The Great Maldito

Thou shall not bitch

Brotherly

As I change my Facebook status to “In a relationship”, I also noticed that my brother’ status became “Single”. Although I am somehow relieved that he and his girlfriend broke up, there’s a part in me that became sad. Relieved because I want my brother to keep away from women especially that he is graduating, saddened because parting ways is painful. Read more…

Advertisements

Bais City

Pasensya na at medyo hindi consistent ang pag post ko ng blog ngayun. Maraming issues ang hinaharap ko na tila nag halo-halo na kasabay ng lindol sa Japan.

Dahil wala akong masayang post maliban sa umiinom na ako ngayun ng tongkat ali, na produkto ng kaibigan ko at nauubusan na ako ng likido sa katawan bawat araw, ipagpapatuloy ko nalang ang tour ko doon sa Negros Oriental. Read more…

Part of your world

This is where I belong…

 

Like those fishes, I want to be free…

I’m a wandering soul and no one can own me..

So let me go….

 

All shots taken in Fish Sanctuary, Mactan Island, Cebu.

Can’t help it

I spent my Monday afternoon in my favorite café. As I wait for my coffee to be served, a group of Korean students lined up in the counter to order. The barista took each of their orders with an extra-ordinary service, which apparently I didn’t get when I was still ordering and paying in.

I self-serviced my coffee while the barista delivered their coffees on their own table. He even offered them an upgrade. I just hate it when you are treated second class on your own native country. A sad truth about some Filipinos, having inferiority complex to foreign people and a talent to kiss ass those fair colored skins.

They went shrieking and shouting at each other, which annoyed me to the nth level prompting me to drink my coffee with clinched teeth. I didn’t go here for a Metallica concert, I came here to unwind and rest.

I don’t hate Koreans. In fact, there are few who became my friends. But there are also instances why sometimes I hate some of them. These are some of it, which I noted in my hate book.

1. I still remember one Korean classmate in my Humanity class. He called one classmate of mine a brown monkey because she’s ugly. That we are the country who catches up all “pinaglumaan” na gamit from their nation. I can still remember he referred pinaglumaan as garbage. And we are the collectors. I raised my war flag and we ended up in the dean’s office.

2. I rode a cab one time and asked him why the cab smelled like a cancer stick. I asked the driver if he smokes inside the cab, he answered me with a slight angry tone:

“No, the Koreans did”.

“And you didn’t stop them?”

“They can’t understand, as my English is limited”.

We all follow laws in other countries, why do Koreans have to make their own rules in our very OWN land?

3. A Korean and a prosti made out in a bangka one faithful night in a resort, which are both too drunk to care what they are doing. There are only two groups that night, the Koreans and us. The guard and staffs watched them with eagerness. Indeed the show is a blockbuster. My only question is, why did the management let it happened and the guard did not give them a firing shot? Bakit yung mga pinoy na gumagawa ng scandal sa public kinukulong? Bakit yung Korean pinalakpakan after ng show?

4. A friend of mine who happened to work in BIR, told me that Koreans don’t get Filipinos as their tourist guide. Isn’t it weird? Koreans as tourist guides?  In the Philippines? Does it mean they know more about our motherland than the natives? You know what’s worst? They don’t pay the goddammed taxes! Complete bullshit.

5. I worked as an English teacher before in a Korean summer camp. They did not ask for a TOR when I applied and gladly they accepted me. Here’s the bad news. The management took 20% of my salary because I did not pass one. For that simple reason? Eh hindi naman nila hinanap during application period. I learned that the parents of those students paid a hefty amount of money to send them here to study English.  And pinoy teachers/tutors only get a small amount of that money. We don’t have benefits such as allowances or even SSS.

So I shoved my resignation letter down to their ass buckets and walked away with my middle finger up in the air.

I just don’t understand it when some of us are fond of putting foreign people to pedestals giving up our own value of self-respect. Gone are the days when we are under a colony. I can’t seem to find the significance of putting the word republic in the Philippines if we are still suppressed to express ideas and emotions.

This is how I feel. This is what I think. And I will say it no matter what.

Masaya

Sa tuwing nakikita ko siya sa Facebook hindi ko maiwasan na bumalik sa unang pagkakataon na nagkita kami. Pareho kaming nasa kolehiyo noon. Nang dahil sa kaibigan ko na nagtratrabaho sa isang news paper company(na feature kasi ako dati) kaya niya nakuha ang number ko.  Basta kalandian at kapotahan talaga, palaging nangunguna ang pangalan ko sa listahan.

Buti nalang talaga at lalaki ako. Dahil kung hindi, matagal na akong laspag o di kaya nabuntis na hindi pa nakatapos ng Grade 1.

Naalala ko. Naging kami. Nangako siya na mamahalin niya ako. Na hindi niya ako iiwan at lulundag siya sa ilog pag hiniwalayan ko siya. Nag-drama ako dati na hihiwalayan ko na siya. Hindi rin pala siya lumundag.

Inalay ko sa kanya buong tiwala at puso ko. Inilatag ko lahat-lahat ng meron sakin. Pati na rin mga alagang tanim ni nanay. Hindi na ako nagtira.

Nakakatakot na masaya ang pumasok sa isang relasyon. Pero dahil sa mga pangako niya, nawala ang takot ko.

Kasama siya sa lahat ng pangarap ko. Hindi pwede na wala siya. Pag nagdradrawing ako ng dream house ko, nasa tabi siya ng bahay. Nasa ilalim ng puno. Kasama mga anak namin. May picnic basket. Pero walang laman. Ang hirap kasi gumuhit ng pagkain.

Dati yun.

Nasa desyerto siya ngayon at uuwi ngayong abril. Sa tuwing nakikita ko siya sa Facebook, naaalala ko yung unang beses na nagkita kami. Napapangiti ako. Pero nauuwi parin sa kirot.

Gusto kong suntukin ang mga camel na nasa pictures niya.

Ikakasal na siya. At hindi ako ang pinili niya para iharap sa altar. Kaya ko namang magpagupit para sabihing kagalang-galang ah?

Naaalala ko yung pangako niya. Sa bawat pangako niya ay katumbas ng kirot sa puso ko. Yung kwento namin ay parang sa pelikula lang. Pinagkaiba lang, yung amin ay walang happy ending. Nag-iiba ang tao sa pagdaan ng panahon. At hindi siya exempted.

Pasok music on cue: daldalhin kita sa aking palasyo…daldahin hangga’t langit ay manibago..ang lahat ng ito’y ipinangako mo….daldalhin lang pala ng hangin…ang tarugo ko.

Joke.

Paano nga ba makapag move on ang isang tao kung buong buhay mo ay iginuhit mo para lang sa kanya?

Mali ba ang mag tiwala? Gusto ko lang naman ay maging masaya.

 

Hala bira!

Dito ako ngayon sa Iloilo, The City of Love. Pagkatapos ng Sinulog, dito na naman ako nakipyesta. Ang saya-saya lang, ang sarap talaga malasing sa kalsada.lols.

Dinagyang means merry-making. It’s an event in Iloilo tuwing 3rd sunday of January. Pinapakita dito yung history ng Iloilo before the colonizers. The first people who settled here in the island are the Aetas daw kaya parang sayaw to ng mga eatas.

Pasensya na po, pero hindi ako yung aeta na tinutukoy ko.

Dinagyang is the Best Tourism event here in the Philippines. Sa mga taga Manila na walang time o pera to watch Dinagyang, you can also catch them during the Aliwan.

Yung mga mananayaw ay tinatawag na warriors. They have to color their skin black/brown para achieve na achieve ang pagiging aeta.

Fine. Siya na ang Machete.

Mga anak, magsasaing na tayo.

Group jump shot

 

My favorite. I like the color. Sila na yung Tribu na maraming costume.

Puwet galore!

 

Till next time! I’ll be in Boracay naman sa weekend. Parang ayoko na talagang bumalik sa trabaho. ahahahha

Diary ni Inday III: The Guada Eclipse

Ilang araw din akong hindi nakapagsulat. Hindi sa wala akong gana dear diary, ito’y dahil sa mga nangyari noong nakaraang New Year’s eve. Kasabay ng pag-welcome ng bagong taon, sinabay din ni Mam Guada ang pagbukas ng impyerno.

Umaga ng December 31 of 2010, inutusan niya akong bumili ng paputok sa Bulacan. (Read with the voice of SOCO)

Ito ay ang sumusunod:

10 pcs. Judas belt (waist 35)

10 pcs. Fountain ni satanas

25 pcs. Extra large bawang

10 pcs. Fucking smoke bombs

9 pcs. Super lolo Reloaded

10 pcs. Piccolo ng diablo

Natakot ako ng nakita ko ang listahan. Sa baba kasi may nakasulat na note na sabi ni Mam pabasa ko daw sa nagtitinda ng paputok.

“I need to have the strongest, most powerful firecrackers available. May liligpitin ako”.

Love,

This is Guada, Bitch!

Pero alam ko na hindi ako ito. Wala na kasing magpapaligo ng mga pusa niya sa washing machine pagpinatumba niya ako.

Nilibot ko ang buong Bulacan sa kakahanap ng paputok. Naiihi ako sa pantalon kong Lebi Straws sa tuwing tumitingin ang mga tindero sakin pagkatapos basahin ang sulat ni mam.Matalim kasi at masakit. Kumikirot ang bangs ko ng bahagya. Nakikita ko kasi sa mga mata nila na may gusto silang iparating. Like “tumakbo ka na” or “run for your life”, something to that effect. So tumakbo-takbo ako all over the place. Noong napagod na ako, sinigawan ko si kuya,

“Maligaya ka na?! Ampotah. Bibili lang ng paputok kailangan pang tumakbo! Punyeta!”.

Nakita ko sa mga mata ni kuya na kinakausap niya na naman ako. Sabi niya,

“Ang tanga mo! Mahirap ba talagang idigest?!”


Hindi na nakaabot si kuya sa hospital.Fininger ko ang mga mata niya. May baba nga hindi naman ginagamit. Ang arte-arte!

Gabi na ako ng makarating sa mansyon. Pero himala, hindi siya nagalit dahil late na ako dumating. Is this real? Can it be true? That I’m just a little girl lost in the moment. I’m so scared but I don’t show it. I can’t figure it out, it’s bringing me down I know I’ve got to let it go and just enjoy the show. By Lenka.

Pinakain ako ng marami. Binigyan ng bagong damit at ang stiletto, dear diary 12 inches. Pwede nang gawing panaksak. Hindi ko alam kung bakit mabait si mam ngayon. Siguro nga dahil New year. Nagbabago ng ugali. Gumaganyan na pala ang mga demonyo. But I ain’t buying it.

Parating na ang hating gabi noong inutusan niya akong dalhin ang mga binili sa kabalyerisa. FYI deary diary, yan ang bahay ng mga kabayo ni mam. Asal hayop kasi, kaya ang daming alagang animal. Ang masama pa dun, gusto niyang ipasuot sakin ang stiletto.

Nasa loob na ako ng kabalyerisa noong narinig ko biglang sumara ang pinto. Sinubukan kong tumakbo papunta sa pintuan para pigilin ang pagsara nito pero huli na ang lahat. Na sprain ang ankle ko. Nabiak ata ang anterior talofibular ligament ko sa pesteng stilleto na to.

Sumigaw ako ng saklolo. Parang ganito:

“Suck……lolow……suck! Lo…………lowwwww!!!!” Repeat till fade.

Pero walang may nakarinig. All I can hear is my unheard voice that echoes with the horses. Fck right? I don’t wanna be here. Imma kell that niggah!

Ang huling natatandaan ko ay sumabog ang mga paputok na kasama ako sa loob ng kabalyerisa. Feeling ko nga sumabog pati labi ko habang ang pamilya ni Mam Guada nagsisigawan sa labas ng “happy new year”. Potah silang lahat, deary diary. hu hu hu. Iniisa-isa kong pinulot ang kalat-kalat kong utak. Muntik na ngang mawala ang pituitary gland ko. Buti nalang nakita ko siya sa ilalim ng haystack bago ako mawalan ng malay.

Nagising ako sa hospital. Unang mukha na nakita ko ay kay Sir Armandu. Siya pala ang nagdala  at nagbantay sakin.

Binulong ko sa sarili, alam ko na kung sino ang gagantihan. Kung hindi ko magagalaw ang inahing manok, ibibigay ko lahat ng galit sa sisiw.

Itlog lang ang walang pasa nito.

If you want to read the previous entries:

Diary ni Inday I

Diary ni Inday II

Pit Senor!

Kung papipiliin ako ng buwan na gustong-gusto ko, January na siguro ang pinakabest na sagot. Bakit? January is the month for festivals sa Visayas, there’s Ati-Atihan of Kalibo, Sinulog of Cebu and the Dinagyang of Iloilo. To yung buwan na hindi mo ako makikita sa bahay dahil nasa kalye ako at naglalasing. Maliban sa napapaligiran kami ng bundok at dagat, isa sa advantage ng mga taga Visayas region ay punong puno kami ng festival. (Click pictures to enlarge)

Aktwali, sinisipon ako ngayon. Siguro alam niyo naman na Sinulog dito sa Cebu last weekend. Alas 6 palang ng umaga lasing na ako at umuulan pa. Pero walang makakapigil sa paang malandi.

Sinulog is a feast of Sto. Nino, the Patron Saint of Cebu every 2nd week of January. This will be my 4th time celebrating Sinulog and probably the last….for now. Hindi ko kinaya ang crowd at ulan. Aha ha ha..Alay lakad pa.

More..

Hindi lang naman Visayan culture ang pinakita. Meron din namang mga Ifugao. May mga artista din na dumalo.

Venus Raj

Akihiro Sato

Solenn Heussaff. Nag “hi” siya sakin, hindi ko pinansin. lol

Hindi ko kilala. Wala kasi me t.v. John hall yung lalaki tapos yung nasa likod niya is Ehra Madrigal.

Spartacus and Lady gaga.lol

Kuya Ogie Alcasid. Kuya? Close? ha ha ha. Namigay sila ng t-shirt. Noong wala akong nakuha, sumigaw ako ng “Cellphone naman! Cellphone! Cellphone!!” Dukha mode? patay gutom.  Ayun, hinagisan ako ng kendi.

Last but not the least….

Jolina Magdangal….chuva chu chu chuva chu chu. joke!

O siya last set na tayu!

Majinboo…gusto ko yung outfit. Very corporate looking.lols

I find it weird looking at pinoys wearing cosplay..hmmm?

Next weekend I’ll be in Iloilo for Dinagyang and Boracay! Hala bira!

 


PS: If you’re watching Channel V, look for me sa street party scene with VJ Alvey Pulga. andun ako! Sa background…wahaha.Bleeeeh!

Dear Boy

Naalala lang kita. Binuksan ko kasi yung friendster account ko na matagal nang inaamag at nakita yung mga dating litrato mo. Napangiti ako. Ang loser mo talaga.

Siya yang naka red na may cap. Yung parating ginagawang sample sa biology class. Lols

Read more…

In the name of the dumbells, the bench press and the holy threadmill

Kailangan ko magpapyesta. Dalawang linggo kasi akong nag-gym na walang absent. Para sa taong madaling magsawa at tamarin, isang milestone na to sa buhay na pwdeng ilagay sa Family Achievements. Dapat ilagay sa ilalim ng Family Tree.

 

Nakakatuwa na nakakabadtrip kung mag-gym paminsan minsan. Ako kasi yung tao na mas gugustuhin ang mag-isa lang sa gym. Ayoko ng maraming tao dahil hindi ko nagagawa ang mag-dumbells habang nagbabackflip ng 360 degrees o di kaya magsplit habang nagtre-threadmill. Parang may sanib lang.

 

Isa sa pinaka ayaw ko sa gym ay yung pumupunta lang para umupo at magmasid. Ginawang live television ang gym. Alam niyo naman, mahiyain akong tao at hindi ko nga nagagawa ang dapat gawin pag maraming tao, pano pa kaya yung tinititigan ka habang nagbubuhat. Kanina, ang sarap lang basagin ang mukha ng isang lalaki gamit ang 10 kilos na dumbbell na umupo sa likuran at pinanood ako habang feel na feel ko ang bawat pawis na tumutulo sa noo ko, pababa sa leeg, dumaan sa dibdib ang nag u-turn sa mga nipples ko.

 

Nakakagago lang. Ang sama kasi ng tingin. Parang hinuhubaran ka ng medyas. Ewan lang kasi nasa baba siya nakatingin. So nag assume ako naa inggit siya sa Hello Kitty socks ko.

 

Meron din namang mga tao na hindi kontento sa panonood lang. Yan ang mga taong pakialamero sa ginagawa at hindi matatahimik hanggat hindi napapawi ang kati sa kani-kanilang bunganga.

 

Gumagawa ako ng inclined press. Ang sarap-sarap magbilang. 1….2…..3…nang biglang sinabihan ako ng isang lalaki na:

 

“Lower!!”

 

Eh syempre hindi ako sanay na sinasabihan kung ano ang dapat gawin. Perfect kasi ako. Kaya binaba ko ang barbell, itinapon ko yung basang bimpo at sinagiwan siya:

 

“ Tangena pare! Ano ba ang problema mo! Potah, nanahimik ako dito! Wag na wag mo akong tuturuan ng anong dapat gawin kundi babasagin ko yang abs mo into 68 pieces! grrr”.

 

Sinabi ko talaga yan with strong emotion, like parang dudugo na ang anit ko sa galit.

 

Actually not. Hi hi hi. Hindi yan nangyari. Ang tanga-tanga ko rin naman, nilower ko naman ang pag-press kaysa umangal ako. Ang laki kaya niya. Para siyang 8 pieces ng poste ng Meralco. Muntikan na akong mamatay dahil pag-lower ko parang may nag snap na buto. Feeling ko ata spinal cord ko na yun. Potah siya. Buti nga may lahi akong salamander. Nag heal din naman ako. Char.

 

Meron din naming mga tanga paminsan-minsan. Umuupo ako sa lounge at nagbabasa ng body builder’s mag. Tinitignan ko yung mga dietary supplements at ang components nito. Wala lang, may pagka addict lang kasi ako pag minsan at gustong pag-aralan ang composition ng amino acids. Malay mo, to pa pala ang solution para makahanap ng isang tunay at wagas na pag-ibig. Basta, connect the dots niyo nalang.

 

May lumapit na mama.

 

“Umiinom ka niyan?” Sabay turo gamit ang kanyang nguso sa mga pills na nasa picture.

 

“Hindi. Bakit?”


“Wala lang. Baka kasi nakakamatay ng sperm eh”

 

Sa isip ko, mukha ba akong baog? Gago yun.

 

 

 

 

Chosilog Mornings

Hanggang ngayon, naririnig ko parin sa isang sulok ng utak ko ang katagang iniwan niya.

“I know you are a decent man, but I can’t find any dreams in you”.

Muntik ko nang isuka ang kinakain kong Chorizo, pero hindi ko ginawa kasi sayang ang effort sa pag-nguya ko nito. Mas matigas pa kasi kaysa sa tinidor.

Hindi ako umimik. Nagkunwari nalang ako na hindi ko naintidihan ang sinabi niya dahil englis.

“Look at me GM. What do you really want in your life?”


“I don’t know. Kailangan ba nating pag-usapan yan ngayong umaga? Sa harap ng almusal?”.


Nagsimula siyang maglitanya. Sa mga naabot niya sa buhay. Sakripisyo, achievements, awards, yaman at ari-arian. Tahimik pa rin ako. Unti-unti hinihimay ang bawat salitang binabato sakin.


“Kung ang pinapaabot mo na punto sa mga sinasabi mo ay gayahin ko ang buhay mo, pasensya pero wala akong balak na mangaya sa buhay ng iba”.

Tila namatay ang lahat ng ingay sa paligid at binalot kami sa isang matinding katahimikan. Binalik ang atensyon sa Chorizo. Binuhos ang lahat ng galit sa isang usapang hindi alam kung saan pupunta.

Marahil wala nga akong plano sa buhay. Isinuko ko na lahat ng pangarap ko sa buhay para lang makapag-aral ang mga kapatid at maiahon kami sa kahirapan. Wala nga akong mga bagay na katulad ng sa kanya. Pero, kontento na ako sa layo ng inabot ko sa ngayon.

“Alam mo, hindi pantay-pantay ang level ng kaligayahan at contentment ng isang tao.Marahil nga wala akong bagong kotse at condo, masaya naman ako sa kung ano ang meron ako.”

Ngumiti ako. Tinanong siya.

“Ikaw masaya ka ba?”


At binalot ulit kami ng katahimikan.

 

It isn’t what you have, or who you are, or where you are, or what you are doing that makes you happy or unhappy. It is what you think about.

– Dale Carnepie

Bakit daw sabi ni Lio

Medyo malungkot pa ako ngayon sa pagpanaw ng dot.com ko. Ako din naman ang nagdesisyon na wag nang irenew ang domain dahil gastos lang, I decided to tone down my expenses this year since magreresign na ako starting this summer para maging professional repolyo vendor.

Bumaba ang stats ko ng 75%. Malungkot, dahil wala akong way na sabihan ang iba na nag-iba na ako ng url. Kaya sa ibang bloggers diyan, paki delete na ng luma kong link, at palitan nito:

http://www.thegreatmaldito.wordpress.com

Sa mga nagsubscribe sa blog ko, sana mahanap niyo ang daan pabalik sakin. hi hi hi  Salamat.

Ito ay post tugon sa pacontest ni Lio, yung bugaw na may ari ng www.stillssdd.com. Hindi ako mahilig sumali sa mga pacontest dahil busy ako, hindi ako maswerte sa mga pacontest, at lalong lalo na busy ako. At dahil ang premyo ay libro, (Haruki Murakami) kakagatin ko ang offer. Sana lang manalo, dahil kung hindi magbibigti ako ng naka polo at pekpek shorts. Kunti nalang, makokompleto ko na ang mga libro niya.

Bakit ako nagbabasa kay lio:

1. Unang-una, mahaba ang mga post niya. But I doesnt mean it in a negative way. Mahaba nga, pero yung may sense. Iba kasi, mahaba na, sa huli ang gusto lang pala ipahiwatig ay, good morning.

2. Marami akong bagong salita na natututunan sa kanya. Mahilig kasing gumamit ng mga words galing pa sa kalaliman ng earth. Kung minsan nga, hindi ko na namamalayan na kailangan na pala akong turukan ng dugo sa sobrang internal bleeding sa kakabasa ng kanyang sulatin. Rock on men!

3.  He thinks outside of the box. Isa sa personality na gustong-gusto ko sa mga idol ko na bloggers ay yung hindi sunod-sunod sa iba. Yung unang basa mo palang ay iba siya. Yung paminsan-minsan may ATTITUDE . Kagaya ni Jepoy at ni Glentot.  hahahahaha.

PS: Glentot, gumagana na yang link.lols

4. Dahil hindi sapat ang pagiging kaibigan lang thru blog. Ilan sa inyo hindi alam, pero nagkita na kami ng gagong yan. Binigyan niya ako ng Murakami book. Bahala na ang iba sa inyo na magalit sa kanya dahil sinabi ko na ang ayaw niyang sabihin ko sa blog. Sa totoo, mabait na nilalang si Lio sa personal.  Kung pwde lang maghubad para ibigay ang sinusuot niya, ibibigay niya. Di ba bossing Gasti? Ahahahha

5. Lastly, kaunti nalang ang katulad niya na dekalidad na blogger. I keep on hoping na yung mga bagong bloggers na medyo jologs o walang kwenta ang pinagsusulat, ay magmamature into a great blogger someday. Noong una kasi, balewala din naman ako sa mundo ng blogging. Ika nga, you have to learn from the experts. Kung sino sino ang mga yun, tignan niyo nalang ang kanang bahagi ng pahina na to.

Yan, nabuo ko na. Ilang araw ko ding pinagpawisan to. ahahahah

Voce Existe En Mim

Ilang beses mo na bang nasaktan ang mga magulang mo? Malamang hindi mo alam. Kadalasan, hindi naman talaga sila nagsasalita para ipaalam sa atin.

Sometimes being alone is a gift (Take not that alone is not the same as being lonely). It’s a time to hear more of your self and weigh the things around you. It’s a precious moment to know what your heart really want.  Sa totoo lang, mas naeenjoy ko ang oras pag mag-isa lang ako. Hindi naman problema sa personality to since I get well along with other people parin when I’m out in the social.

Marami akong natutunan sa isang buong araw na paglakbay ko papuntang bundok ng Janiauy (Ha-ni-way), Iloilo. Maliban nga sa imahinasyon na kasama ko si Nene sa palayan habang tumatakbo at naghaharutan tapos gagahasain ako ni Nene sa tabing ilog habang ang kalabaw ay naliligo sa sapa, I have found peace and the wisdom to accept things as they are. Kagaya ng pagtanggap ng bundok at kagubatan sakin, walang criteria. Walang bawal pumasok.

Sobrang cliché, pero aminin niyo, may mga bagay parin sa madilim na sulok ng utak niyo na hindi niyo parin matanggap. Kagaya ng pagtanggap na hindi siya para sayo. O di kaya mas maganda siya sayo at ikaw ay isang hamak na ampalaya na binalot sa lumpia wrapper. Na hindi mo parin mapatawad ang taxi driver na umayaw sayo dahil mukha kang gangster at binanggaan ka.

Buong highschool life ko ay nauwi sa pagrerebelde sa nanay at stepfather ko. Ayoko sa bagong tatay. Gusto ko si Manny Villar. Joke. Yung sa utak ko kasi, sapat na yung  isa na nawala. Alam ko kulang na ang pamilya, at kahit sinong lalaki man ang pumuno nito, hindi ito makakapantay o mahihigitan sa kung ano ang naiwan ng yumao kong ama. Sa madaling salita, napaka sakim ko.

Hindi ko man lang naisip na may kaligayahan din ang nanay ko na dapat niyang hanapin.

Kumakain ako sa chowking ng mag-isa nung kinunan ko tong picture. Inatake ng seizure ang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad 25 and up. Yung nanay alam niyo kung ano ang ginawa? Tumayo, hinagkan ang anak habang yung luha ay nag-uunahan na lumabas sa mata niya habang ang anak ay tila nag wawaka-waka ni Shakira.

Sa totoo, na antig ako sa eksena na nakita ko. Buong pagkatao ko nalusaw. Ni hindi ako tumulong. Nandun lang ako sa lamesa, tulala, walang masabi at hindi ko namalayan na tumulo na pala luha ko. Nahalo nga ata ang luha ko sa sabaw ng beef wanton. Napaisip ako, matanda na ang nanay pero hindi parin siya napapagod sa pag-aruga ng anak niyang may deperensya. Hindi niya to kinahiya at sinama niya pang kumain sa isang mataong lugar. Ramdam ko ang pagmamahal ng nanay habang akap-akap nito ang anak, naghihintay na tumigil ang atake. Naalala ko ang sarili, yung mga panahon na binalewala ko nanay ko. Kelan ang huling yakap ko sa kanya?

Sakay naman ako ng jeep papuntang bukid kung saan tutuparin ko ang pantasya ko na maghabulan sa rice field kasama si nene, nakita ko naman tong mag-ama.

Hindi na makalakad ang batang babae. Kaya mula pagsakay hanggang bumaba sila, akay parin ng ama ang bata.  Nasabi ko sa sarili ko:

 

“Lord, pinagsisihan ko naman lahat ng ginawa ko sa buhay ko. Wag naman yung halos madurog na ang puso ko sa mga nakikita ko.”

Kita ko ang bigat ng pasanin ni Kuya. Kung napupuna niyo sa litrato, may mga sugat yung ama.  Napaluha ulit ako, hindi man lang hinintay ni Papa Jesas na magkaroon ako ng ulirat bago kunin ang tatay ko. Naiingit ako sa totoo lang, hindi ko na alam yung pakiramdam na meron kang tinatawag na tatay pag-umuuwi ka.

 

Pero sa kabila ng lahat, marami paring bagay na dapat kung pasalamatan. Buo yung katawan ko, wala akong waka-waka moments. Totoo ngang life is unfair, but it doesn’t mean we have to dwell all our lives to its unfairness.

 

On that day, I have learned to accept my mom. May pagkukulang siya, I know. Dahil hindi naman natin mapipili kung sino ang gusto nating maging ina. Wag kang ambisyoso.  Pasalamat nalang tayo na hindi tayo tinapon sa ilog paglabas natin sa sinapupunan nila.

 

Wala tayo sa lugar para magalit sa mga magulang natin. Dahil sa kabila ng maliit na kasalanan nila, wala yun sa haba ng panahon ng pag-aruga at walang sawang pagmamahal nila satin. Sila yung unan taong sumasalo satin tuwing nadadapa tayo, at kahit na hindi na tayo bata, sila parin ang huling pupuntahan pag nasasaktan na tayo.

 

Tanggap ko na ang step-father ko.

 

Update naman diyan!

Nagpapasalamat ako sa mga taong walang tigil na naghihintay kung may updates ako o wala. At salamat na din sa mga taong walang sawa na nagkamusta sakin kung buhay pa ba ako o kung OK lang ba ako pagkatapos ng awayang Sarah Geronimo and Christine Reyes. Ano ba gurls, bigyan niyo naman ako ng pahinga. Hindi naman sa lahat ng panahon kaya ko kayong pagsabayin.

I. BLOG UPDATES:

1. Kinuha ko na po lahat ng posts na may picture ko. Kung bakit? Tanong niyo kay Gillboard. Siya kasi ang sikat. Lols.

2. Malapit na pong mag expire ang domain ko. Wala pa akong planong i renew to, kasi naman ang mahal ng $12.00. Malamang, magtatago na naman ako sa bagong name. Kaya kung sino ang may pera diyan, magpapaalila ako 24 hrs para lang magparenew ng domain. Pwde po ako sa role playing. Ako ang amo, ikaw ang sampid. Wahahahahhaa…

Mapunta tayo sa Formspring101.

1.taga-san ka buh?

Ans: Eh bakit BUH? Pakialam mo Buh? Attitide si kuya Dibuh?

Sa totoo, taga Muntinlupa  ako.Inside Bilibid Prison.

PS: You know where I am if you’re a follower.

2. belaysing! sikat blog mo ba..nakibot man ako..mahahay!

Translation: WTF! Your blog is famous…Im shock…meheyhey!

Why are you suck? I mean shocked? Do you know me? Like you never expected the silent guy who sits at the rear end station is a blogger?  ……….and famous?

Echus lang. Potangena, kinabahan ako. You all know that  I’m an Ilonggo. Knowing some Ilonggos reading my blog already makes my betlog loosen up.  Shit. Please tell me you dont know me.

3.nice blog.. stress reliver, kaso na stress din aq kpag walang entry hehe…

Araguy! Nagmamadali? Pressure? Eh kayo kaya magblog habang girlfriend mo si Maja Salvador!  Hahahahaha..joke lang.

Salamat naman at stress reliever niyo ako..kaya nga baka next year magiging masahista na ako. Total, magaling naman talaga ako magtanggal ng stress. Hikhikhik.

4. naisip mo din bang mamamatay kang isang virgin?

Paano ko naman iisipin yan eh hindi naman ako virgin? Lols. Pero di nga virgin ka pa? Mag ayos ka! Malapit na ang 2012. Iluluwa ka ng lupa pagnalamang virgin ka.

Seriously, kung bata kapa, wag magpapressure sa society kung virgin kaman o hindi. Hintayin mo ang tamang panahon na araruhin ang perlas mo o kung lalaki ka ay yung oras na pasabugin mo ang punla.

Pero kung 25 and up ka na, potangena. Mag hire  ka na ng pokpok.  He he he.

5. boss me tinda kang chicks? yung sariwa ah?

Tsong naman, pwde naman tirahin ang inahing manok, bakit ang sisiw pa? Tol please, maawa ka naman sa  sisiw. Beastiality? To naman. May pinagdadaanan ka?

6. Hehe…Wala kc kong matanong kaya pinuri na lang kita…Sarap kc basahin ng blog mo…Astig ka! Idol!

Wala na akong masabi kundi salamat. I love you too.


Pack your bags and lets run away

Minsan darating ka sa panahon na magsasawa ka sa buhay mo sa ciudad. Maghahanap ka ng simpleng pamumuhay. Yung malayo sa mga gusali, sa usok ng mga sasakyan, sa ingay ng bunganga ng landlady o di kaya sa mga potangenang trying hard na nagvivideoke sa tapat ng bahay.

Isang buwan na akong hindi nakakatanggap ng sweldo. Pati yung 13nth month ko hindi ko pa nahahawakan. Punong-puno na ako sa trabaho at responsibilidad sa pamilya. Meron pa kaming tampuhan ni Maja Salvador, kasi ayoko pa munang sagutin siya. Alam ko naman na katawan ko lang ang habol niya. Sa mga panahong kagaya nito, kahit sarili mong kwarto hindi makakabigay ng hinahanap mo na comfort.

Hindi na rin gumagana ang typical na gawain ko. Ang pangit ng manonood ka ng porn dahil malungkot ka at magjajackenpoy. Imagine, malapit ka nang labasan tapos marerealize mo na malungkot ka pala habang may isang luha na lalabas sa left eye mo. Potah, hindi mo talaga alam kung ano ang uunahin. Ang labasan o ipagpatuloy ang pagluha.

Dalawang lugar lang ang pinupuntahan ko pag gusto kong tumakbo palayo sa mundo. Ang bundok o di kaya ang dagat. At this time, pinili ko ang bundok.

Parang painting lang no? Dito ako nag-overnight. Kasama ang backpack ko at ang isang bote ng heneroso. Pagkakita ko ng lugar, feeling ko ako si Enchong Dee na hinahabol ni Nene. Tapos magyayakapan kami habang nagroroll pababa ng hill na nagagugums -to-gums. Pangarap ko talaga ang magahasa sa bukid habang pinapanood ng mga kalabaw. Hardcore lang kasi ang putik at ang palayan.

Masarap ang magising na ganito ang makikita mo. Walang landlady na sisigawan ka na magbayad na ng upa. Ang lupain na yan ay pag-aari ng bestfriend ko. Tangena siya. Siya na ang land reformer. Habang ako nagpapakahirap sa corporate world, dito lang siya nakatambay at naghihintay ng ani. Pero salamat sa kanya, may tatakbuhan ako pag ayoko na sa mundo. Sayang lang, hindi wifi hotspot ang lugar. Lols.

 

Kaya sa katukayo ko na si Glentot at kay Momel, sana makapagrecharge na kayo at makahanap ng sarili niyong kaligayahan.  Nakapag recharge na ako, and i think I’m back in the game.

 

I miss you bitch. 😦

CHKSLG

Ito po ay unpaid post. charing.

Kilala ko na si Xg bago pa mabuo ang mga dinosaurs. Reader ako dati, ngayun magkaibigan na kami. Di ba? Ang panahon nga no. Hindi masama ang mangarap. Kaya kung may mga artista kayo o may mga iniidolo, magpapansin kayo ng bonggang bongga. Ha ha ha.

Malapit na naman ang Philippine Blog Awards. Ngayong taon, hindi na ako sumali. Wala naman kasing bumoto sakin dati. Mga ampotah. Gusto kong itapon lahat ng kaibigan ko dito sa dagat para lumutang kung sino ang plastic. joke lang.hahaha

Gusto kong inominate ang soulmate ko na si chiksilog kahit na hindi niya ako sinipot sa ortigas noong october dahil mayaman na daw siya at hindi niya na gusto ang makitambay kasama ang mga hampas lupa.  OK lang. Pagmahal mo ang isang tao, titiisin mo ang mag intay.

Naluha na ba kayo? ha ha ha.

Binoto ko siya dahil sa isang rason. Dahil nag-iisa lang siya. Walang ibang babaeng bloggers ang makakapalit sa puso ko.

Soulmate, pag nanalo ka, pwde paloadan mo ko? Pa-unli ko lang.

Salamat.

Ang Diary ni Inday: The Meet Ups

Dear Diary,

Pagkatapos ng pagkatagal-tagal na paglalayag ng barkong sinakyan ko, sa wakas naka apak na din ang mga paa ko sa lupa ng maynela. Delayed ang arrival namin kasi ang sakay kong barko ay nawala sa gitna ng karagatan. Tatanga-tanga kasi yung kapitan, kung saan-saan lumiliko. Sinabi ngang no u-turn. Sigaw ng sigaw nga ako sa kanila na ibaba nalang ako kasi sayang naman ang pamasahe ko.  Muntikan na akong itulak ng isang crew sa dagat. Sabi ko “kuya, joke lang yun! To naman.” Nag-iinarte lang para pagdating ko sa maynela sanay na ako.

Anyway peynis, to na nga ako.  Todo ngiti ako sa lahat ng tao, kasi sabi ng nanay ko dapat mabait daw ako sa lahat ng tao at baka ano pa mangyari sakin.  Habang palabas na ako sa terminal, may isang lalaki na nagpakilala sakin. Porter daw siya dear diary. Nagulat ako.

“Harry Porter? Homaygawd! Really?Lengardium Labia Majora!” Sigaw ko habang I make motions of my daliri like I have a wand.

Hindi siya tumawa. Am I horny ?

“Ako na magdadala ng bagahe mo. Mauna ka na. Sunod ako sayo.” Sabi ng porter. Sila pala yung nagdadala ng bagahe mo dear diary papunta sa sasakyan mo. Ang bait talaga ng mga tao dito.

Pero…

Kakambal ko na siguro ang malas mahal kong diary. Nakasakay na ako sa bus pero wala pa yung porter na sabing susunod sakin. Parang nasilisihan ako.  Lumakad na ang sinakyan ko wala pa rin.

Inisip ko nalang na na misplaced ko ang mga yun para hindi mabigat sa didib dear diary. Afterall, im still happy. Hu hu hu hu….

Napaluha ako. Nandun sa bag ang manok na hindi ko alam kung buhay pa at studio picture ng dodong ko. Buti nalang at naka engraved sa mani ko ang address ng amo ko dahil kung hindi, wala talaga akong alam pano pupunta sa bahay ng bagong amo ko.

Hindi talaga sa lahat ng panahon  safe ang mundo na ginagawalawan natin. Ang buhay na meron ako sa probinsiya ay ang ibang-iba sa buhay dito sa manela. Patibayan pala ang sikmura dito. Dahil kung pipiliin mong sumuko, hindi ka talaga makakalabas ng buhay dito sa matalim na mata ng maynela. Echus lang dear diary.

Nakarating ako sa bahay ni Mam Guada. Balita ko siya daw ang may ari ng impyerno. Wala pa daw maid na tumagal sa pangil ng babae na to, dear diary. Kaya hinanda ko na ang bawang, onion, kamatis, vetsin at asin at parang mapapasubok ako sa pinasukan ko. Pekpek lang ni mam guada ang walang ganti.

Pero……………….my panty tilt a few degrees noong makita ko ang anak ni Mam Guada…..si Sir Armandoo. Buti nalang may belt ang so-en ko. Adams apple palang niya, one whole meal na. How much more kung walang shirt si sir Armandoo, ampotah dear diary, kalimutan na ang lahat. Fiesta na to!

Parang magugustuhan ko ang bahay na to……Goodluck nalang kay dodong.

Ang kakaibang hayop,

Inday

Fan Mails

Busy ako ngayon, kaya wala pang matinong post. Isa pa, draft palang ang next chapter ng diary ni Inday, so I might post it when I arrive in Iloilo.

When I started blogging, I wasn’t expecting to receive letters from readers, especially sa mga lurkers lang. Yung kuntento lang sa pagbabasa na hindi nag iiwan ng comment. But what’s nice about them is that they send their gratitudes sa private email mo. And I love reading them from time to time.

From Caren via FB:

hello poh!!!i just wanna say thank you!!actually i’m fond of reading you’re blogz!!!like actually madami aqng pinag-dadaanan..but through ur works nakakalimutan q lahat yun!!!more power to you!!!kaya lang..there’s one thing i hate about guys like you!!masyado kayo isnabero!!but anyways ok lang i understand!!bye

Dear Caren,

Thank you for reading my blog. Somehow, I’m glad to know that one way or another, the stories that I’m writing affects your life. Naluha ako ng monggo seeds habang binabasa ang sulat mo.  You know what makes bloggers like us happy even na hindi kami binabayaran dito? Its the thought that many people are happy by just reading our articles. Ika nga, kunti lang ang time natin lahat dito sa mundo, kaya share happiness. Open coke!

PS:Hindi kami isnabero. If we didnt reply sa comments, that means busy lang or di kaya wala lang talaga kaming ma ireply kasi naman ang ibang comments parang bobo lang. Joke. ahahhaha. Basta masaya kami sa mga comments, one thing for sure we read them.

From Maria via FB:

im a fan of yours i always read your blogs…
hope accept mo ung friend request ko…
thanks.

Dear Maria,

I always love the name Maria. When I read or hear a name like yours, I always perceive that girl as dalisay, mahinhin, pure, clean and dalagang Pilipina. Mga ganun. Arte lang. Karamihan ng mga Maria ngayon palaban na. Kever kung gums to gums ang labanan sa bar. ahahahhaa. Thanks!

 

From Dino via FB:

I love your blogspot, enjoy akong basahin. Thanks sa add if you will allow it.

 

Dear Dino,

Hindi kita inaprove. Sorry.  Hindi ako blogspot. WordPress ako. Matatanggap ko pa sana kung sinabi mo nalang na , i love your dot.com.

Attitude si kuya? may mens? ha ha ha…joke lang.

 

Next time na yung mga sagot sa formspring. I need to pack my things cos im going away.

If you have questions, go shoot it here: malditobitch

Ang Diary ni Inday

Author’s note:

Checking on my blog stats, na notice ko na may ilang readers na galing sa endaymo.blogspot.com and a few searches of “inday”. Naalala ko bigla na dati akong katulong. Joke.  The blog is dormant, but I knew that she voted me few years back for the Philippine top humor blogs ni Badoodles. Naalala ko rin na braso sa braso ang labanan namin ng Blog ni Inday (iba to, which is still active anyway). At higit sa lahat, naalala ko na gumawa pala ako ng series of fiction stories about Inday, entitled “Ang Diary ni Inday”. Due to unforeseen events that led some readers to know my identity, I put all the previous post to private.

I love making short stories. Kaya ito na naman, I will bring Inday back to life again. This time I promise, I will make it as a trilogy. Lols.

***********************************************************************************************************

Dear Diary,

Malungkot ang sky sa araw na ito. Tila nagdadalamhati sa pag-alis ko dito sa barrio Makipot papuntang Manila para magtrabaho. Ngayon din ang araw ng libing ng Tiyo Kardo ko. Gusto ko sanang ihatid siya sa huling hantungan niya, pero conflict sa flight ng barko. Kaya nagdesisyon nalang ang buong angkan at barrio na ihatid muna ako kasama ang malamig na kabaong ng tiyo sa daungan bago ideretso sa nitso. Ang saya-saya  dear diary. Lahat ng pasahero sa port nagtitinginan samin. Nakakahiya naman sa terminal fee.

Let me allow myself to introduce me to you dear diary. My name is Sheena. Ganda di ba? Kung tatanungin mo naman ang kompletong pangalan ko(sige na, tanong mo na. Potah kinakausap ko na sarili ko). My name is Sheena B. Potik. Nahihiya akong sabihin sayo ang middle name ko. Magmula kasi noong kinder ako naging laughing fuck, I mean laughing stock na ako sa skul.

Sa totoo, my name is Sheena Bogsa Potik. Katunog ng sinabog sa putik pero hindi naman siguro sinadya ng parents ko na maging katunog niyan ang name ko di ba? Sa pagkakaalam ko mahal ako ng parents ko kahit na minsan niligaw nila ako sa forest na parang pusa. Sabi ng tatay ko maglalaro lang kami ng tagu-taguan sa Mt. Apo pero buong araw na akong naghanap hindi ko siya mahagilap. I came back home pagkatapos ang 7 taon tapos ako pa nga ang nag-sorry sa kanila. Pinatawad naman nila ako fortunately.

So just call me Sheena.

Umiyak ang kalangitan habang papalayo ang barko. Unti-unting lumiliit ang pantalan habang kumakaway ang family ko. Sa sobrang kaway nila, nahulog ang kabaong ni Tiyo Kardo sa tubig. Nataranta ang lahat. Nagsigawan. Kawawa naman ang patay.

Kagaya na ako ni Tiyo Kardo. Patay pero yung memories niya ay mananatili sa bawat taong nagmamahal sa kanya. Kalahati ng katawan ko ay mananatili sa barrio makipot habang ang kalahati ay mawawala sa usok ng maynila. Malungkot, parang pumanaw lang ako. Littlerally.

Baon ko ang ala-ala ni Dodong na naiwan sa barrio. Kailangan kong gawin ito kahit labag sa kalooban ko. Mabubuhay parin sa ala-ala ko ang mga tamis at hapdi na dinanas ko sa ilalim ng mangga kasama si Dodong. Yung hagikhik, yung mumunting kagat dito, kagat dun. Malandi pa talaga ako sa pinakamalanding higad na nakatira dun sa punong mangga. Pakiramdam ko, I am with myself  when I’m with dodong. One time, sinabi ko sa kanya niyan. Sinapak ako kasi akala niya iniisulto ko daw siya. Bobo talaga tong si dodong sa english. Pero OK lang, sabi ko sa kanya I can be hurted anytime, anywhere.

Kailangan ko nang tapusin muna to dear diary. Nakalabas kasi ang manok na pangtinola sa bayong na padala ni tatay. Hindi rin pala pwdeng maglaba dito sa superferry.

Xoxo,

Inday.

The Lily Allen in us

Lahat tayo ay may mga bagay na kinatatakutan. Bagay na gusto man natin minsan ibahagi sa iba, hindi natin magagawa. Just a mere thought of it brings back the terror of the past. So we chose to be silent.

Charing. Napa-english ng kunti.

It was a fine summer of March 1994. Kasama ko sa dalampasigan ang negra kong pinsan habang dala-dala niya yung pakwan. Para na siyang chocolate crinkles sa sobrang bilad sa araw.  Family day parati ang lingo naming noong unang panahon, noong hindi pa naubos sa kakamatay  yung mga mayayaman naming kapamilya. Unfortunately, hindi ako kasama sa last will and testament.

Mahal ko ang dagat. Yung alon para lang koneksyon ng kaluluwa ko at yung buhangin ay isang parte ng katawang lupa ko. Yes, ganyan lang kasimple kung mag inarte.

Umupo kami ng pinsan kong chocolate crinkles sa dalampasigan habang panay ang kagat niya sa pakwan na halos balat nalang ang natira. 8 years old palang ako noon. Maamo, mabait, simple, malinis ang puso, birhen at walang bahid ng kasamaan. Totoy na totoy at kahit anong oras pwedeng molestyahin ng mga dayuhan. Potah, ang pokpok ng dating.

“Tara ligo tayo” sabi ng Gigi (si chocolate crinkles) habang hinihila ako para maligo.

Malakas ang alon noon pero wala namang bagyo. Naeenjoy ko ang dagat hanggat alam ko na ang paa ko ay nakaapak parin sa buhangin. Ayoko ng bato, ayoko ng sea weeds, ayoko ng putik. – Maricel Soriano.

“Insan, ang lalim na nito. Balik na tayo please” ang sabi ko habang naiihi na ako sa pekpek shorts ko. Hindi naman halata sa tubig na umihi ako.Yung potangenang crinkles, nag eenjoy habang nakikita akong nahihirapan sa paglangoy aso.

Nagsimula akong mataranta. Nakainum ako ng ke rami-raming tubig. In a split second (weh?) dumilim yung paningin ko. Yung  huling naramdaman ko ay hinihila ako papuntang dalampasigan ng isang lalaki. Akala ko napuno na ng tubig alat yung lungs ko.

Buhay pa ako. In fairness, may dugong tilapia ata.

Simula noon, hindi na ako sumasama sa pinsan kong chocolate crinkles tuwing family outing. Masaya na akong nasa dalampasigan lang na nagbibilang ng buhangin at gumagawa ng sand castle sa tugtug ng kastilyong buhangin ni Tito Basil Valdez.

Sobrang takot na ako ngayon sa dagat lalong lalo na sa parte na saan alam kong sobrang lalim na. Yung hindi mo na makikita kung ano ang nasa ilalim. Minsan, nasabi ko sa sarili ko na kung meron mang rason na mamatay ako, siguro yung dahilan na yun ay tubig. Naging masaya naman ako kahit na hindi ko kayang pumalayo sa dalampasigan.

Sabi nila, ang tanging bagay na dapat nating katakotan is the fear itself. Kahit saan naman ay may mga bagay tayung dapat katakotan. It is always there, though may differ in shapes, form or time. Hindi naman mahirap tumalikod at kalimutan kung ano man ang kinatatakutan natin sa buhay. Kaso, sa sobrang iwas natin marami tayong bagay na nakakaligtaan at nakakalimutan. Mga bagay na hindi natin namamalayan na dumaan na pala sa harapan. Sa sobrang iwas ko sa takot ko, unti-unti kong binaon sa limot ang pinsan ko na pinaglihi sa uling. And shes the only big sister I have when I was still a kid. And i chose to ignore and forget her.

I guess, its time to face my gruesome fear.

But with life jacket of course.

Ikaw ano ang kinatatakutan mo?

PS: Lily Allen was the one who sang “The Fear” which is supposed to be the blog title. Mapauso lang.

How I met Brian

May mga taong kahit na wala namang gaanong ginagawang masama sa atin ay pinag-iinitan natin ng ulo. Kahit simpleng anino lang ang makita mo, tipong sasaksakin mo siya ng cotton buds hanggang dumanak ang tutuli sa tinubuang lupa.

Covering the 6 inch pout. Para lang platypus na nag head gear. Joke~!

Kagaya ni bryan. Classmate ko noong highschool. Pangalan palang, napapaluha na ako ng mainit na tear drops. Ganyan ka grabe. Ganyan ang pakiramdam ko noong una ko siyang nakita. Umiitim yung budhi ko pag nasa background siya.

Maliban sa pouty lips niya na about 6 inches, yung hindi ko gusto sa kanya ay yung nagmamarunong sa lahat ng subjects. Kakompetensiya ko siya sa top 5 sa classroom. Eh di ba, ang hirap na nga makapasok sa top 5 tapos eepal pa siya? Maglaslas nalang kaya siya? Wala siyang karapatan magkaroon ng edukasyon. Joke.

Saan talaga nagsimula ang hidwaan naming dalawa?

Minsan, nagbait-baitan ako. Exam namin. Eh di ba matalino ako?  Echus. Umupo sakin si Duffy Duck (oo, tawag ko sa kanya). Syempre, matalino ako. Kailangan ulitin ng dalawang beses. Sa madaling salita, umupo siya malapit sakin para mangopya. Minsan, nagtatanga-tangahan din ang mga matatalino para maranasan kung ano ang feeling ng mga bobo.

Pinakopya ko. Ang pait pala ng lasa pag bobo ka.

Noong nag exam kami ulit, may isang equation na nakalimutan ko sa algebra. Ang potah! Ayaw mag share ng sagot. Tinakpan talaga ang papel gamit ang kanyang nguso.  What the pack di ba? Nguso palang niya pampabakod na.  This is not fair.  Inabuso ang overall well being ko. Kaya nagtanim ako ng galit. Nguso niya ang nilagay ko sa pag plot ng graph.

Potah siya ng apat na beses. Attitude?! Artista ka kuya? gago.

Simula noong araw na yun, uminit  ang kompetensiya sa apat na sulok ng classroom namin. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kasi sinira niya ang tiwala ko. (san banda?lols). Ayoko lang na niloloko ako. Kasi kung para lang sa kanya, kaya kong buksan ang impyerno.

Walang araw na hindi ko siya inaaway.  Siguro kung may diary man yun, alam ko ako ang unang tao sa listahan niya na nagpahirap ng high school life niya. Actually may attitude talaga ang gago na yun. Kaya kung magalit man si Papa Jesas sa ginagawa ko, eh di dapat niya din pagalitan si Duffy duck? Minsan naaawa naman ako ng kunti, mga 10%, pero nawawala talaga ang awa ko kapag siya na ang sumasagot.

Kasi ba naman, confidence ang potah kahit na mali ang sagot. Tanungin ba naman ano ang primary product ng northern region, sagot ba naman marijuana.  Pasok ko kaya siya sa bote gawing fetus ng bumalik ang utak niya dito sa planetang earth? Kahit kailan hindi ako hihingi ng tawad ng pangbwebwesit ko sa buhay niya.  Nag eenjoy kasi ako. Wahahahaha. (Tawa ni romy diaz).

Nitong nakaraang araw, nakita niya ako sa facebook. Ininvite pero hanggang ngayon hindi ko inaaprove.  Kever. Papresyo much? Na shock lang ako na sumasakay na pala siya sa barko. And so I say, hindi ba delikado ang ship nila eh hindi nga marunong mag graph ng nguso niyan sa algebra? Joke lang. I’m happy for him. Yaya kutsilyo nga!

Kung magkita man kami sa reunion, sisiguraduhin kong naka move on na ako at wala na totally ang galit ko.

Patalbugan ng gas mask. Ako with my ever sweet eyes. Pag-aalsa ng sariling sofa ang tawag dito.

 

Ok fine. Dahil xmas na, papatawarin ko na siya.

.

.

.

.

.

.

.

.

YAYA!!Ang potangenang kutsilyo san na baaaaaaa!!

 

 

 

Moral of the story: Keep bitching losers. Malay niyo, magiging seaman sila sa huli. Ikaw pa ang rason bakit nagtagumpay sila sa buhay.

 

 

Weekender

Minsan,noong isang malamig na winter (oo, may winter sa cebu) at lulong sa rugby, napagtripan namin ni big sis Reesie na gumawa ng formspring account. Sabi niya kasi once meron ka nang account, babago daw ang tingin mo sa sarili at magkakaroon ka ng direksyon sa buhay.

Kaya kung napupuna niyo sa kanan niyo, merong formspring badge na pwde niyong i click tapos pwde na kayong mag order ng karne.

Nagdaan pa ang mga araw, at ang landas ko’y naligaw. Lols. Nakalimutan ko palang meron pa akong account diyan kaya hindi ko napuna na meron akong 600 questions. Char lang. 6 questions lang. Kaya here we go, here are the answers bitches.

1.  Husay mo tsong!!

– I know right? Joke. ha ha ha..kapal lang. Pero teka, question ba to? Or baka hindi lang gumana ang question mark mo sa keyboard kaya exclamation ang nilagay mo? Tinatanong mo ba ako kung mahusay ako? Syempre, nagdududa ka ba?  Kapal again. Suklayin mo nga yung pubic bangs ko.

Hindi ako mahusay. Nagkataon lang na minahal ko ang pagsusulat kagaya ng pagmamahal ko sa isang tao. You know, there’s a saying that you should love your craft. Kaya, I love you na pare. Walang malisya. jerjer lang to.

2. Would you rather own a luxury yacht or a private jet?

– Mahilig ako sa dagat. Sa tubig. Lalong lalo na sa tubig galing motel dahil amoy bioderm/safeguard. Isa lang ang kinatatakutan ko. Yung umabot ako sa parte ng dagat na blackish na ang tubig. Yung wala ka nang makita sa ilalim dahil hindi na abot ng sinag ng araw ang bottom nito. Feeling ko kasi merong something/someone underneath it na kapag tumingin ka hihilahin yung tinggil mo pababa tapos dadalhin ka sa kanilang kaharian at gagawin kang clamshell?  Scary.

So sa private jet nalang ako.

3. What music are you listening to today?

– Magiging song book ang blog ko na to kung ililista ko lahat ng music na pinakikingan ko ngayon. Pero mahilig ako sa music na puro hingal, moan at whispers. Clue: britney spears. Ha ha ha.. Im a slave for you….ah ah ah ah!

4. How would you describe your style?

– Ang style ko is more on aggressive type.  Yung tipong  nag frefrench kiss kami sa likod ng pintuan, tapos pupunitin ang lahat ng nakatakip sa katawan. Dapat meron kunting biting sa lips. Tapos tulak tulak. Bahala na masakit sa likod ang doorknob. Todo lamasan na parang naghuhulma lang ng semento. Gusto ko yung kunting moan lang. Yung slight lang at hindi yung type na magigising ang mga aso. Gusto ko yung hinihila ang buhok ko, kinakalmot ang likod, at kinakagat ang nipples. Too much information na ba?

Teka lang? Style ba to sa writing? Shit. I’m so sorry readers. Na carried away ako. Hu hu hu. Isipin niyo nalang hindi ako nag answer nito.

5.Who’s the funniest person you know?

– Isang tao lang ba to? Marami kasi akong nakilala na sobrang funny eh. Ito nalang. Lilista ko.

1. Gasti

2. Jepoy

3. Kuya Chingoy

4. Ate chona

5. Maldito (sinama talaga. Blog ko to amputcha). O sige si Lio nalang. ahahhaa

Yung mga hindi ko nailista, tignan niyo nalang ang blogroll ko. Yung parade of clowns.

6. If you had to perform at the circus, what trick would you do?

– Trick? Yung kuwari rarapin ako tapos magrerevenge ako. Rape din.

Salamat natapos na rin. Go shoot it! Wala talagang kwenta ang formspring ko. Kaya dont mind it. Next month ko na ulit bubuksan yan.ahaha

Little Monsters

Bwesit na ulan, napapawet ako at napapa-emo. Sa mga panahong ito, malamig at medyo mamasa-masa, gusto ko nalang tumambay sa kwarto ko sa Iloilo habang kayakap ko ang mga little rascals ko.

Meet Drowi and Gencyl. My two little monsters.

Sa mga panahong malungkot ako, sila parati ang iniisip ko para mawala ang pagka homesick. At kung tatanungin niyo kung san nagmana ang mga niyan…ehem….ehem…..ehem…

Maraming bloopers ang mga litte monsters ko na yan. Minsan ako nalang ang nahihiya sa ibang tao kasi daig pa ako kung magsupalpal. Kung hindi lang talaga sila bata, matagal ko na silang nilagay sa sako at iniwan sa isang bakanteng subdivision.

Isinama ko minsan si Drowi sa isang party ng kaibigan ko na nagkataon merong alagang parrot. Inabot ko ang buong mais sa kanya sabay sabi:

“Drowi, pakainin mo ang parrot”.

Iniwan ko lang sandali, nakita ko ang parrot na nakahandusay sa sahig.

“Drowi, anong ginawa mo!”.

“Ayaw kumain e. Tigas ng ulo kaya pinalo ko”.

Imbes na magalit ako, natawa ako. Gusto ko siyang kurutin sa singit ng very soft.

“Sige. Pag ikaw ayaw kumain, hahampasin din kita ng mais”.

Kawawa ang parrot. Parang na amnesia at nakalimutang parrot siya.

Feeling niya kasi ngayo isa na siyang Peacock.

Si Gencyl naman, sinama ko noong bumili ako ng cake para sa graduation party ng sister ko. Habang nilalagyan ng pangalan ang cake, that spells as “Congratulations yana”,  biglang nagtanong:

“Daddy, ano ang ginagawa sa cake?”.

“Nilalagyan ng pangalan ng tita yana mo”.

” Bakit nilalagyan? Para ba hindi mawala?”.

Ha ha ha… Baka akala niya para lang notebook ang cake.

Next month, I’ll see my little monsters again. Im sure, meron na naman akong kwentong baon para sa inyo. I just cant wait.

Ganador

Buong linggo na akong walang gana. Parang naubos na ata enerhiya ko sa kaka-partey noong nagpyesta ang mga patay at bumalik na sa null ang bibo level ko. Yung pakiramdam ko may gusto akong hanapin pero hindi ko alam kung ano, sino o pano.

Tinignan ko brief ko kanina at baka may bahid na ng dugo ito. Nagbabaka sakaling pinagtripan na naman ako ng Diyos at binigyan ako ng regla. Normal naman. Mabuti na yung skidmark ang makita keysa sa bahid ng regla. Matrutrauma ako ng major major way.

Kaninang umaga nadatnan ko ulit si caroline na naglalaba. Pero ngunit datapwat however, imbes na ilabas ko ulit ang mga malilinis na pinggan, kutsara, tinidor, kaserola at electric fan para hugasan, dumiretso ako sa kuwarto. Nagkulong ako, humiga sa kama, hinagkan ang unan at lumuha ng isang beses. Joke lang. Nagsalsal talaga ako sa totoo lang. Joke ulit.

Ano nga ba ang nangyayari sakin?

Pumunta ako ng pantry para kumain sana. Pagpasok ko, tinignan ko lang ang mga malalamig na ulam. Masarap naman siguro. Pero wala din akong ganang kumain. Tinignan ko nalang ang adobo, nginitian, tumalikod at lumabas. Ganyan ako, imbes na tao ang ngingitian, ulam ang nginingitian. Atleast, hindi sila magsisigawan na manyak! Manyak! Pag nagsmile ako.

Nakakabadtrip din ang mga bagong tindera.

Ako: Miss, one rice please.

Tindera: Isang rice sir?

Ako: Hindi. Isang butil lang ng kanin.

Potah lang.

Nextweek, training ako buong linggo. Bagsak kasi ang metrics ko. Nagtatanong nga yung supervisor ko kung ano ang problema sakin. First time ko kasi bumagsak sa mahigit isang taon simula ng mapunta ako sa bagong account. Hindi naman pwedeng sabihin na nawawalan na ako ng ganang magtrabaho, at baka sampalin ako ng stapler. Pero yun nga ang rason kung bakit hindi na ako top performer. Chos!

Nag apat na taon na tong domain ko. Hindi ako nagpost tungkol dito kasi naman wala namang taong bibigyan ng importansya ang isusulat ko. Eh ano ngayon kung blogsarry?  Buti pa nga ang spams, nagcoccoment. Kasabay ng blogsarry ang pag-eexpire ng domain ko. Wala na akong pambayad para dito kasi kahit kaluluwa ko’y nakasanla na sama mo na rin ang 1/4 part ng nipples ko.

Kaya kung bigla nalang natigil ako sa pagsusulat, wala ng updates at bumalik na ang link sa wordpress.com,  isipin niyo nalang,

Wala siyang gana.

Ang Scarf

Last Sunday, I decided to join two of my friends from Manila in a Halloween party. I did not go home in Iloilo since I was so poor na because of the previous laktwasa in Manila. So conio right? I was so fcking drunk I swear! I wanna wear my puke as a costume that time. Luckily I did not pass out.Yeah, coz heaven knows where my liver is.

I saw a half-naked fat guy wearing just a leather pants and a leather cap.  He looks like in a porn movie, or i must say horror porn movie . Yung sa porn na parang naka bondage sila?  He was all arround the bar as if he was a god, minus the leather thingy. So mahangin amputcha.

My friends dared me to do something crazy that night. The prize? All out beer and free sleep sa hotel. Ok sige, lahat ng libre papatusin ko. You know drunk people will do anything, and regret it the next morning.

Lumakad ako papalapit sa half-naked fat guy.

“hi! I like your costume!” sabi ko.

“thanks!” ang reply niya.

“I like your scarf too!” dagdag ko pa.

Kinapa niya ang leeg niya. Tinignan ako ng may tanong sa mukha.

“Wala naman akong scarf ah”.

“Opps..sorry, akala ko scarf. Fats pala”.

Potah,promise, hindi na ko nagpaorder ng beer. Nagmakaawa nalang akong umuwi agad. Yeah right…im scared. ha ha ha

But that was fun though! yeaaahh….!!best Halloween party ever!

PS: No offense meant sa iba ha. Katuwaan lang ng barkada. And besides, he is so mahangin at mayabang. Buti nalang hindi ako sinuntok. Ang LAKI ko pa naman. ahahahhaa

Post Navigation