The Great Maldito

Thou shall not bitch

Archive for the category “Life oh Life!”

Life on transit

May bagong salta sa second floor. Taga probinsya din. Siguro mag-asawa, pero wala akong may nakitang sing-sing sa mga daliri nila. Malamang nagbabahay-bahayan lang. Mga bata pa. Pero mas bata ako.

Hinatid sila ng nanay ng babae noong unang dating nila. At tulad ng magic balls pag nababasa, dumami sila. Anim sila sa isang kwarto na good for two.  Isa na dun ang kasambahay nila na nagmamaganda at isang maliit na bata na hindi ko alam kung anak nila. May hinala ako na yung kasambahay nila ay dun na natutulog sa kisame at yung bata sa aparador. Ang lakas makadala ng katulong pero hindi makahanap ng tamang bahay.

Inaamin ko, mapili ako sa mga tao. Kadasalan, pag sa unang tingin ko ay hindi ko siya gusto, magkakabuhok nalang si Boy Abunda, eh wala talagang imikan na mangyayari. Isama mo na rin ang pagtaas ni Mahal.

Hindi ko gusto si Enday. Sa tuwing lalabas ako ng kwarto at nakakasalubong siya, naaagnas ang mga nipples ko sa takot. Ang talas ng tingin, sa sobrang talas kahit gaano pa kakapal ang foundation mo, makikita parin niya ang mga blackheads. Hindi ko pa nasubukan kung may night vision din siya, pag nagkataon pwede na siguro siyang i-upgrade para gawing flashlight.

Kunti lang ang mga pagkakataon na nakikita ko siya sa bahay. Iisa lang ang lugar na pinaghuhugasan namin ng mga pinggan, kaya kadalasan dun ko siya natitimingan. Minsan nauna siya, kaya pumila ako para ako na ang kasunod. Nung nalaman na niya na nandun ako sa likod, si Enday, kung makapunas ng plato parang wala nang naghihintay na bukas. Mga ceramics na pinggan, nagiging transparent. Pohtangena, ano ba ang problema ng babaeng ito?

Hindi na ako nagpatuloy pa sa paghugas. Kaya ngayon, wala na kaming magamit dahil hindi pa nahuhugasan.

Yung bata naman nakakatakot. Mga 4 or 5 years old siguro, babae at kulot ang buhok. Sa tuwing nakakakita ako ng taong mahaba ang buhok at kulot, hindi ko maiwasan na i-associate sila sa mga santo na pinaparada tuwing holy week.

Maaga akong gumigising. Katapat ng kwarto ko ang CR. Muntikan ko nang masipa ang bata nung pagbukas ko ng CR mga alas 5 ng umaga ay nandun siya sa loob at naglalaro ng sabon. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko, basag na siguro yung panga niya. Mahirap ang magulat, lalong lalo na sa mga taong mahilig sa kape.

Mahigit na sa dalawang taon akong nakatira dito, at sa susunod na linggo na ang huli dahil ako yung tipong hindi tumatagal sa iisang lugar. Marami akong issue sa buhay, isa na dun ang “trust” at “familiarity”.

Kasabay ng paglipat ko ng bahay, ay ang pagtigil sa pagsusulat sa unang tirahan ko. Dito. Kaya ladies and gentlemen, this will be my last post.

Paalam.

PS: Nagsusulat parin ako, a much darker but still a humor blog. Pero hep! Hindi ko sasabihin kung saan. 🙂

 

Advertisements

No Doubt

Araw-araw akong dumadaan sa ilalim ng skywalk papunta ng office sa Fuente Osmena. Kahit hindi ko man gusto na dumadaan doon, wala akong magagawa dahil yan lang naman ang malapit na babaan ng jeep sa building namin. Wala pa akong sasakyan kaya hindi puwedeng mag-inarte.

Kadalasan, may matandang lalaki na tumutugtog gamit ang kanyang improvised xylophone sa ilalim ng skywalk. Gawa kasi sa kawayan yung gamit niya at hindi yung usually na nakikita natin na gawa sa bakal. Bulag si manong, at kahit na hindi man siya binigyan ng pagkakataon para makakita, nakakagawa pa rin siya ng magagandang musika.

Sa tuwing nakikita ko si manong, parati akong nagpapasalamat sa Diyos sa biyaya na tinatamasa ko ngayon. Sa bagong trabaho, sa mga bagong kaibigan, at sa ngayon, panibagong training para sa operation management.  Hindi ko alam kung ano ang nakita ng boss ko sakin na in the span of 3 weeks, sinabak niya ako sa panibagong tungkulin. Sa katunayan, eh hindi naman kami nag-uusap ng matino.

Hindi ko pa kilala ang lahat ng mga tao sa opisina. Pero may isang tao talaga na tumatak sa isip ko. Tumatak dahil walang araw na hindi siya nagrereklamo. Sa trabaho, pasahod, at kung bakit siya hindi nilagay sa higher position. Naniniwala ako na ang lahat ng bagay ay dapat pinaghihirapan. Noong bata pa ako, kailangan ko pang umiyak with matching roll on the floor para bilhan lang ng laruan.

Nakalagay sa contact ang matatanggap na sahod every month. Mahirap lang talaga intindihin kung bakit panay ang reklamo niya .Eh di sana hindi niya nalang pinirmahan kung naliliitan siya sa basic pay. Galit lang talaga ako sa mga tanga. Naaapektuhan ang aking pasensya.

Masama lang dahil pati yung iba naming officemate naapektuhan ng negativity niya sa buhay.

Noong isang araw, tinanong ako ng boss ko kung kamusta yung performance ng mga trainees. Sabi ko okay lang, though there are some people not giving out their interest in this job.

Gusto kong magkulong sa generator sa taas ng building sa follow up question ni Sir.

“So whats your plan”.

Kailangan kong magbigay ng input on how to solve the issue. Bwesit, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa reporting eh di sana kumain muna ako ng 3 sakong mani.

There will be times that we should decide on difficult situations.  At yung panahon na yun ay ngayun. Sa totoo lang, pwedeng imanipulate yung numbers when it comes to performance. Pero yung outlook ng tao sa buhay? Mahirap. Huminga ako ng malalim at sinabing..

“What I think sir is that we should reject those who are defective”.

Sa mga taong hindi marunong magpahalaga ng kung ano meron sila, siguro tama lang ang plano ko.

 

 

 

 

What does traveling means to you?

What does traveling means to you?

Yan ang tanong ni TitoPaulo Coelho sa blog niya. Ayokong magiwan ng comment dahil baka madiscover pa ako at sumikat. Kaya ibloblog ko nalang ang sagot.

So ano ba talaga ang kahulugan ng paglalakbay para sakin?

Syempre wala, aksaya lang ng panahon. Uma-attitude na naman? Ha ha ha.

Iba sa inyo nagtataka kung bakit puro beach lang ang pinakita ko sa dating post ko about traveling, at parang walang kabundol-bundok. Blog ko to pakialam niyo? Ahahhaa..

Syempre, minsan sumside trip din ako sa mga bundok. Hindi lang halata, pero mahilig akong umakyat ng bundok. Lalo na kung sariwa. Ay shit. Mali.

Nakita niyo na ba yung movie ni Julia Roberts na eat pray and love?  Ako? Hindi. At wala akong plano. Nabasa ko lang sa ibang blogs na tungkol yun sa babaeng nag-iinarte na mahanap ang sariling kaligayahan. Pumunta ng ibang lugar, kumain, at nagalit sa MMDA dahil kulang daw sa warning ang daan.

Kunwari seryos na.

Darating sa punto na mapapagod ka sa lahat. Sa sarili, sa trabaho, karelasyon, responsibilidad, sa pera o di kaya sa pamilya at isa lang ang tanging sagot diyan: Ang tumakas. Ang probema, saan?

Sinubukan ko minsan gawin ang ginawa ni Ate Julia. Bangag lang noong araw na yun at napagsawaan ko na ring idreadlocks ang buhok sa kili-kili. Naligo, hinanda ang kakainin, inempake ang magagandang briefs para kung ano man mangyari sakin, atleast hindi ako mahihiya sa pamilya ko na makita akong nakahandusay sa bangin. Patay man atleast mamahalin naman ang brief. For a change din yung brief na walang skidmarks. Lols

Maulan noon habang naghihintay ako sa terminal ng bus. Bad timing ang panahon pero hindi ako pwedeng mag back out at umuwi nalang. Sayang ang effort, oras at hair gel. At dito ako nakarating:

 

Kuya saan ang Starbucks dito?

Bundok yan dun sa Bogo City.  Tignan niyo naman ang langit,  bad mood. Problema kung pupunta ka sa bundok ay yung tirahan. Unlike sa mga beaches, sigurado ka na mayroon ka talagang matutuluyan, because near the bitches are cheap motels.

Kung saan ako nakitulog? Sa driver ng motor na sinakyan ko para ihatid ako sa kung saan ang starting point ng bundok na yan. Letche, kung ano ang pumasok sa utak ko sa araw yun? Hindi ko alam. Alam ko na ang tanging gusto ko lang sa araw na yun ay ang pumunta sa kung saan hindi abot ng GPS.

Driver: Sir, maraming NPA dun. Delikado.

Me: Tangena!Diyos ka ba? shut up and drive. (joke. hindi ko sinabi yan)

So far hindi ko naabot ang tuktuk ng bundok. Dahil nga masama ang panahon at medyo hapon na noong dumating ako. Kaya napagisipan ko nalang na magpalipas ng gabi sa bahay nina kuya. Ang simple ng bahay nila. Walang kyeme-kyeme. In short, bahay kubo ang tirahan nila pero may jacuzzi sa sala. Weh?

Kahit malayo sa ciudad ang lugar, napakasimple lang ng buhay nila at hindi komplikado. Kita sa mga mukha na hindi sila problemado at walang stress. Tinanong ko si kuya kung masaya naman sila sa ganitong buhay. Alam niyo ang sagot niya?

Manong: Sanayan lang yan  sir. Masaya naman. Malayo sa gulo at mahirap na buhay sa city.

Tama naman siya. Pero sa taong katulad ko na hindi napapagod sa kakaimprove ng buhay, mahihirapan akong mamuhay sa lugar na kagaya ng sa kanila.  Ayoko na hambang buhay nalang akong didilig ng halaman at magwawalk ng kalabaw. Utusan mo nalang akong magtroubleshoot ng no signal sa cellphone wag lang magtanim ng palay. Arte? Siguro nga ang tao parang uri lang ng tanim yan. Tutubo sa kung saan dapat siya mabubuhay. Subukan niyo kayang magtanim ng strawberry sa desyerto.

Mamatay ako manong kung dito ako. Like now, im dying na nga eh.

Buti na nga lang at hindi ako pinalayas at pinatulog sa ilalim ng acacia. Wala pa naman akong Off lotion. Lols.

At dahil hindi natuloy ang meet and greet ko sa mga rebelde sa bundok, napag-isipan nalang namin na pumunta sa Pantalan. Para hanapin si Ploning.

Parang tanga lang ano? Pumunta ng bukid pero naka complete get up para party party. lols.

Minsan masaya ding gumawa ng ganito sa bukid.

Survivor Philippines

Pauwi na me.

So ano talaga napapala ko sa kakalakwatsa? Aside sa experience, napapalayo ka sa trabaho, nakikilala mo ng mabuti ang sarili mo at kung ano ang gusto mo sa buhay. Sa bawat tao na nakikilala mo along the way, mas nacocompare mo yung buhay mo at ang buhay nila. Ika nga, you have to go out of your house para malaman mo kung anong meron sa labas, hindi lang yung panay tanaw mo sa bintana.

So sabay- sabay tayong mag eat, pray and lust este love!

Soap Opera

Ang bango-bango ng bagong sabon na inutang ko sa aking room mate. Nasa box niya ang pangalang oat milk, so malamang gawa siya sa gatas at oats. Duh? Minsan nga naisipan ko na siyang kainin dahil wala talagang pagkain sa bahay. Umandar na naman ang pagka hungry dead.

Para siyang sampaguita na may halong ¼ ounces of roses, pinch of mint at isang patak ng luha ni severus snape.

Ang sarap isabon dahil may oats, lalo na sa mga lugar sa katawan na mahirap abutin. Masarap kasi para ka lang nag sascrub, nakikiliti ang betlogs ko pagsinasabon ko siya. Amazing talaga dahil pagtingin ko sa betlogs ko ….shiny na!

Okay, hindi ako papasa bilang product reviewer.

Fetish ko ang mabango. Sa tuwing paglabas ko ng banyo pagkatapos maligo, para lang akong rebulto na inalayan ng bulaklak. Ganun siya kabango. Kaya kahit sa bango man lang, feel ko na ang linis ng budhi ko, walang bahid ng immoralidad at intact parin ang kamalayan kahit na wasak na wasak na ang mukha.

 Medyo may kamahalan lang ng kunti ang bagong sabon ko. At ang daling maubos. Siguro nga dahil gawa siya sa gatas. Pero bago ko pa gamitin ang sabon na to, meron na akong regular na sabon na ginagamit. Hindi man siya ganun ka bango kumpara sa oat milk, tiwala pa rin ako sa kapabilidad niya na magbigay sakin ng long lasting kaligayahan. Walang shiny balls after bath, but a pure feeling of satisfaction. Weh?

Sa dami ng “options” sa mundo sa lahat ng bagay, nakakasakit na sa ulo ang mamili. Kadalasan, papalit palit tayo ng ginagamit dahil kulang, tapos hahanap na naman ng bago, at kulang na naman o hindi ka masaya dahil nga, kulang. Ang dali lang siguro pumili kung ang pagpipiplian ay pula o sa puti lang, o di kaya pera o bayong, pwede ring hirap o sakit. Teka, parang pareho lang no?

Di rin nagtagal bumalik ulit ako sa dating sabon na ginagamit ko. Ganyan naman talaga parati. Kailangan sumubok ng iba. Dahil sa kabila ng papalit palit natin sa pagpili ng mga bagay, mas lalo nating nalalaman kung sino at ano ang dapat nating bigyan ng halaga.

Hindi na importante kung magkamali man, ang importante kung pano natin balikan ang ating iniwan at sabihing,
Sorry na. Ikaw naman talaga ang gusto ko.

Cocks

Isa sa katangian na hindi ko nakuha sa yumaong ama ko ay yung pagkahilig sa sugal. At nagpapasalamat ako na hindi ko kinahiligan yan. Mahilig akong sumugal ng tsansa sa buhay, pero kung yung sugal na may halong pera, ibang usapan na yan. Read more…

The Cebu Blog Camp 2011

The Cebu blog Camp is an event organized annually by the Cebu Bloggers of the Blog and Soul Movement which is the educating leg of the Philippine Blog Awards Inc. which has been running for already four years. This is the largest gathering of bloggers in Cebu.

THE CEBU BLOG CAMP 2011 is co-presented by

Bronze Sponsors

Geiser Maclang Marketing Communications, Inc.

Media and Institution Partners

Official Web Browser

Official TV Media Partner

Official Online Print Media

Official Photo-Social Media Partner

DONOR

Academy for International Culinary Arts

Na invite na ako dati pa pero hindi ako sumipot dahil maraming kaartehan na nalalaman. Kasi kunwari nga mahiyain ako sa personal. But this time, I will attend the event at makiki social climb. Sana may beer. Ha ha ha. At dahil hinihingi ang reasons why I will attend the event, ito:

1.  This will be my first time to attend an event for bloggers since dati pa anonymous blogger daw ako. Pero since people are evolving from time to time, I changed my mind na. lols

2.  I wish to learn more and meet other bloggers out there, which I doubt meron akong kilala. Ha ha ha.  Cebu readers? Meron bang pupunta sa inyo?

3. I love meeting people. Char.com. Sa totoo, habol ko dun ay freebies at snacks. Pangtawid gutom lang sir. Joke . joke, joke again! Totoo, gusto kong makita kung gaano karami ang mga nagbloblog galing Cebu. Kung maka census lang ano?

4.  Because the event is sponsored by Globe. I’m a Globe user since nauso ang celepono sa mga homo sapiens. Ganyan ako ka fan, basta Globe event go lang ng go. Kahit sabihin pa ng Globe na igive up ko ang virginity in exchange for a 30 pesos load  ko gagawin ko. Any takers? hahahaha..Joke.

5.  Because I am looking forward to learn and have some fun on the event. I am taking my blogging to the next level, so I hope this event will help me reach my goal. And that is: World peace. Ching!

Hello readers and fellow cebu bloggers! See you all there. Say hi when you see me! Yun kung makikilala niyo ako! wahahhaa…bleh!

PS: Tabian and Nieco speaks, you guys coming? Reesie?

Bais City

Pasensya na at medyo hindi consistent ang pag post ko ng blog ngayun. Maraming issues ang hinaharap ko na tila nag halo-halo na kasabay ng lindol sa Japan.

Dahil wala akong masayang post maliban sa umiinom na ako ngayun ng tongkat ali, na produkto ng kaibigan ko at nauubusan na ako ng likido sa katawan bawat araw, ipagpapatuloy ko nalang ang tour ko doon sa Negros Oriental. Read more…

Part of your world

This is where I belong…

 

Like those fishes, I want to be free…

I’m a wandering soul and no one can own me..

So let me go….

 

All shots taken in Fish Sanctuary, Mactan Island, Cebu.

Masaya

Sa tuwing nakikita ko siya sa Facebook hindi ko maiwasan na bumalik sa unang pagkakataon na nagkita kami. Pareho kaming nasa kolehiyo noon. Nang dahil sa kaibigan ko na nagtratrabaho sa isang news paper company(na feature kasi ako dati) kaya niya nakuha ang number ko.  Basta kalandian at kapotahan talaga, palaging nangunguna ang pangalan ko sa listahan.

Buti nalang talaga at lalaki ako. Dahil kung hindi, matagal na akong laspag o di kaya nabuntis na hindi pa nakatapos ng Grade 1.

Naalala ko. Naging kami. Nangako siya na mamahalin niya ako. Na hindi niya ako iiwan at lulundag siya sa ilog pag hiniwalayan ko siya. Nag-drama ako dati na hihiwalayan ko na siya. Hindi rin pala siya lumundag.

Inalay ko sa kanya buong tiwala at puso ko. Inilatag ko lahat-lahat ng meron sakin. Pati na rin mga alagang tanim ni nanay. Hindi na ako nagtira.

Nakakatakot na masaya ang pumasok sa isang relasyon. Pero dahil sa mga pangako niya, nawala ang takot ko.

Kasama siya sa lahat ng pangarap ko. Hindi pwede na wala siya. Pag nagdradrawing ako ng dream house ko, nasa tabi siya ng bahay. Nasa ilalim ng puno. Kasama mga anak namin. May picnic basket. Pero walang laman. Ang hirap kasi gumuhit ng pagkain.

Dati yun.

Nasa desyerto siya ngayon at uuwi ngayong abril. Sa tuwing nakikita ko siya sa Facebook, naaalala ko yung unang beses na nagkita kami. Napapangiti ako. Pero nauuwi parin sa kirot.

Gusto kong suntukin ang mga camel na nasa pictures niya.

Ikakasal na siya. At hindi ako ang pinili niya para iharap sa altar. Kaya ko namang magpagupit para sabihing kagalang-galang ah?

Naaalala ko yung pangako niya. Sa bawat pangako niya ay katumbas ng kirot sa puso ko. Yung kwento namin ay parang sa pelikula lang. Pinagkaiba lang, yung amin ay walang happy ending. Nag-iiba ang tao sa pagdaan ng panahon. At hindi siya exempted.

Pasok music on cue: daldalhin kita sa aking palasyo…daldahin hangga’t langit ay manibago..ang lahat ng ito’y ipinangako mo….daldalhin lang pala ng hangin…ang tarugo ko.

Joke.

Paano nga ba makapag move on ang isang tao kung buong buhay mo ay iginuhit mo para lang sa kanya?

Mali ba ang mag tiwala? Gusto ko lang naman ay maging masaya.

 

Hala bira!

Dito ako ngayon sa Iloilo, The City of Love. Pagkatapos ng Sinulog, dito na naman ako nakipyesta. Ang saya-saya lang, ang sarap talaga malasing sa kalsada.lols.

Dinagyang means merry-making. It’s an event in Iloilo tuwing 3rd sunday of January. Pinapakita dito yung history ng Iloilo before the colonizers. The first people who settled here in the island are the Aetas daw kaya parang sayaw to ng mga eatas.

Pasensya na po, pero hindi ako yung aeta na tinutukoy ko.

Dinagyang is the Best Tourism event here in the Philippines. Sa mga taga Manila na walang time o pera to watch Dinagyang, you can also catch them during the Aliwan.

Yung mga mananayaw ay tinatawag na warriors. They have to color their skin black/brown para achieve na achieve ang pagiging aeta.

Fine. Siya na ang Machete.

Mga anak, magsasaing na tayo.

Group jump shot

 

My favorite. I like the color. Sila na yung Tribu na maraming costume.

Puwet galore!

 

Till next time! I’ll be in Boracay naman sa weekend. Parang ayoko na talagang bumalik sa trabaho. ahahahha

Pit Senor!

Kung papipiliin ako ng buwan na gustong-gusto ko, January na siguro ang pinakabest na sagot. Bakit? January is the month for festivals sa Visayas, there’s Ati-Atihan of Kalibo, Sinulog of Cebu and the Dinagyang of Iloilo. To yung buwan na hindi mo ako makikita sa bahay dahil nasa kalye ako at naglalasing. Maliban sa napapaligiran kami ng bundok at dagat, isa sa advantage ng mga taga Visayas region ay punong puno kami ng festival. (Click pictures to enlarge)

Aktwali, sinisipon ako ngayon. Siguro alam niyo naman na Sinulog dito sa Cebu last weekend. Alas 6 palang ng umaga lasing na ako at umuulan pa. Pero walang makakapigil sa paang malandi.

Sinulog is a feast of Sto. Nino, the Patron Saint of Cebu every 2nd week of January. This will be my 4th time celebrating Sinulog and probably the last….for now. Hindi ko kinaya ang crowd at ulan. Aha ha ha..Alay lakad pa.

More..

Hindi lang naman Visayan culture ang pinakita. Meron din namang mga Ifugao. May mga artista din na dumalo.

Venus Raj

Akihiro Sato

Solenn Heussaff. Nag “hi” siya sakin, hindi ko pinansin. lol

Hindi ko kilala. Wala kasi me t.v. John hall yung lalaki tapos yung nasa likod niya is Ehra Madrigal.

Spartacus and Lady gaga.lol

Kuya Ogie Alcasid. Kuya? Close? ha ha ha. Namigay sila ng t-shirt. Noong wala akong nakuha, sumigaw ako ng “Cellphone naman! Cellphone! Cellphone!!” Dukha mode? patay gutom.  Ayun, hinagisan ako ng kendi.

Last but not the least….

Jolina Magdangal….chuva chu chu chuva chu chu. joke!

O siya last set na tayu!

Majinboo…gusto ko yung outfit. Very corporate looking.lols

I find it weird looking at pinoys wearing cosplay..hmmm?

Next weekend I’ll be in Iloilo for Dinagyang and Boracay! Hala bira!

 


PS: If you’re watching Channel V, look for me sa street party scene with VJ Alvey Pulga. andun ako! Sa background…wahaha.Bleeeeh!

Voce Existe En Mim

Ilang beses mo na bang nasaktan ang mga magulang mo? Malamang hindi mo alam. Kadalasan, hindi naman talaga sila nagsasalita para ipaalam sa atin.

Sometimes being alone is a gift (Take not that alone is not the same as being lonely). It’s a time to hear more of your self and weigh the things around you. It’s a precious moment to know what your heart really want.  Sa totoo lang, mas naeenjoy ko ang oras pag mag-isa lang ako. Hindi naman problema sa personality to since I get well along with other people parin when I’m out in the social.

Marami akong natutunan sa isang buong araw na paglakbay ko papuntang bundok ng Janiauy (Ha-ni-way), Iloilo. Maliban nga sa imahinasyon na kasama ko si Nene sa palayan habang tumatakbo at naghaharutan tapos gagahasain ako ni Nene sa tabing ilog habang ang kalabaw ay naliligo sa sapa, I have found peace and the wisdom to accept things as they are. Kagaya ng pagtanggap ng bundok at kagubatan sakin, walang criteria. Walang bawal pumasok.

Sobrang cliché, pero aminin niyo, may mga bagay parin sa madilim na sulok ng utak niyo na hindi niyo parin matanggap. Kagaya ng pagtanggap na hindi siya para sayo. O di kaya mas maganda siya sayo at ikaw ay isang hamak na ampalaya na binalot sa lumpia wrapper. Na hindi mo parin mapatawad ang taxi driver na umayaw sayo dahil mukha kang gangster at binanggaan ka.

Buong highschool life ko ay nauwi sa pagrerebelde sa nanay at stepfather ko. Ayoko sa bagong tatay. Gusto ko si Manny Villar. Joke. Yung sa utak ko kasi, sapat na yung  isa na nawala. Alam ko kulang na ang pamilya, at kahit sinong lalaki man ang pumuno nito, hindi ito makakapantay o mahihigitan sa kung ano ang naiwan ng yumao kong ama. Sa madaling salita, napaka sakim ko.

Hindi ko man lang naisip na may kaligayahan din ang nanay ko na dapat niyang hanapin.

Kumakain ako sa chowking ng mag-isa nung kinunan ko tong picture. Inatake ng seizure ang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad 25 and up. Yung nanay alam niyo kung ano ang ginawa? Tumayo, hinagkan ang anak habang yung luha ay nag-uunahan na lumabas sa mata niya habang ang anak ay tila nag wawaka-waka ni Shakira.

Sa totoo, na antig ako sa eksena na nakita ko. Buong pagkatao ko nalusaw. Ni hindi ako tumulong. Nandun lang ako sa lamesa, tulala, walang masabi at hindi ko namalayan na tumulo na pala luha ko. Nahalo nga ata ang luha ko sa sabaw ng beef wanton. Napaisip ako, matanda na ang nanay pero hindi parin siya napapagod sa pag-aruga ng anak niyang may deperensya. Hindi niya to kinahiya at sinama niya pang kumain sa isang mataong lugar. Ramdam ko ang pagmamahal ng nanay habang akap-akap nito ang anak, naghihintay na tumigil ang atake. Naalala ko ang sarili, yung mga panahon na binalewala ko nanay ko. Kelan ang huling yakap ko sa kanya?

Sakay naman ako ng jeep papuntang bukid kung saan tutuparin ko ang pantasya ko na maghabulan sa rice field kasama si nene, nakita ko naman tong mag-ama.

Hindi na makalakad ang batang babae. Kaya mula pagsakay hanggang bumaba sila, akay parin ng ama ang bata.  Nasabi ko sa sarili ko:

 

“Lord, pinagsisihan ko naman lahat ng ginawa ko sa buhay ko. Wag naman yung halos madurog na ang puso ko sa mga nakikita ko.”

Kita ko ang bigat ng pasanin ni Kuya. Kung napupuna niyo sa litrato, may mga sugat yung ama.  Napaluha ulit ako, hindi man lang hinintay ni Papa Jesas na magkaroon ako ng ulirat bago kunin ang tatay ko. Naiingit ako sa totoo lang, hindi ko na alam yung pakiramdam na meron kang tinatawag na tatay pag-umuuwi ka.

 

Pero sa kabila ng lahat, marami paring bagay na dapat kung pasalamatan. Buo yung katawan ko, wala akong waka-waka moments. Totoo ngang life is unfair, but it doesn’t mean we have to dwell all our lives to its unfairness.

 

On that day, I have learned to accept my mom. May pagkukulang siya, I know. Dahil hindi naman natin mapipili kung sino ang gusto nating maging ina. Wag kang ambisyoso.  Pasalamat nalang tayo na hindi tayo tinapon sa ilog paglabas natin sa sinapupunan nila.

 

Wala tayo sa lugar para magalit sa mga magulang natin. Dahil sa kabila ng maliit na kasalanan nila, wala yun sa haba ng panahon ng pag-aruga at walang sawang pagmamahal nila satin. Sila yung unan taong sumasalo satin tuwing nadadapa tayo, at kahit na hindi na tayo bata, sila parin ang huling pupuntahan pag nasasaktan na tayo.

 

Tanggap ko na ang step-father ko.

 

Pack your bags and lets run away

Minsan darating ka sa panahon na magsasawa ka sa buhay mo sa ciudad. Maghahanap ka ng simpleng pamumuhay. Yung malayo sa mga gusali, sa usok ng mga sasakyan, sa ingay ng bunganga ng landlady o di kaya sa mga potangenang trying hard na nagvivideoke sa tapat ng bahay.

Isang buwan na akong hindi nakakatanggap ng sweldo. Pati yung 13nth month ko hindi ko pa nahahawakan. Punong-puno na ako sa trabaho at responsibilidad sa pamilya. Meron pa kaming tampuhan ni Maja Salvador, kasi ayoko pa munang sagutin siya. Alam ko naman na katawan ko lang ang habol niya. Sa mga panahong kagaya nito, kahit sarili mong kwarto hindi makakabigay ng hinahanap mo na comfort.

Hindi na rin gumagana ang typical na gawain ko. Ang pangit ng manonood ka ng porn dahil malungkot ka at magjajackenpoy. Imagine, malapit ka nang labasan tapos marerealize mo na malungkot ka pala habang may isang luha na lalabas sa left eye mo. Potah, hindi mo talaga alam kung ano ang uunahin. Ang labasan o ipagpatuloy ang pagluha.

Dalawang lugar lang ang pinupuntahan ko pag gusto kong tumakbo palayo sa mundo. Ang bundok o di kaya ang dagat. At this time, pinili ko ang bundok.

Parang painting lang no? Dito ako nag-overnight. Kasama ang backpack ko at ang isang bote ng heneroso. Pagkakita ko ng lugar, feeling ko ako si Enchong Dee na hinahabol ni Nene. Tapos magyayakapan kami habang nagroroll pababa ng hill na nagagugums -to-gums. Pangarap ko talaga ang magahasa sa bukid habang pinapanood ng mga kalabaw. Hardcore lang kasi ang putik at ang palayan.

Masarap ang magising na ganito ang makikita mo. Walang landlady na sisigawan ka na magbayad na ng upa. Ang lupain na yan ay pag-aari ng bestfriend ko. Tangena siya. Siya na ang land reformer. Habang ako nagpapakahirap sa corporate world, dito lang siya nakatambay at naghihintay ng ani. Pero salamat sa kanya, may tatakbuhan ako pag ayoko na sa mundo. Sayang lang, hindi wifi hotspot ang lugar. Lols.

 

Kaya sa katukayo ko na si Glentot at kay Momel, sana makapagrecharge na kayo at makahanap ng sarili niyong kaligayahan.  Nakapag recharge na ako, and i think I’m back in the game.

 

I miss you bitch. 😦

The Lily Allen in us

Lahat tayo ay may mga bagay na kinatatakutan. Bagay na gusto man natin minsan ibahagi sa iba, hindi natin magagawa. Just a mere thought of it brings back the terror of the past. So we chose to be silent.

Charing. Napa-english ng kunti.

It was a fine summer of March 1994. Kasama ko sa dalampasigan ang negra kong pinsan habang dala-dala niya yung pakwan. Para na siyang chocolate crinkles sa sobrang bilad sa araw.  Family day parati ang lingo naming noong unang panahon, noong hindi pa naubos sa kakamatay  yung mga mayayaman naming kapamilya. Unfortunately, hindi ako kasama sa last will and testament.

Mahal ko ang dagat. Yung alon para lang koneksyon ng kaluluwa ko at yung buhangin ay isang parte ng katawang lupa ko. Yes, ganyan lang kasimple kung mag inarte.

Umupo kami ng pinsan kong chocolate crinkles sa dalampasigan habang panay ang kagat niya sa pakwan na halos balat nalang ang natira. 8 years old palang ako noon. Maamo, mabait, simple, malinis ang puso, birhen at walang bahid ng kasamaan. Totoy na totoy at kahit anong oras pwedeng molestyahin ng mga dayuhan. Potah, ang pokpok ng dating.

“Tara ligo tayo” sabi ng Gigi (si chocolate crinkles) habang hinihila ako para maligo.

Malakas ang alon noon pero wala namang bagyo. Naeenjoy ko ang dagat hanggat alam ko na ang paa ko ay nakaapak parin sa buhangin. Ayoko ng bato, ayoko ng sea weeds, ayoko ng putik. – Maricel Soriano.

“Insan, ang lalim na nito. Balik na tayo please” ang sabi ko habang naiihi na ako sa pekpek shorts ko. Hindi naman halata sa tubig na umihi ako.Yung potangenang crinkles, nag eenjoy habang nakikita akong nahihirapan sa paglangoy aso.

Nagsimula akong mataranta. Nakainum ako ng ke rami-raming tubig. In a split second (weh?) dumilim yung paningin ko. Yung  huling naramdaman ko ay hinihila ako papuntang dalampasigan ng isang lalaki. Akala ko napuno na ng tubig alat yung lungs ko.

Buhay pa ako. In fairness, may dugong tilapia ata.

Simula noon, hindi na ako sumasama sa pinsan kong chocolate crinkles tuwing family outing. Masaya na akong nasa dalampasigan lang na nagbibilang ng buhangin at gumagawa ng sand castle sa tugtug ng kastilyong buhangin ni Tito Basil Valdez.

Sobrang takot na ako ngayon sa dagat lalong lalo na sa parte na saan alam kong sobrang lalim na. Yung hindi mo na makikita kung ano ang nasa ilalim. Minsan, nasabi ko sa sarili ko na kung meron mang rason na mamatay ako, siguro yung dahilan na yun ay tubig. Naging masaya naman ako kahit na hindi ko kayang pumalayo sa dalampasigan.

Sabi nila, ang tanging bagay na dapat nating katakotan is the fear itself. Kahit saan naman ay may mga bagay tayung dapat katakotan. It is always there, though may differ in shapes, form or time. Hindi naman mahirap tumalikod at kalimutan kung ano man ang kinatatakutan natin sa buhay. Kaso, sa sobrang iwas natin marami tayong bagay na nakakaligtaan at nakakalimutan. Mga bagay na hindi natin namamalayan na dumaan na pala sa harapan. Sa sobrang iwas ko sa takot ko, unti-unti kong binaon sa limot ang pinsan ko na pinaglihi sa uling. And shes the only big sister I have when I was still a kid. And i chose to ignore and forget her.

I guess, its time to face my gruesome fear.

But with life jacket of course.

Ikaw ano ang kinatatakutan mo?

PS: Lily Allen was the one who sang “The Fear” which is supposed to be the blog title. Mapauso lang.

Little Monsters

Bwesit na ulan, napapawet ako at napapa-emo. Sa mga panahong ito, malamig at medyo mamasa-masa, gusto ko nalang tumambay sa kwarto ko sa Iloilo habang kayakap ko ang mga little rascals ko.

Meet Drowi and Gencyl. My two little monsters.

Sa mga panahong malungkot ako, sila parati ang iniisip ko para mawala ang pagka homesick. At kung tatanungin niyo kung san nagmana ang mga niyan…ehem….ehem…..ehem…

Maraming bloopers ang mga litte monsters ko na yan. Minsan ako nalang ang nahihiya sa ibang tao kasi daig pa ako kung magsupalpal. Kung hindi lang talaga sila bata, matagal ko na silang nilagay sa sako at iniwan sa isang bakanteng subdivision.

Isinama ko minsan si Drowi sa isang party ng kaibigan ko na nagkataon merong alagang parrot. Inabot ko ang buong mais sa kanya sabay sabi:

“Drowi, pakainin mo ang parrot”.

Iniwan ko lang sandali, nakita ko ang parrot na nakahandusay sa sahig.

“Drowi, anong ginawa mo!”.

“Ayaw kumain e. Tigas ng ulo kaya pinalo ko”.

Imbes na magalit ako, natawa ako. Gusto ko siyang kurutin sa singit ng very soft.

“Sige. Pag ikaw ayaw kumain, hahampasin din kita ng mais”.

Kawawa ang parrot. Parang na amnesia at nakalimutang parrot siya.

Feeling niya kasi ngayo isa na siyang Peacock.

Si Gencyl naman, sinama ko noong bumili ako ng cake para sa graduation party ng sister ko. Habang nilalagyan ng pangalan ang cake, that spells as “Congratulations yana”,  biglang nagtanong:

“Daddy, ano ang ginagawa sa cake?”.

“Nilalagyan ng pangalan ng tita yana mo”.

” Bakit nilalagyan? Para ba hindi mawala?”.

Ha ha ha… Baka akala niya para lang notebook ang cake.

Next month, I’ll see my little monsters again. Im sure, meron na naman akong kwentong baon para sa inyo. I just cant wait.

Sapatos

Wondering why I don’t write much about my brother? (Mahaba to, i hope its worth the read)

Iba sa inyo alam naman siguro na umalis ako ng bahay papunta sa kabilang isla na may galit sa puso para sa nakakatandang kapatid ko. At 10% ng rason kung bakit gusto kong pumalayo ay dahil gusto ko munang hindi siya makita o ang nanay ko. Yes, ganun ako katindi kung magtampo.

Buti nalang at malayo layo ang Somalia at hindi ako dun napadpad.

Pagkatapos mamatay ang butihing ama namin, what a surprise noong dinala niya ang girlfriend niya na nakalunok ng malaking bola sa bahay. In long, buntis. Dagdagan mo pa ng may bagong step dad ako, muntikan ko nang itulak ang sarili ko sa ikalimang hagdan ng overpass para kitilin ang walang kwentang buhay ko. How’s that for an experience lalong-lalo na nasa adolescent period ka? Tobol di ba?

Si tatay nga lang yung inaasahan ko na gumastos sa pag-aaral ko, nadedo pa. Hindi naman pwde na gisingin ko yun sa hukay tapos sabihin “hoy hindi pa ako tapos mag-aral?! Maya ka na matulog ng mahimbing…hoyyy”.

Asa pa ako ngayon na meron ng asawa si kuya at mas aasa pa ba ako sa step dad ko na walang karelas-relasyon sakin? Intsik kaya yun. At alam niyo naman yung ibang instik. Kuripot. Mas pipiliin pa na bumili ng siopao keysa igastos sakin na hindi naman kaano-ano.

Di ba? Kung may mas puputa pa sa buhay ko pakilala niyo. Ng para sa ganun dalawa na kami na may putang buhay.

Pumasok ako sa kahit anong raket basta lang magkapera pangbayad sa skul. Binibigyan naman ako ng nanay ko ng kaunti, pero hindi yun sapat. Walang regular na trabaho nanay ko, tatlo pa kami ang nagskuskul, pangbayad pa sa bahay at isa pa, asa pa ako sa step dad ko. Lahat kinaya ko. Pumapasok sa skul walang makain.

Nakapagskul si kuya ng walang paghihirap dahil noong college siya buhay pa ama namin. Ako? Parating pumapasok na namumula ang mata. Una sa galit dahil hindi man lang niya naisip ako at dalawang kapatid namin. Pangalawa, sino bang hindi maiiyak kung kasama sa job description mo ang maglinis ng kubeta sa faculty room? FCK right? Parati akong nagpeprefume, BVLGARI, muriatic version nga lang.

Yung kinaibahan ng kuya namin? Hindi siya sanay sa hirap noong una.

Pasalamat nalang talaga ako na meron akong mga kapatid. Atleast, kung iniisip ko na wala na talagang kwenta ang buhay ko, eh yung sa kanila pano? I can’t let then waste their lives. I love them more than myself kaya nga kinuha ko yung kursong kunti lang ang units para makagraduate agad. Kung iniisip ko na wala na akong kinabukasan, at least inisip ko na para nalang sa kanila. Aayusin ko yung future nila. Wag na yung akin.

The only thing I regret now is not taking the course I really want. I want to be an engineer. Architect to be exact.  Nag two years ako dun, but knowing it will take me 5 years to complete (note that I am a working student) wala nang time kasi graduating na din brother ko sa high school, nag shift ako ng course. Psychology. But I’ve learned to love it naman. So that’s fine.

Feeling ko noon pinabayaan ako. Imagine two people in your life that you only have chose to take their own paths and you just there being in their backgrounds? Di ba? Total abandonment. Kung ganyan lang naman sana kinahihinatnan ng buhay ko sana binaon nalang ako sa lumpia wrapper tapos tinapon sa ilog noong June 19, 1985.

What hurt me the most? My mom doesn’t even care to go to school to accept the awards during recognitions. Sinong tumayong nanay sa tabi ko sa gitna ng stage? Yung nanay ng kaklase ko. Even once hindi siya dumalo ng recognition. I really feel she doesn’t care about me during those times. And she’s not proud of me either.

I went to Cebu with 500 pesos on my wallet and a folder full of credentials. Kung tatanungin mo ako pano ako nakasurvive sa Cebu with just that money? Wag nalang. Aabutin ka ng 2 days bago mo matapos basahin tong blog ko na to. But thank you to someone. I know you’re reading this blog.

Sa awa ng Diyos nakagraduate ako ng marangal at walang inaapakang tao. Ipis meron kasi nga di ba, tagalinis ako dati ng faculty room? Ha ha ha. I have enough money to send my bro and sis to college na. Yung isa kakakuha lang ng Teacher’s board exam at isa, graduating na as a Civil Engineer.

Why I wrote this?

My brother texted me days ago. Sabi:

“Baka pwede kong bilhin yun black shoes mo? Wala na kasi akong sapatos pangtrabaho. Hindi ko kayang bumili ng bago?”.


Yeah, cos his salary is just 20% of what I am earning. Pano kapa makakabili ng luho sa pamilya mo palang kulang na.

“Sure, 3 thousand kaya mo? Dapat full pay. Walang labis walang kulang.” Yung reply ko sa kanya.

“Ay grabe naman. Wala bang tawad?” Na shock ang kuya ko.  Sa totoo binili ko yung sinasabi niyang black shoes below 500 pesos. Hi hi hi.

“Wala. Mura pa nga yan eh. Kita nalang tayo pag-uwi ko diyan after a month. Mahal ang shipping”. Ang tanging nasagot ko. Heartless bitch di ba?

“OK. Sige. Pero hindi ko kaya yang price na yan. I love you”. Potah, inuuto-uto pa ako. Hindi na kaya ako grade 6.

Hindi na ako nagreply.

I just bought him a new pair of black shoes without asking for a payment.

PS:

I don’t have hate or anger for them now. Natutunan ko nang I let go kung ano mang hirap na naranasan ko noon. Besides, my achievement is worth sharing for. I hope guys may makukuha kayong leksyon dito. Remember, dont hold grudge in your heart. Tatanda ka niyan lalo.

For my mom? I just wish them happiness sa lalaking pinili niya. Naiintidihan ko rin naman na shes longing for someone to be with her. Although andiyan naman kaming anak niya, iba parin naman yung tinatawag mo na kabiyak ng puso mo.

Pero really, parati akong naiiyak knowing ibang nanay ang tumatanggap ng certificate ko at medal ko. Minsan nanay pa nang hindi ko kilala. Yan ang moment na tumatak sa isip ko na hanggang ngayon hindi makuha kuha.

Oktoberpest

Ilang araw nalang maghahasik na naman ako ng lagim sa Manila. At kung tatanungin niyo ako kung ano ang gagawin ko dun, pasensya wala akong maisasagot. Trip lang.

Pero tama din naman ang isang tao diyan. Wala akong kwenta. Pupunta ng Manila once in a blue moon kahit isang plano wala. Maliban sa gusto kong malasing sa lansangan ng kamanynilaan, wala na talaga akong planong maganda. he he he.

Hokey. Ito, para naman lumabas na hindi lang ako mag-aaksaya ng pera na akala mo kung sinong mayaman, gumawa ako ng kunwari listahan ng mga gagawin ko sa Manila

1.  Iinum. Dahil Oktoberfest. Period.

2. Imemeet ang ibang bloggers. Pero dapat may inuman.

3. Maghahanap ng Japanese resto. Beertime after kumain.

4. May kakausapin akong tao. Importante. Sana hindi ako lasing sa oras na yun. I miss her.

5.  Pupunta sa Coffee Shop ni Mr. Chingoy. Wish ko lang merong talaba dun.

6. Get laid. Joke lang.

7.  Magsisimba sa Manila Cathedral. Promise hindi ako magdadala ng placards.

8. Iinum.

Yun lang.  Excited na ko! YEEEEEEEEEEEEEAHHHHHHHHHHHH!! Sa totoo, hindi talaga ako nagplaplano. Kas gusto ko spontaneous.  Atleast, wala kang ineexpect wala ka din inaasume. Kaya see you around bitches!

My life in Transit

Ang hirap 40x.

Ganyan karami ang hirap na nararamdaman ko ngayon sa buong araw na paghahanap ng bagong bahay. Gusto kong punuin ng paghihirap ko ang post ko na to pero ang pangit palang basahin kong puro salitang hirap lang ang mababasa.

Galing ako ng grave yard shift at dumiretso na ako para maghanap ng bagong kwartong titirhan kanina. Marami akong dahilan kung bakit gusto kong umalis dito. Sapat na mga dahilan para umalis ako sa madaling panahon. Isa sa dahilan ay nasa likod lang kami ng pabrika ng copra. Ayokong mamatay ng maaga na hindi nakikita kung gaano kaganda ang lahi ko.

Sa gitna ng init, inararo ko ang buong Baranggay ng Lahug at Mabolo dito sa Cebu para lang hanapin ang bagong ginintoang kama na paglalagyan ng nagmumura kong katawan.  Nagmumura dahil sa sobrang pagod at init. At kung masusunod lang ang katawang lupa ko sa mga panahong iyon, malamang na stroke na ako sa harap ng bahay na may karatulang “rooms for rent”. Ang pangit ng setting ng pagkakamatayan ko. Hindi gusto ni Kuya Germs.

Unang bahay. Mga limang minuto din akong kumatok sa puta red na gate bago buksan. Lumabas ang babae na mukhang may identity crisis at nagtanong kung ano ang pakay ko. Hindi ko siya na intindihan. Pinaulit ko. Nakailang ulit pa at dun ko nalang napuna na ngo-ngo si ate. Mukha siyang si Dexter Doria. Yung nga lang, may divided lips (read: cleft palate). Suplada pala siya sa personal. Gusto ko siyang ihampas sa puta red na gate.

“magkano ba te ang rooms niyo?”. Tanong ko sa kanya.

“Malaki ang rooms. Hindi mo kaya”.

Tanga ka teh? Perfect ka? Presyo ang tinatanong ko at hindi kung gaano ka laki ang potang kuwarto ninyo. Hinusgahan ako. Mukha na ba akong walang pera? FYI, kakahold up lang sakin. So sapat na yun na dahilan na mukha akong mayaman. Not unless, gusto niyang sampalin ko siya ng limang libong barya na nakabalot sa plastic. Tignan natin kung hindi siya magiging coin slot. Ngo-ngo na nga ang suplada pa. Pasalamat siya at hindi ako napikon dahil kung nagkataon itratransfer ko yung cleft niya sa left side para maiba.

Nag move on ako. Ikalawang bahay.

Matanda ang may ari. Maysakit siguro sa kidney at hindi na makalakad ng maayos. Ang daldal ni lola. Keyso ang mga anak nasa states, na libre ang washing machine, pwedeng magluto sa kanilang bahay, na puro executives ang nakatira. Nadala naman ako sa sales talk, kaya nag desisyon ko na tignan ang kuwarto.

Gusto kong magpakatiwakal sa harap niya noong nakita ko ang kwarto. Ang LIIT. Kasya ang sampung daga. Lola pakitulak ako from second floor please.

“magkano ba to lola?” tanong ko naman sa kanya.

“san ka ba nagtratrabaho?” tanong din niya. So magtatanungan lang kami buong araw. Ganun.

“callcenter?”. Sagot ko rin na patanong.

Nakarinig ako ng tunog sa mga mata niya. Tunog ng barya. Ching-ching-ching-ching.

“6,500?”. Pilosopa much?

Ang liit na nga ang mahal pa. Abuso naman yun. Hindi kesyo callcenter ako ganun nalang siya kung makabigay ng rates ng kuwarto. Sa ganyang rate, meron na akong condo. Mapapasakin pa sa takdang panahon. 6, 500 for just a matchbox? Meron bang ginto sa lamesa dito. Meron bang unlimited sex? Kung meron,pwes bahala na walang kain. Busog din naman sa kama.

You know im joking right?

At habang paalis na ako sa lugar, walang tigil pa rin si lola. Na kesyo ang mga anak sa states, libre ang washing machine, na pwedeng magluto sa kanilang bahay, na puro executives ang nakatira. Aanhin ko ang mga yan kung presyo palang ng kuwarto wala na akong makain? Lutuin ko yung washing machines niya e. Shit much.

Nag move on na naman ako. Gusto ko nang umiyak. Pero yung dry lang. Para artistic.

Lumundag ako sa tuwa noong may nakita akong room na swak sa budget at ang bait pa ng landlady. Nalaman ko na anak niya ay nagtratrabaho din sa company namin. Maganda ang room. Nagustuhan ko kasi hindi maingay ang kama kung magpupump ka.

Ahahahhahahhahahahhahahahahahhahahahahhahaha…….natawa ako sa panahon na yun dahil kasama sa criteria ko ang hindi maingay na kama. Unconsciously.

“ok lang na dalhin mo mga kaibigan mo dito o di kaya GF mo.” Sabi niya.

Syempre naman. Gusto mo ngayon pa e. Syempre joke again.

“Pero hindi pa kasali sa rate ang kuryente. Kung may appliances ka pwedeng mag aditional ka lang sa kuryente. Ano ba mga gamit mo?” Tanong ni ate.

“Meron po akong laptop, industrial fan, cellphones at sex appeal”. Sagot ko.

200 ang additional daw. Maliban sa sex appeal kasi mahal ang metro. Lols

“Lahat ng umuupa dito tinuturi naming pamilya. Pinapakain namin, sinasama sa mga parties dahil matatanda na kami at syempre dahil sila ang source ng income namin”. Dagdag pa ni ate.

Syempre na touch ako. Pumalakpak ang bayag ko.

Isa lang ang hindi naming gusto. Yung may bisyo. Kagaya ng mga umiinom. Mga nagsisigarilyo.

“May bisyo ka ba?”

………at hindi na ako bumalik dun.

Ohana

Nagkita kami ng dati kong kaibigan noong linggo. Matagal din naman kaming hindi nagkita kaya nagtext ako sa kanya kung pwede bang tumambay muna sa kanila. Mga 2 years din naman siguro simula noong nag alsa balutan ako dun dahil sa sobrang galit sa mga katulong ni ate (taga luto namin sa apartment). Nawalan kasi ako ng gamit. Total ilang creep walk lang naman galing gym ang bahay nila, nagpasya nalang akong mag drop by.

Nalunod ako sa mga kwento. Sa mga tanong. Normal lang naman siguro yun kapag matagal na kayong hindi nagkita. Tinatanong kung totoo ba ang kumakalat na chismis na may anak ako. Sabi ko oo. Marami. Patay lahat dahil pinahid ko na sa banyo.

Napunta ang usapan sa trabaho. Bibili na siya ng bahay worth a million. Yung cellphones, meron lahat each network puro high end pa. Complete appliances. Nabibili ang kahit na ano na gusto niya. Sa totoo lang, pinagsisihan ko ang pagpunta dun. Naawa ako sa sarili ko.

Pakiramdam ko para akong nunal sa mukha. Nanliit ako noong napagusapan ang estado ng buhay namin. Wala akong masyadong maikwento maliban sa pagpagraduate ng dalawa kong kapatid. Wala akong bagong cp. Walang bahay na bibilhin. Walang fridge na puno ng laman. Wala akong savings. Period. W-A-L-A.

Sumama ang loob ko. Kung sakin lang sana napupunta ang kinikita ko, eh di sana nahigitan ko pa siya ngayun. Naisip ko na sana minsan natuto din akong magpaka selfish. Yung sarili ko lang ang iniisip ko. Maraming marami akong sana sa buhay. Na sana pinabayaan ko nalang yung kapatid ko total noong nagaaral ako ako lang din naman ang gumagastos sa sarili ko. Na sana hindi ako nagpapadala ng pera. Sana nakapili ako ng kurso na gusto ko. Na sana kagaya ko din ang kaibigan ko. 26 anyos at stable na.

Aaminin ko. Naiingit ako at nasilaw sa mga materyal na bagay na meron siya. Tao lang. Napatanong ako sa sarili ko na pano kung makahanap na ng trabaho mga kapatid ko at ako naman yung mawawalan ng trabaho? Hindi sa umaasa ako ng kapalit sa perang ginastos ko, pero ako lang talaga yung tao na hindi umaasa sa iba.

Alam niyo ba ang feeling na naiinis ka dahil in the first place hindi mo obligasyon ang magpalaki at magtaguyod ng isang pamilya? Na dapat kay kuya tong obligasyon pero tinakasan niya lang. Na pakiramdam mo pinagdeskitahan ka ng panahon at pinagtripan? Ganyan ang feeling ko sa panahon na yun. Pilit kong iniiba ang usapan dahil kunti nalang at isasampay ko na talaga ang sarili ko sa poste ng meralco sa sobrang inis.

Habang nasa jeep ako, naisip ko na materyal lang na bagay ang nasa kanya. Makukuha ko din yun sa pagdating ng panahon. Na ang estado ng buhay ay hindi lang sa dami ng gamit o pera na meron ka.

No. I will not give up my family.

Sabi pa nga ni Lilo: Ohana means family, family means nobody gets left behind. Or forgotten.

Juliet Bid Him Goodbye

A man who has nothing left in this world still may know bliss, be it
only for a brief moment, in the contemplation of his beloved.

– Viktor E. Frankl

I wore black from top to bottom as I stand before him. Lifeless, muted and cold. I tried to talk to him, but all I can hear is the echo of my own voice. I want to touch him for the last time but all we have is a glass that separates us. I embraced the cold wood that encapsulates him. ‘Tay…..is all that I can speak.

Read more…

Stone hearts and angry names

Just spoke with nanay on the phone and had a little argument. Yung sister ko ang may kailangan, pero alam nila na pag ako ang nagalit, si nanay lang ang makakapacify sakin. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinalabas ko lahat ng galit ko sa mundo. On how unfair it is sa side ko. Read more…

I Am Sorry Mom

I’m sorry for hating my step father because he looks like willie revillame. Promise hindi ko na po papatayin ang mga manok niya at itatapon ang mga damit niya sa ilog.

I am sorry for not being there when you cried over the bloody and lifeless body of kat-kat. I was not there to comfort you in your downiest moment.

Read more…

Told you, You Can’t Trust Me

Kung si Kim Chu at Gerald Anderson my linyang malupit kagaya nito:

BOGS: Minahal kita. Mahal na mahal kita.

MAE: Ang sarap pakinggan; mas masarap paniwalaan… Pero hanggang kelan? Bukas makalawa, may bagong pagseselosan. It’s not you, it’s me. I’m so insecure. No love is enough for me— not even yours.

bakit ba sa lahat ng bagay lagi na lang akong pangalawa… sana kahit minsan maranasan ko naman ang maging una…

Read more…

Soulmate

Isa si Xg sa bumuo sa kung ano ang katauhan ni Maldito sa mundo ng sapot. Para lang akong lalaki na hinugot sa kanyang balakang. Soulmate nga ang tawagan namin. Ahem. Ahem. Ahem. Mic test.

Read more…

Repost: Suck Me, Mr Vampire

PS: Reposting bago ko gawan ng kasunod. ha ha ha. Napasama ko na i-private.

Kung wala na akong trabaho o wala na talagang mahanap na trabaho, susulat nalang ako ng nobelang tagalog at papadala sa Precious Romance. Alam ko, hindi talaga ako marunong magsulat ng ganyang ka jologs na sulatin, pero dahil sa gutom at kailangan mo ng pera, papatusin ko na ang ganyang trabaho. Ang sa utak ko ngayun ay kwentong pag-ibig na hango sa kay Edward Cullen at  Bella Swan. Gustong gusto ko kasi ang mga karakter nila sa pelikula, babaeng tanga at lalaking silver dust.

Read more…

Post Navigation