The Great Maldito

Thou shall not bitch

Life on transit

May bagong salta sa second floor. Taga probinsya din. Siguro mag-asawa, pero wala akong may nakitang sing-sing sa mga daliri nila. Malamang nagbabahay-bahayan lang. Mga bata pa. Pero mas bata ako.

Hinatid sila ng nanay ng babae noong unang dating nila. At tulad ng magic balls pag nababasa, dumami sila. Anim sila sa isang kwarto na good for two.  Isa na dun ang kasambahay nila na nagmamaganda at isang maliit na bata na hindi ko alam kung anak nila. May hinala ako na yung kasambahay nila ay dun na natutulog sa kisame at yung bata sa aparador. Ang lakas makadala ng katulong pero hindi makahanap ng tamang bahay.

Inaamin ko, mapili ako sa mga tao. Kadasalan, pag sa unang tingin ko ay hindi ko siya gusto, magkakabuhok nalang si Boy Abunda, eh wala talagang imikan na mangyayari. Isama mo na rin ang pagtaas ni Mahal.

Hindi ko gusto si Enday. Sa tuwing lalabas ako ng kwarto at nakakasalubong siya, naaagnas ang mga nipples ko sa takot. Ang talas ng tingin, sa sobrang talas kahit gaano pa kakapal ang foundation mo, makikita parin niya ang mga blackheads. Hindi ko pa nasubukan kung may night vision din siya, pag nagkataon pwede na siguro siyang i-upgrade para gawing flashlight.

Kunti lang ang mga pagkakataon na nakikita ko siya sa bahay. Iisa lang ang lugar na pinaghuhugasan namin ng mga pinggan, kaya kadalasan dun ko siya natitimingan. Minsan nauna siya, kaya pumila ako para ako na ang kasunod. Nung nalaman na niya na nandun ako sa likod, si Enday, kung makapunas ng plato parang wala nang naghihintay na bukas. Mga ceramics na pinggan, nagiging transparent. Pohtangena, ano ba ang problema ng babaeng ito?

Hindi na ako nagpatuloy pa sa paghugas. Kaya ngayon, wala na kaming magamit dahil hindi pa nahuhugasan.

Yung bata naman nakakatakot. Mga 4 or 5 years old siguro, babae at kulot ang buhok. Sa tuwing nakakakita ako ng taong mahaba ang buhok at kulot, hindi ko maiwasan na i-associate sila sa mga santo na pinaparada tuwing holy week.

Maaga akong gumigising. Katapat ng kwarto ko ang CR. Muntikan ko nang masipa ang bata nung pagbukas ko ng CR mga alas 5 ng umaga ay nandun siya sa loob at naglalaro ng sabon. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko, basag na siguro yung panga niya. Mahirap ang magulat, lalong lalo na sa mga taong mahilig sa kape.

Mahigit na sa dalawang taon akong nakatira dito, at sa susunod na linggo na ang huli dahil ako yung tipong hindi tumatagal sa iisang lugar. Marami akong issue sa buhay, isa na dun ang “trust” at “familiarity”.

Kasabay ng paglipat ko ng bahay, ay ang pagtigil sa pagsusulat sa unang tirahan ko. Dito. Kaya ladies and gentlemen, this will be my last post.

Paalam.

PS: Nagsusulat parin ako, a much darker but still a humor blog. Pero hep! Hindi ko sasabihin kung saan. 🙂

 

Single Post Navigation

6 thoughts on “Life on transit

  1. Dear Maldito,

    Share mo naman saken kung ano yung secret blog mo.

    I’m a fan of yours, you know that. Hehe.

    PS: Btw, I know something about your past. Napag-usapan ka namin ni ‘Maria’. :p

    Regards,
    Suplado

  2. Heys! Saan ka ba magtatago at parang may utang ka? 😀 email mo ko kung saan, di ko sasabihin sa inutangan mo.. hehe

  3. Paalam! Di ko tatanungin bago mong bahay! Kusang lalabas din yan lol! =)

  4. Sabihin na.. Please.. Pramis, hindi kita pakukulam.. Hihihi..

  5. pa-mysterious effect? pasasaan ba at mahahanap din namin kung saan yang bagong sulatan mong yan. hehehe. how’s life insan?

  6. Pakshet! Kung kelan nahanap kita ulit, saka ka naman mawawala! Ako nga pala si Lingling dati. Lam mo naman, medyo pareho tayo, may “trust issues” kaya eto palit pangalan na naman. Haha! Nawa’y makita ko yung bagong bahay mo.

Mag-iwan ng puna