pohtangena, pamilyar ang panalangin.

Kawawa naman ang manok, pang adobo pa sana ngayon gabi. May binigay na itim na bato si April boy. Wag daw naming tignan at deretso lang na iinumin.

Kung bakit alam ko na itim ang bato? Sadyang matigas lang ang ulo ko. Hi hi hi.

Gumaling kami pagkatapos nun. Sabi daw ni April Boy, may bahay daw sa tapat namin na sobrang inggit sa aming pamilya.  Buti daw na wala yung dalawa ko pang kapatid sa Iloilo kundi uubusin niya kami. Kinulam kami. Ng dahil lang sa inggit.

Wala nang ibang salarin kundi so Gola. Tanga na siguro kami kung hindi pa namin gets kung sino ang tinutukoy ni April Boy dahil iisang bahay lang naman ang nakatapat sa palasyo namin. Ang bahay ng potangenang Gola.

Hindi na kami nagplano ng paghihiganti. Sabi ng nanay:

“Revenge is best served when cold”.

Nilagnat lang kami nag-iba na si nanay. Pilosopo kung pilosopo tangenangshit.

Pagkatapos ng ilang taon, umuwi ako pagkatapos na lunurin ng Bagyong Frank and buong bayan ng Iloilo. Nagulat ako sa nakita ko, yung bahay lang namin ang nag-iisang nakatayo pagkatapos ng bagyo. Tinangay ang buong bahay ni Gola papuntang pacific ocean.

Habang nakatayo kami ng nanay ko sa harap ng bakanteng lote na dating pinagtatayuan ng bahay ni Gola….

Nanay: “See anak? Their time has come.”

Karma Sutra

Lahat ng kalandian may hangganan.

Hindi ako sigurado kung ang iba sa inyo iiba ang pagtingin sa akin, isusuklam ako o di kaya titigil na sa pagbabasa sa aking walang kwentang blog pagkatapos niyong basahin ang post ko na to. Pero I will take this chance.

Araw ng Lunes, umuulan ng pusa’t aso isama mo na rin ang lahat ng animal sa bukid ni tandang Mcdonald.

“San ka? Punta ka dito sa apartment. Tambay tayo.”. Ang text ni Mama Cougar. Hindi siya matanda. Mas matanda lang siya sakin.

“Ayoko. Kakapagod tapos umuulan pa”. Sa totoo wala akong pang-taxi.

“Wala si kuya…hi hi hi”. Ang kanyang malanding reply.

“Nandito na ako sa labas ng pintuan niyo. Hi hi hi”. Ganun ako kabilis.

Maliit lang ang pad nila. De-aircon kaya amoy na amoy sa loob ang pabango ko.

“Thanks for coming!”.

Sa isip ko, baka Jolibee ang napuntahan ko. Pa tenk you tenk u pa.

Dahil after lunch ako pumunta, nakaramdam ako ng antok. Humiga ako sa kama ni rosanna. Maya maya pa nakaramdam ako ng mahigpit na yakap mula sa likuran. Expected ko na to, kaya hindi na ako nagulat. Ibang parte ang nagulat sakin.

Single naman ako. Wala naman siyang sabit. Kaya OK lang sakin kung rarapin niya ako. Bagong ligo pa naman ako.

“ohh…oh..hmmp..ahhh…..uhmmm…arghhhhhh!”.

Wag kayong bastos. Tunog ng ubo ko yan.

Hindi ko na namalayan na hubo’t hubad na pala ako. Nadala ako sa mga bahid ng kanyang kamay. Makasalanan si eba. Sa bawat halik na kay tamis ako ay nawala. Ako’y tao lang. Nagdaramdam at natutukso din.

Sa kalagitnaan ng aking paggawa ng tidal wave…

“Knock..knock..knock”…ang sabi ng door.

Napatigil ako. Akala ko labandera lang o di kaya taga hatid ng tubig. Pero mali ako. Sumakit na ang lahat na dapat masaktan (clue: puson) pero lumuwa mga mata ko ng sinabi niyang:

“Shit si Kuya!”.

Binunot ko ang kutsilyo. Pero walang dugo ang sugat. Hinanap ko ang brief, pantalon at shirt ko. Natataranta. Hindi ko mahanap. Ang gaga, nauna pa palang itapon mga damit ko sa loob ng aparador.

“Potah, san ako tatago?” tanong ko sa kanya habang nanalaki ang mga mata.

Tinignan ko ang cabinet, hindi ako kasya. Ang ilalim ng kama, potah ang baba rin. Ang CR? Hindi pwede, gagamit daw ang kuya niya. Potahngena!!!! Walang pagtataguan!

“Dali sa likod ng drapery !” ang sabi niya.

Hindi pa siya natatapos, nandun na ako. Mabilis nga ako di ba? May inabot siya sakin.

“Tanga! Panty mo to!” Nabwesit na ako tatanga pa.

Nakabihis siya ng mabilis dahil nakapambahay lang siya. Pumasok ang kuya at biglang nagtanong.

“bat ang tagal mong buksan ang pintuan?”

Hindi na nakasagot si mama cougar.

“May lalaki ka no? Bat iba ang amoy ng room? AT bakit may foam ang sahig eh pwde ka rin namang matulog sa kama?”.

Nagvivibrate ang betlogs ko sa takot. Naka cross finger ang oten ko. Kung pano, secret.

Binuksan ng kuya ang aparador. Yehey! Tanga siya. Wala ako dun. Binuksan ang CR. Yehey, tanga parin. Wala kaya ako dun. Hi hi hi.

Binuksan ang lata ng MY biscuits. Wala pa rin ako. Lahat na ng pwedeng paglagyan binuksan. At ang tanging naiwan nalang ay ang makapal na kurtina. Hu hu hu. Andun ako. Ano ang gagawin ko? Pano kung lalapit ang kuya tapos tatadyakan ako. Ano sasabihin ko? Meow meow?

“Lord. Kung galit ka sakin sana naman hindi kagaya nito ang parusa. Hu hu hu” Umiyak na ang oten ko.

Bubuksan na sana ng kuya niya ang kurtina nang biglan pinigilan siya ni Mama cougar.

“Maligo ka na. Oo, may lalaki ako”.

“Eh bat mo tinago? Maliligo na ako, palabasin mo na yan”.

Lumabas ako. Feeling ko lumiit ako ng 70%. Hindi ko rin naman tinapos ang ginawa namin habang naliligo ang kuya niya. Kapalmuks much? Buti nalang hindi ako binaril habang nasa likod ng kurtina. Mabait naman ang kuya. Kinausap ako kung taga saan ako habang masama na ang tingin ko kay mama cougar. Gusto kong plantsahin siya sa mukha habang pinaplantsa ang barong ng kuya niya dahil may  trial daw.

Oo, lawyer ang kuya.

Sandali lang naman ang kuya niya, Dali dali akong lumabas ng bahay pagkatapos marinig ang saksakyan ng kuya niya papalayo sa  pad. Pinapangako ko na yun ang huling panahon na makikita pa ako ni mama cougar.

At hindi ko rin alam kung tatayo pa ba uli ang best friend ko.

Beware Of That Toast Master

Palagi akong kinukuhang “Toast Master” tuwing may selebrasyon ang mga kaibigan  o kabarkada ko. Hindi ko alam kung bakit. Maliban nalang sa relatives talaga kasi ibang-iba ako pag pamilya ang kaharap. Napakadesente ko at mukhang hindi makabasag ng pinggan.…….Na plastic.

Ni minsan sa buhay ko hindi ko pinangarap na maging public speaker. Ok payn, nagsisinungaling ako. Pinangarap ko na yun one time, at dahil puro walang kwenta ang lumalabas palagi sa bunganga ko, tinigil ko sa pangangarap ng gising. Sinubukan kong tulog naman. Read more…

Finding Mr. Story Teller

Habang nasa kubeta ako at nag cliclient visit, natanong ko ang sarili ko kung kelan ba talaga ako nagsimulang magsulat. Bumalik ako noong elementarya. Naaalala ko, grade 6 ako naging opisyal na writer “daw”. Yun yung kauna-unahang pagkakataon na nakita ko ang pangalan at ang isinulat ko sa isang school magazine. Sadly to say, yung copy na na tinago ko sa matagal na panahon ay nawala dahil sa Bagyong Frank. Read more…

My life with Josh

Kalahati ng bagong inuupahan kong bahay ay sa may ari ng bahay. Matandang mag-asawa at may isang anak na lalaki na siguro mga 10 years old. Spoiled brat ang batang to at dito magsisimula ang istorya.  Sa potang inang batang to.

Read more…

The PeaCock Lose its feathers

Bumalik uli ako sa gym pagkatapos ng ilang buwan na pagpahinga dahil inabot ng katamaran. Masyado na akong nalulong sa alak kaya hindi naman masyado kalakihan ang tiyan ko ngayun. Mukha na akong nagdadalang tao.

Timing ang pasok ko. Wala pang tao.  Mas gusto ko kasing mag-gym na mag-isa dahil nagagawa ko ang lahat ng gusto ko na hindi nahihiya. Kagaya nalang ng pag-buhat ng barbell habang nagsusuklay ng buhok. O di kaya pagbuhat ng 50 kilo na dumbbells gamit ang dila ko.

Read more…

Even the best fall down sometimes

Lahat naman tayu siguro ay familiar sa mga storya ng isang taong inaapi tapos naging matagumpay sa huli. Kung gusto niyo pa ng example, yung mga storya na galing sa Disney ay karaniwan ganito ang eksena. Magmula kay Snowhite, Cinderella o mismong si Pinocchio.  Mga karaniwang tao na inaapi habang sila ay nabubuhay sa mundo at naging matagumpay na sex slave sa pagkatapos ng libro. Read more…

Mistaken Identity

Ilang beses na akong napagkamalang sales o promo boy sa mga department stores at boutique. OK lang naman sana sakin yung pagkamalan, wag lang yung halos tuwing pumunta ako ng malls at tatayo sa gilid ng mga hangers eh tatanungin ako kung may size small o medium ba ang shirt na pinili nila. Potah, mukha ba akong SM department store huh!? Bangasan ko mukha nila eh, kung umasta parang sinong mayaman.

Read more…

Post Navigation