The Great Maldito

Thou shall not bitch

Archive for the category “Uncategorized”

Life on transit

May bagong salta sa second floor. Taga probinsya din. Siguro mag-asawa, pero wala akong may nakitang sing-sing sa mga daliri nila. Malamang nagbabahay-bahayan lang. Mga bata pa. Pero mas bata ako.

Hinatid sila ng nanay ng babae noong unang dating nila. At tulad ng magic balls pag nababasa, dumami sila. Anim sila sa isang kwarto na good for two.  Isa na dun ang kasambahay nila na nagmamaganda at isang maliit na bata na hindi ko alam kung anak nila. May hinala ako na yung kasambahay nila ay dun na natutulog sa kisame at yung bata sa aparador. Ang lakas makadala ng katulong pero hindi makahanap ng tamang bahay.

Inaamin ko, mapili ako sa mga tao. Kadasalan, pag sa unang tingin ko ay hindi ko siya gusto, magkakabuhok nalang si Boy Abunda, eh wala talagang imikan na mangyayari. Isama mo na rin ang pagtaas ni Mahal.

Hindi ko gusto si Enday. Sa tuwing lalabas ako ng kwarto at nakakasalubong siya, naaagnas ang mga nipples ko sa takot. Ang talas ng tingin, sa sobrang talas kahit gaano pa kakapal ang foundation mo, makikita parin niya ang mga blackheads. Hindi ko pa nasubukan kung may night vision din siya, pag nagkataon pwede na siguro siyang i-upgrade para gawing flashlight.

Kunti lang ang mga pagkakataon na nakikita ko siya sa bahay. Iisa lang ang lugar na pinaghuhugasan namin ng mga pinggan, kaya kadalasan dun ko siya natitimingan. Minsan nauna siya, kaya pumila ako para ako na ang kasunod. Nung nalaman na niya na nandun ako sa likod, si Enday, kung makapunas ng plato parang wala nang naghihintay na bukas. Mga ceramics na pinggan, nagiging transparent. Pohtangena, ano ba ang problema ng babaeng ito?

Hindi na ako nagpatuloy pa sa paghugas. Kaya ngayon, wala na kaming magamit dahil hindi pa nahuhugasan.

Yung bata naman nakakatakot. Mga 4 or 5 years old siguro, babae at kulot ang buhok. Sa tuwing nakakakita ako ng taong mahaba ang buhok at kulot, hindi ko maiwasan na i-associate sila sa mga santo na pinaparada tuwing holy week.

Maaga akong gumigising. Katapat ng kwarto ko ang CR. Muntikan ko nang masipa ang bata nung pagbukas ko ng CR mga alas 5 ng umaga ay nandun siya sa loob at naglalaro ng sabon. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko, basag na siguro yung panga niya. Mahirap ang magulat, lalong lalo na sa mga taong mahilig sa kape.

Mahigit na sa dalawang taon akong nakatira dito, at sa susunod na linggo na ang huli dahil ako yung tipong hindi tumatagal sa iisang lugar. Marami akong issue sa buhay, isa na dun ang “trust” at “familiarity”.

Kasabay ng paglipat ko ng bahay, ay ang pagtigil sa pagsusulat sa unang tirahan ko. Dito. Kaya ladies and gentlemen, this will be my last post.

Paalam.

PS: Nagsusulat parin ako, a much darker but still a humor blog. Pero hep! Hindi ko sasabihin kung saan. 🙂

 

Advertisements

Zup?

Gawin nalang nating chatroom tong blog na to. Hahaha

I miss you all too.

Thank you.nxtwek na ako magpopost.alang gana e.haha

Chicken Noodles and those other shits

Wala na sana akong plano pang bumalik pa sa pagblog.  Tuluyan nang nawala yung hilig ko. Yung feeling na gigising ka isang umaga at malalaman mo na nawawala yung isang nipple mo. Ganun yung nararamdaman ko, yung parang may kulang pero hindi naman kailangan.

Ilang buwan lang ako nawala pero pakiramdam ko nalayo ako sa mundo ng internet ng ilang taon. Ang dami nang nangyari. Break na pala si Piolo at si KC, si Charice na  dating singing sensation, naging noodles at ngayon ko lang nalaman na nanganganib na din yung kalayaan natin bilang netizens.

Ironic din kasi. Kung kelan na marami nang bawal, dun ko pa naisipang magsulat. I guess, masarap talaga ang bawal.

So ano na balita sakin? Maliban sa pagkarir ko bilang supervisor sa pagawaan ng napkin (tester ako if you dont mind), pagdesign ng gamot sa mga sinisipong manok, at bilang isang tagapagbigay ng kasiyahan sa mga nalulungkot nating kapatid……..ikinalulungkot ko pero wala na talaga akong kagagohan na maaring ikwento sa inyo.

Sa tooo lang, gusto kong mag sulat tungkol sa life changing moments sa patapon kong buhay simula noong nakita ko sa telebisyon si Charice. Kung pano niya pinukaw ang matagal ko nang binaon na galit sa chicken noodles. Pero natatakot ako at baka isang araw, magigising nalang ako sa piling ng mga preso.

Naghahanap parin ako ng mga rason para manumbalik yung dati kong hilig sa pagsusulat.  Siguro, okay na maging una sa listahan si Tito Sotto.

Pero, mas mauuna parin si Charice.

SUSU i mean……… XOXO 🙂

Level up

Para akong tae, minsan lulubog, minsan lilitaw. Sa katunayan nga, kailangan ko pa magreset ng password para lang makalog-in dito. Kinakalawang na ata yung utak ko.

So anong balita sakin?

Ito na siguro yung pinakahihintay kong taon.  Yung masasabi mo na, Ako na. Ako na talaga.

Naging trainer ako for a couple of months, tapos ngayon gearing up for Supervisory level naman. So ngayon niyo na sabihin, ako na. Lol

Mahirap, sa totoo lang. Yung alam mo na may nagmamasid na mas mataas sayo, tapos may umaasa na lower sayo.  In short, maliit lang ang margin for errors.  At kung maka pormal ako sa office, akala mo perpek na.  Namimiss ko na yung mga panahon na pumapasok sa office na lasing.

Nag mature na ako. Sa outlook sa buhay, sa kilos, sa mga desisyon at kahit na sa mga sinusulat dito. Kung napupuna niyo, medyo limited nalang yung mga kwentong kalokohan ko. Hindi ko na nga naiimagine yung sarili ko na gumawa pa ng mga kalokohan. Totoo nga yung sinabi ng mga kanto boys samin na hindi minamadali yung pagiging mature. Magugulat ka nalang isang araw na nag-iba ka na.

Unang tingin pa lang ng mga trainees sakin, natakot daw sila. Mukha daw akong strict at mysterious. Kung maka mysterious sila wagas, pina spell ko naman hindi na makasagot. But I proved them wrong when I started speaking. Dahil kunti lang naman yung oras ko sa pagsusulat, sa training ko nalang dinala yung witty antics ko. And I guess hindi ko naman sila na fail.

I apologize if this blog is missing a lot of updates. Nakakatuwa parin na kahit minsan lang mag-update, mga tao paring panay ang bisita dito. Hindi ko alam kung saan hahantung ang blog na to, pero salamat parin sa mga nagbabasa.

See you all around!

Hey you!

I’m still here motherfather! I’m getting back my groove.

Horrible Boss

Masaya ako sa trabaho ko ngayon. Kung hindi niyo napupuna, madalang nalang ako kung mag-update ng blog. Ganyan naman siguro tayong lahat. Pag masaya na sa buhay, tinatalikuran nalang ang blog na dati’y naging “stress reliever”.

Kailangan ko pang pilitin ang sarili ko ng ilang beses para lang magsulat ng bago. Parang macaroni soup na ginawa ko ngayon. Pilit ako sa pagkain kasi ang pangit ng pagkagawa. At dahil nasimulan ko na, kailangan kong tapusin.

Bago ang boss ko. Syempre, bagong kompanya, bago lahat. Ang nanatili nalang siguro sakin na luma ay yung tiyan ko na mukhang vinulcanize.

Yung relasyon namin ni boss ay parang relasyon ko din sa Teddy Bear. Nakyukyutan ako. Sa sobrang kyut, gusto ko siyang sakalin ng wagas at walang pag-iimbot. Gusto kong iipit yung mga matatabang daliri niya sa pintuan. Pero hindi sa lahat ng panahon ay galit ako sa kanya. Lalong lalo na sa tuwing nililibre niya ako ng pagkain. Natutunan ko siyang mahalin sa mga panahon na ganyan.

Don’t get me wrong. Hindi ako patay gutom o hampas lupa. Nagkataon lang na mahilig talaga ang pagkain na lumapit sakin. Ganyan kalakas ang alindog ko.

Hindi masyadong strict si boss. Sa katunayan, madalas niya akong pag-tripan. Alam niyo kung ano ang problema dun? Yun yung feeling mo na hindi ka makakaganti kasi pikon si boss. Isang pagkakamali lang, makikita mo nalang sarili mo na nag-eempake ng mga picture frames na nilagay mo sa station mo.

Minsan, nagkwento si boss.

“Alam mo, noong elementary ako, nakidnap na ako.”

“Huh? Sure?” Nagduda ako. Hindi naman kasi si boss mukhang mayaman.

“Oo. 3 araw akong ikinulong sa warehouse”.

Gusto ko na talagang tumawa, pero pinipigilan ko lang.

“Tinawagan nila yung nanay ko.”

“So nagbayad din ba yung parents mo?”

“Hindi”

“Eh anong nangyari?”

Umiyak daw ang nanay niya. Tapos sinabihan ang mga kidnapper na…

” Maawa naman po kayo samin. Hindi naman kami mayaman. Mataba lang talaga siya…hu hu hu”

Hindi ko alam kung may hu hu hu ba talagang naganap. Pero pabayaan niyo nalang ako na ilagay yan.

Sa oras na yon, gusto ko na talagang isabog sa mukha niya ang coke na iniinum ko.

“Alam mo kung ano ang nag udyok sakin para sumama sa mga mama na yon?”

“Syempre hindi sir. hi hi hi”

“Pinakitaan nila ako ng isang…………….lata ng Milo“.

Hulaan niyo kung ano ang ginawa ko. LOL

 

 

 

PS: Kamusta nalang pala diyan sa dalawang blogger na ikinagulat ko, Pareho pala kami ng kompanya. Hahahaha…

 

 

My Own Corathon Review

Paunawa lang, ang review na to ay galing sa sariling puna ng manunulat at wala po tong kaugnayan sa kahit sino mang haters ni Erich Gonzales o sa mga pinaslang na baboy ramo sa pelikula. Wala po akong kahit ano mang koneksyon sa gobyerno para buhayin ang isyu na aswang si Pokwang. At huli, hindi po to pangungutya sa mga kinuhang supporting actress/actors  na kung maka arte dinaig pa si Richard Gutierez. Para lang na culture shock at hindi alam na nasa set. Again, hindi po to pangungutya sa kakayanan ni papa Rechard na umarte.

Ang Imbitasyon

Simula noong nakatanggap ako ng text galing kay Tabian at wacky  na nag-aayang manood ng pelikulang Ang Unang Aswang hindi na ako mapakali sa sobrang excited. Wala akong sariling telebisyon kaya sa ganito nalang ako nakikiupdate sa nagaganap sa showbiz world. Ang huling nood ko ata ng tv ay noong sumabog ang issue ng dayaan sa Metro Manila Film Fest care of sa aking idol na si Manay Lolit Solis. That beyotch, I mean yung mga alaga niyang aso.

So dumating ang takdang panahon na manonood na kami. Hindi ako masyadong prepared sa araw na yun. Nag long sleeve lang naman ako at black shoes. Feeling opening night at maglalakad sa pulang carpet.

Noong makita ko ang poster, napasigaw ako….

“Potah!! Asan si Lilia Cuntapay?!”.

Pag aswang ang pelikula Lilia Cuntapay agad? Hindi ba pwdeng si Erich muna?

Lesson 1: Bawal ang walang TV at hindi updated sa showbiz.

Cinematography

Wala akong alam sa cinematography. Ni hindi ko nga alam kung ano ang meaning niyan. Pero noong narinig ko ang officemate ko na nag-eexplain tungkol sa cinematography, para lang akong tinutukan ng limangdaang spotlight sa sobrang “enlightenment”.

Sabi niya: “Yung Ang Unang Aswang, Indie film yun. Kaya lang mahal ang ginamit na camera, kaya mukhang hindi Indie film. Mahal siya na Indie film”

Gusto kong pagsuntukin ang matres niya. Degree holder ako, kung makaexplain tatanga-tanga lang.

Soundtrack

Maganda ang background music na ginamit sa pelikula. Hanga ako sa composer dahil talagang pinag-isipan talaga ang pag-ungol, from start to finish. Kung may ikakasal na kaaway ko, yun yung isusuggest ko na gamitin. Nakakatakot pakinggan. So eerie. Kaya nga sabi ko, sana puro soundtrack nalang yung pelikula, natakot pa ako.

Derek Ramsey

May tanong lang ako, bakit sa tuwing iiyak si Derek sa paghahanap kay Corazon (Cora-thon), parating lumuluhod , tapos iiyak na nakaharap sa  lupa ang mukha? May tinatago ba kayo sa mukha ni Derek? At sa tuwing may love scene, bakit puro baba ni Erich yung kinakain, I mean hinahalikan? Isang beses ko lang nakita si Derek na umiiyak sa pelikula, pagkatapos nun, natakot na ako.

Baboy ramo

Oo, simula kay Rechard mapunta naman tayo sa baboy ramo. Potah, Damay-damay na to. Hindi ako natuwa sa kanila. One minute buhay na buhay yung baboy ramo, tapos noong pinatay na ni Derek Ramsey naging styro. Ano yon? Lokohan?

Pero kung kukumpara ko naman ang baboy ramo kay Rechard Gutierez, eh mukhang may facial expression pa yung  baboy ramo.

Bat ba pinag iinitan niyo si rechard ha?!

Estatwa

Total pinag-usapan din naman natin yung baboy ramo eh bakit hindi nalang natin idamay ang estatwa na pinasan ni Corazon para lang mabigyan ng anak. Kung papipiliin ako kung anong scene ang kinatatakutan ko, yung ay yung pinakita ang mukha ng estatwa.

Naalala ko kasi si Kuya Germs ang at kanyang clown collection.

Extras

Kung may ikakatuwa ako sa pelikula maliban sa mabilis na pagtakbo ni Corazon kahit walang kain, nakakatuwa talaga yung mga extras na hindi ko alam kung saan kinuha. Yung iba mukhang inutusan lang bumili ng suka tapos nawala sa set ni derek.  Natuwa ako sa isang mama na sinilipan ni Tetchie Agbayani habang natutulog. Kahit walang eye contact sa camera, ang lakas makahatak……

Ng init sa ulo.

Erich as Aswang

Hindi ko kayang kutyain si Erich at ang kanyang kakayahan na umarte.Para lang kasing pinagtawanan ko yung taong mahal ko. Lol. Kahit na aswang si Erich maganda parin. Superb acting, lalo na yung pasan niya yung rebulto. Natatangahan lang kasi ako. Niyahahahaha… Okay naman yung mga love scenes nila ni Derek. Puro lapaan ng baba. bwesit. Wala man lang penetration scene, I mean inspirational scene.

So ano yung hatol ko?

For me,  the best comedy movie of the year!

Party Friends and Evil Officemates

Nakakatuwa yung mabilang sa isang lugar puno ng tao na hindi mo kilala. May mga taong magugustuhan mo sa unang tingin, meron din namang kahit ilang bese mo pang tignan ay hindi mo masisikmura. Yan ang nararamdaman ko sa tuwing nagsisimula ako sa bagong trabaho. Umaandar ang pagiging echusero ko.

Sa katunayan, habang ginagawa ko tong kwento, may kumakanta ng Lupang Hinirang sa kabilang cubicle. Tinignan ko ang orasan at alas 12 na ng hating gabi kaya hindi ko alam kung ano talaga ang gusto niyang ipahiwatig. Barilin ko kaya to ng nakatalikod para mas feel niya ang national anthem natin? Ang masama pa kasi ginagawa niya to araw-araw. At sa bawas araw na kinakanta niya yan, na-iignite yung passion ko para kurutin ang kanyang ngala-ngala gamit ang pliers.

Meron din akong kasama na kapwa Ilonggo. Natuwa naman ako dahil sa wakas may makakausap ako gamit ang sarili naming dialekto. Hindi ko lang talaga ma gets kahit pa iuntog  ko yung ulo ko sa  keyboard ng ilang beses kung bakit niya ako kinakausap sa Tagalog eh hindi naman ako muhang pancit malabon. Give away na nga yung pag-gamit ko ng Hiligaynon, kung buhusan ko kaya to ng kumukulong La Paz Batchoy? Kinakahiya niya ba kung saan kami galing?

May bitchi-bitchiyan din sa office. Yung tipong malayo palang siya, lakas na ang amoy ng “attitude”.  Pati mga trainers namin tinatarayan. Si ate, ginawang true to life ang character ni Lola Bella Flores. Noong isang araw, pinatikim niya ako ng pagka-bitchy niya. Tumawa lang ako ng malakas.  Dahil sa totoo lang, nakakatawa naman talaga siya. Isipin niyo nalang ang nagtataray sa inyo. Mataba, maitim, pandak, wasak yung mukha tapos mag-aastang Christina Gonzales? Di ba nakakatawa.

Sabi ng kaibigan ko dito,

“Siya yung nagsabi sakin ng, paki open nga ng pinto noong nag contract signing kami. Akala mo kung makapag-utos manager. Newbie rin pala”.

“Ano ginawa mo?”

“Wala. Sinara ko nalang agad yung pinto. hahahahah” 

“Tara, libre kita ng beer! hahahaha”

 

On training

Nagsimula na pala ako sa bagong kompanya. Mahirap kumpara sa dating trabaho ko pero hindi na ako magrereklamo kasi merong allowance pambili ng damit kaya wala na akong dahilan para maghubad. Isa pa mas nakakaangat pakinggan ang title ko ngayon, dati kasi isa lang akong puta. Ngayon, puta parin pero may M.D na sa huli.

Marami naman kami sa batch namin. Umabot sa walo. Sampu sana, hindi ko alam kung saan na yung iba at bakit hindi sumipot sa training. Mas mabuti na nga yon, kaunti lang ang kompetensya.

Natutuwa naman ako sa mga kasamahan ko. May Mathematician, Engineers, Piloto, Customs at ako, sabi pa ni Ate Marian Rivera, isa akong psychology. At dahil ako ang may pinakamatagal na experience sa pagiging puta, ako yung ginawang lider-lideran nila,  which is ginampanan ko naman ng mabuti. Isang week pa lang, puro kagagohan na ang nalalaman. Nasumbong na nga kami sa heads dahil sa excessive use of email and sleeping.

Inaamin ko na mahirap ang trabaho. Siguro sa umpisa lang, pero hindi ko rin alam. Yung nakakatakot lang kasi kasama sa job description ang no room for errors. Kung meron man daw, dapat zero.  Sino ba ang hindi matatakot kung ang hawak mong clients ay yung mga malalaking companies all over the world?

Hindi naman sa nagrereklamo ako. Sa katunayan, gustong gusto ko yung trabaho ko ngayon.May chance na makapagtravel, malaki ang chance sa promotion, malaki ang pasahod at yung tinatawag na freedom.

Pagpasensyahan niyo na muna kung hindi na ganun kadalas ako magblog.

Para kay G

Dati parating nagmimisa si nanay tuwing almusal bago pumunta ng skul.Parati niyang sinasabi habang naghahain ng ulam ..

” Ang hirap na ng buhay ngayon. Lahat nagtataasan ng presyo. Bigas,kuryente at gasolina. Tapos ikaw panay ang tulog. Hay nako!”

Minsan sumagot ako.

“Eh di gasolina nalang ang ulamin natin. Pareho lang naman ng presyo sa pagkain”.

At hulaan niyo kung sino ang pumasok sa skul na walang laman ang tiyan. Hu hu hu. Ang minsan ay hindi na naulit.

Hindi ako interesado sa ekonimiya noon. Ang naiinitindihan ko lang ay mahirap kami. Simple. Kahit gaano kataas ang mga bilihin kung wala ka namang pambili, wala rin namang kwenta yung pag-emote sa balitang tumaas ang presyo ng gatas. Tandaan, hindi lang suso, I mean sa dudo ng cow makakakuha ng gatas. Maraming paraan pag resourceful ka.

Naiinis ako sa mga taong lakas makarelate. Yung kapitbahay namin na si Pebi (in Bisaya ) or Phoebe (in tagalog) ay isang born again. Born again dahil kada buwan may bagong personality. Isang umaga humihingal na nagkwento kay nanay habang naglalaba.

” Nako madam! Narinig mo ba ang balita kagabi na tumaas naman ang presyo ng gasolina dahil sa gyera sa middle east? Problema na naman kung pano tayo makakabili ng gasolina. ”   Tanong ni Pebi.

” Wala. Dati pa naman tumataas ang presyo ng gasolina. Wala nang bago sa balita na yan.” Sagot ni nanay.

Likas na joiner ako. Kaya tinanong ko si Ate Pebi.

” May kotse ba kayo teh at kung makarelate ka sa balita kulang nalang lumuha ka ng tanso?”

” Wala. Hi hi hi” sabay walk out.

Hindi ko masyadong naiintidihan noon kung gaano kahirap kumita ng pera. Mababa lang ang sahod ng nanay ko kaya kung pwde lang hiwain sa lima ang isang strand ng pancit gagawin niya. Tapos tig-iisang butil lang ng kanin. Ganun lang bro. Ganyan.

Kung tutuusuin kahit gaano kabigat ang problema natin sa buhay lahat nalalampasan kung maparaan lang tayo. Nagtataka nga ako kung pano ko nalampasan ang mga shitty things na nangyari sakin. Kunting beer, bukas makalawa solb na.

Ngayong may trabaho na ako at tumutulong kay nanay, baliktad na ang mundo. Ako na yung panay litanya na bigyan importansya ang pera dahil mahirap kumita. Ramdam na ramdam ko yung paghihirap na naranasan niya noon. Naiisip ko nga minsan kung bubuo pa ba ako ng pamilya dahil takot ako na balang araw gagawin ko yung sinabi ko. Yung ulamin ang gasolina.

 

PS: This is my entry for Gasdude’s blog writing contest.  Go join here!

Ermita

Mainit ang ulo ko. Sobra. Redundant na nga kasi hot na ko, mainit pa ang ulo ko. Lol.

Tumawag ang agency noong isang linggo. May trabaho daw para sakin sa Saudi. Magtuturo ng English. 500 thousand per day.

Pero camel daw yung tuturoan ko. Puputulan ako ng ulo pag after 3 months walang alam ang mga camel.

Joke. Tungkol sa teaching yung offer. Oppurtunity na to kaya sinabi ko na interested ako. Nagtanong ako kung kelan yung interview,  sabi ng babae mag-intay lang daw ulit ako ng tawag.

Kaninang umaga habang naglalaba ako tumawag ang na naman ang agency. Ngayong araw daw ang schedule interview ko dun sa ermita.

Eh potah. Nasa Cebu ako. Tatanga-tanga lang. Nandun rin naman sa resume ko yung current address ko, kung maka set ng interview si ate parang nasa kabilang building lang. Badtrip.

Nagtanong ako kung okay lang ba nextweek nalang. Hindi raw pwede kasi nasa opisina na yung employer ko at gusto akong makita.

Sinabihan ko nalang ang paksyet na secretary na tatawagan ko nalang ulit siya kung may makita akong flights papuntang manila bukas.

So nag-online ako. Nung nakita ko yung presyo ng ticket, putcha!

Mas mahal pa sa buhay ko!

Naiinis ako sa secretary kasi hindi marunong mag set ng schedule. Gusto nila ora mismo. Bathala lang kung umasta.

Napag-isip ko na risky ang situation ko.

At higit sa lahat, umiinit ulo ko sa kanila dahil super ready na ako….

 

ng bigote ko. Balita ko kasi pag walang facial hairs nirarape dun. hahaha

Plastic Bigote

Nay, pwede po ba akong mag artista?

Hindi kumibo si inay. Mamasa-masa ang mga mata niya habang nakatingin sakin. Tumalikod. Hinarap ang mga tanim niyang bulaklak at kinausap.

Dun nadurog ang puso ko at itinakwil ang pangarap na maging isang Aga Mulach o kahit George Estregan man lang. Okay, John Lloyd Cruz lang naman sana yung nais ko.

Minsan sa buhay natanong na natin sa sarili kung pano kaya kung naging artista tayo?. Yung nakikita tayo sa telebisyon. Iba nga masaya na masagip ng camera sa 24 oras kahit ang nasa backround ay nasusunog na bahay o di kaya nakahandusay na patay.

Kung magkakaroon ako ng manager, gusto kong kunin si annabelle rama. Tiyak walang babatikos sa kakayanan kong umarte. Lahat ng kaaway pinapatay na sa interview pa lang. Pano na kaya kung magface to face?

Kaya siguro hanggang ngayon wala pang kumontra sa pag-arte ni Richard Gutierez. Kung maka facial expression kasi parang na stroke lang. Hindi mo alam kung malungkot ba o masaya. O di kaya nilalabasan na pero malungkot parin.

Marami akong role na kaya kong gampanan. Sa action, gusto ko ako yung kontrabida. Maraming side kick tapos armas. Yung leading lady ko dapat si Melai para maiba. Kakasawa na kasi yung sobrang ganda katulad ni Anne Curtis at Christine Reyes. Kunwari iinit ulo ko tapos ibabaling ko lahat ng galit ko kay Melai.

Sa huli, hindi yung main actor ang mapapatay ko kundi si Melai.

Ayoko ng comedy. Hindi kasi ako marunong magpatawa. Seryoso akong tao, kaya magmumukhang pilit yung acting ko pag nagkataon. Wag kayong maghanap ng proof. Mapapahiya ako.

Kung drama naman, mas magaling ako dun. Bibigyan ko kayo ng isang eksena na nasa isip ko ngayon na gustong gusto ko.

Sakit na siguro yung pinaka epektib na dahilan para paiyakin ang manonood. Kunwari may cancer ako at may taning na ang buhay. At dahil maganda yung eye lashes ko, tawagin nalang nating cancer of the eye lashes ang sakit ko.

Magdadala ng pancit ang asawa ko. Sisigaw habang pumapasok sa kwarto…

“ Bibi (oo, matigas na baby), may dala akong pancit”.

Hindi ako gagalaw. Hindi na humihinga. Itatapon niya ang pancit sa sulok at sisigaw naman ng….

“ Bibi (oo matigas parin), huwaaaag moooooo akooooonggg iwaaannnn!!”

Bigla nalang akong magsasalita…

“Mahal, ayusin mo bigote ko”.

Tapos mawawalan ulit ng buhay.

Gusto kong humiga siya sa natapong pancit at dun iiyak. Wala lang. Parang mas makukuha niya kasi ang simpatya ng tao pag dun siya.

Simpatya sa pancit. Hindi sa kanya.

Marami akong gusto sa buhay. Sa sobrang dami iba kinalimutan ko na. Iilang tao lang ang masasabi nating masaya sa ginagawa nila. Walo sa sampung katao tinitiis nalang kung saan sila ngayon. Maniwala kayo sa statistics ko. Nakuha ko yan sa nagitinda ng taho.

Minsan, may nagtanong sakin kung bakit hindi ko kayang magmahal ng iba. Na mahalin siya.

Alam niyo kung bakit?

Kaya kong mag-inarte. Pero kahit kalian, hindi napepeke ang puso.

What does traveling means to you?

What does traveling means to you?

Yan ang tanong ni TitoPaulo Coelho sa blog niya. Ayokong magiwan ng comment dahil baka madiscover pa ako at sumikat. Kaya ibloblog ko nalang ang sagot.

So ano ba talaga ang kahulugan ng paglalakbay para sakin?

Syempre wala, aksaya lang ng panahon. Uma-attitude na naman? Ha ha ha.

Iba sa inyo nagtataka kung bakit puro beach lang ang pinakita ko sa dating post ko about traveling, at parang walang kabundol-bundok. Blog ko to pakialam niyo? Ahahhaa..

Syempre, minsan sumside trip din ako sa mga bundok. Hindi lang halata, pero mahilig akong umakyat ng bundok. Lalo na kung sariwa. Ay shit. Mali.

Nakita niyo na ba yung movie ni Julia Roberts na eat pray and love?  Ako? Hindi. At wala akong plano. Nabasa ko lang sa ibang blogs na tungkol yun sa babaeng nag-iinarte na mahanap ang sariling kaligayahan. Pumunta ng ibang lugar, kumain, at nagalit sa MMDA dahil kulang daw sa warning ang daan.

Kunwari seryos na.

Darating sa punto na mapapagod ka sa lahat. Sa sarili, sa trabaho, karelasyon, responsibilidad, sa pera o di kaya sa pamilya at isa lang ang tanging sagot diyan: Ang tumakas. Ang probema, saan?

Sinubukan ko minsan gawin ang ginawa ni Ate Julia. Bangag lang noong araw na yun at napagsawaan ko na ring idreadlocks ang buhok sa kili-kili. Naligo, hinanda ang kakainin, inempake ang magagandang briefs para kung ano man mangyari sakin, atleast hindi ako mahihiya sa pamilya ko na makita akong nakahandusay sa bangin. Patay man atleast mamahalin naman ang brief. For a change din yung brief na walang skidmarks. Lols

Maulan noon habang naghihintay ako sa terminal ng bus. Bad timing ang panahon pero hindi ako pwedeng mag back out at umuwi nalang. Sayang ang effort, oras at hair gel. At dito ako nakarating:

 

Kuya saan ang Starbucks dito?

Bundok yan dun sa Bogo City.  Tignan niyo naman ang langit,  bad mood. Problema kung pupunta ka sa bundok ay yung tirahan. Unlike sa mga beaches, sigurado ka na mayroon ka talagang matutuluyan, because near the bitches are cheap motels.

Kung saan ako nakitulog? Sa driver ng motor na sinakyan ko para ihatid ako sa kung saan ang starting point ng bundok na yan. Letche, kung ano ang pumasok sa utak ko sa araw yun? Hindi ko alam. Alam ko na ang tanging gusto ko lang sa araw na yun ay ang pumunta sa kung saan hindi abot ng GPS.

Driver: Sir, maraming NPA dun. Delikado.

Me: Tangena!Diyos ka ba? shut up and drive. (joke. hindi ko sinabi yan)

So far hindi ko naabot ang tuktuk ng bundok. Dahil nga masama ang panahon at medyo hapon na noong dumating ako. Kaya napagisipan ko nalang na magpalipas ng gabi sa bahay nina kuya. Ang simple ng bahay nila. Walang kyeme-kyeme. In short, bahay kubo ang tirahan nila pero may jacuzzi sa sala. Weh?

Kahit malayo sa ciudad ang lugar, napakasimple lang ng buhay nila at hindi komplikado. Kita sa mga mukha na hindi sila problemado at walang stress. Tinanong ko si kuya kung masaya naman sila sa ganitong buhay. Alam niyo ang sagot niya?

Manong: Sanayan lang yan  sir. Masaya naman. Malayo sa gulo at mahirap na buhay sa city.

Tama naman siya. Pero sa taong katulad ko na hindi napapagod sa kakaimprove ng buhay, mahihirapan akong mamuhay sa lugar na kagaya ng sa kanila.  Ayoko na hambang buhay nalang akong didilig ng halaman at magwawalk ng kalabaw. Utusan mo nalang akong magtroubleshoot ng no signal sa cellphone wag lang magtanim ng palay. Arte? Siguro nga ang tao parang uri lang ng tanim yan. Tutubo sa kung saan dapat siya mabubuhay. Subukan niyo kayang magtanim ng strawberry sa desyerto.

Mamatay ako manong kung dito ako. Like now, im dying na nga eh.

Buti na nga lang at hindi ako pinalayas at pinatulog sa ilalim ng acacia. Wala pa naman akong Off lotion. Lols.

At dahil hindi natuloy ang meet and greet ko sa mga rebelde sa bundok, napag-isipan nalang namin na pumunta sa Pantalan. Para hanapin si Ploning.

Parang tanga lang ano? Pumunta ng bukid pero naka complete get up para party party. lols.

Minsan masaya ding gumawa ng ganito sa bukid.

Survivor Philippines

Pauwi na me.

So ano talaga napapala ko sa kakalakwatsa? Aside sa experience, napapalayo ka sa trabaho, nakikilala mo ng mabuti ang sarili mo at kung ano ang gusto mo sa buhay. Sa bawat tao na nakikilala mo along the way, mas nacocompare mo yung buhay mo at ang buhay nila. Ika nga, you have to go out of your house para malaman mo kung anong meron sa labas, hindi lang yung panay tanaw mo sa bintana.

So sabay- sabay tayong mag eat, pray and lust este love!

Eyes set to kill

Tinatanong ko sarili ko kung saan ko nakuha ang pagka-morbid ng aking pag-iisip kung minsan. Gaya nalang dati noong nagkasakit ang officemate ko at kakabalik lang sa opisina. Pagkakita ko pa lang sa kanya sa pintuan na sobrang payat, nagsimula agad ako magdasal at mga plano sa darating na libing at coffee party.  Ako na ang  super duper ultra masama.

Eh feeling ko kasi pag nagkasakit na ang tao, mamamatay na. Yun pala stress lang siya. Saree nemen. Read more…

Soap Opera

Ang bango-bango ng bagong sabon na inutang ko sa aking room mate. Nasa box niya ang pangalang oat milk, so malamang gawa siya sa gatas at oats. Duh? Minsan nga naisipan ko na siyang kainin dahil wala talagang pagkain sa bahay. Umandar na naman ang pagka hungry dead.

Para siyang sampaguita na may halong ÂĽ ounces of roses, pinch of mint at isang patak ng luha ni severus snape.

Ang sarap isabon dahil may oats, lalo na sa mga lugar sa katawan na mahirap abutin. Masarap kasi para ka lang nag sascrub, nakikiliti ang betlogs ko pagsinasabon ko siya. Amazing talaga dahil pagtingin ko sa betlogs ko ….shiny na!

Okay, hindi ako papasa bilang product reviewer.

Fetish ko ang mabango. Sa tuwing paglabas ko ng banyo pagkatapos maligo, para lang akong rebulto na inalayan ng bulaklak. Ganun siya kabango. Kaya kahit sa bango man lang, feel ko na ang linis ng budhi ko, walang bahid ng immoralidad at intact parin ang kamalayan kahit na wasak na wasak na ang mukha.

 Medyo may kamahalan lang ng kunti ang bagong sabon ko. At ang daling maubos. Siguro nga dahil gawa siya sa gatas. Pero bago ko pa gamitin ang sabon na to, meron na akong regular na sabon na ginagamit. Hindi man siya ganun ka bango kumpara sa oat milk, tiwala pa rin ako sa kapabilidad niya na magbigay sakin ng long lasting kaligayahan. Walang shiny balls after bath, but a pure feeling of satisfaction. Weh?

Sa dami ng “options” sa mundo sa lahat ng bagay, nakakasakit na sa ulo ang mamili. Kadalasan, papalit palit tayo ng ginagamit dahil kulang, tapos hahanap na naman ng bago, at kulang na naman o hindi ka masaya dahil nga, kulang. Ang dali lang siguro pumili kung ang pagpipiplian ay pula o sa puti lang, o di kaya pera o bayong, pwede ring hirap o sakit. Teka, parang pareho lang no?

Di rin nagtagal bumalik ulit ako sa dating sabon na ginagamit ko. Ganyan naman talaga parati. Kailangan sumubok ng iba. Dahil sa kabila ng papalit palit natin sa pagpili ng mga bagay, mas lalo nating nalalaman kung sino at ano ang dapat nating bigyan ng halaga.

Hindi na importante kung magkamali man, ang importante kung pano natin balikan ang ating iniwan at sabihing,
Sorry na. Ikaw naman talaga ang gusto ko.

The Cebu Blog Camp 2011

The Cebu blog Camp is an event organized annually by the Cebu Bloggers of the Blog and Soul Movement which is the educating leg of the Philippine Blog Awards Inc. which has been running for already four years. This is the largest gathering of bloggers in Cebu.

THE CEBU BLOG CAMP 2011 is co-presented by

Bronze Sponsors

Geiser Maclang Marketing Communications, Inc.

Media and Institution Partners

Official Web Browser

Official TV Media Partner

Official Online Print Media

Official Photo-Social Media Partner

DONOR

Academy for International Culinary Arts

Na invite na ako dati pa pero hindi ako sumipot dahil maraming kaartehan na nalalaman. Kasi kunwari nga mahiyain ako sa personal. But this time, I will attend the event at makiki social climb. Sana may beer. Ha ha ha. At dahil hinihingi ang reasons why I will attend the event, ito:

1.  This will be my first time to attend an event for bloggers since dati pa anonymous blogger daw ako. Pero since people are evolving from time to time, I changed my mind na. lols

2.  I wish to learn more and meet other bloggers out there, which I doubt meron akong kilala. Ha ha ha.  Cebu readers? Meron bang pupunta sa inyo?

3. I love meeting people. Char.com. Sa totoo, habol ko dun ay freebies at snacks. Pangtawid gutom lang sir. Joke . joke, joke again! Totoo, gusto kong makita kung gaano karami ang mga nagbloblog galing Cebu. Kung maka census lang ano?

4.  Because the event is sponsored by Globe. I’m a Globe user since nauso ang celepono sa mga homo sapiens. Ganyan ako ka fan, basta Globe event go lang ng go. Kahit sabihin pa ng Globe na igive up ko ang virginity in exchange for a 30 pesos load  ko gagawin ko. Any takers? hahahaha..Joke.

5.  Because I am looking forward to learn and have some fun on the event. I am taking my blogging to the next level, so I hope this event will help me reach my goal. And that is: World peace. Ching!

Hello readers and fellow cebu bloggers! See you all there. Say hi when you see me! Yun kung makikilala niyo ako! wahahhaa…bleh!

PS: Tabian and Nieco speaks, you guys coming? Reesie?

Anita and the 10 questions

Ang kwento ko ngayon ay hango sa totoong buhay. Iniba ko lang ang pangalan ng mga taohan para hindi naman masyadong obvious na officemates ko sila at nilagyan ng glitters para hindi magmukhang totoo. Lols. At syempre para pangalagaan ang kanilang reputasyon at dignidad, kung meron man.

Sa isang malayong lugar na tanging ako lang ang nakakaalam, may isang kaharian na  hawak ng isang malupit na reyna.  Tawagin nalang natin siyang Lady F (F for Efren).

Anti RH bill si Lady F, kaya lumubo ang populasyon ng kanyang munting kaharian. Wala na talagang paglagyan ang mga bagong panganak na mga sanggol maliban nalang sa flower pot. Kaya nag-isip si Lady F ng paraan kung pano mabawasan ng tao ang kanyang kaharian. Read more…

Zup?

Marami sa inyo ang nagtaka at nagtanong kung saan ako nagpunta at bakit naka private ang blog ko.

Masasabi ko lang ay, I dont owe anyone an explanation.

Mataray? Attitude. Christine Reyes lang. lols. Hindi naman siguro importante ang paliwanag ko sa inyo kaya wag na lang.

Sobrang hina ng kita sa bentahan ng laman kaya kailangan kong magfocus sa negosyo. Joke. Sa sobrang saya ko siguro sa mga nagdaang linggo, tila nakalimutan ko na kung pano maging malungkot. Kaya ang ingeterong life, binigyan ako ng bonggang bonggang depression. So far okay na. Wala nang marriage proposal. ahahhahaha.

Tahimik na muna ako sa ngayon dahil holy week. Ayokong magwento ng kabalbalan sa ngayon. To nalang muna, enjoy niyo ang video na to. Wahhahhahaha

Bais City

Pasensya na at medyo hindi consistent ang pag post ko ng blog ngayun. Maraming issues ang hinaharap ko na tila nag halo-halo na kasabay ng lindol sa Japan.

Dahil wala akong masayang post maliban sa umiinom na ako ngayun ng tongkat ali, na produkto ng kaibigan ko at nauubusan na ako ng likido sa katawan bawat araw, ipagpapatuloy ko nalang ang tour ko doon sa Negros Oriental. Read more…

Can’t help it

I spent my Monday afternoon in my favorite café. As I wait for my coffee to be served, a group of Korean students lined up in the counter to order. The barista took each of their orders with an extra-ordinary service, which apparently I didn’t get when I was still ordering and paying in.

I self-serviced my coffee while the barista delivered their coffees on their own table. He even offered them an upgrade. I just hate it when you are treated second class on your own native country. A sad truth about some Filipinos, having inferiority complex to foreign people and a talent to kiss ass those fair colored skins.

They went shrieking and shouting at each other, which annoyed me to the nth level prompting me to drink my coffee with clinched teeth. I didn’t go here for a Metallica concert, I came here to unwind and rest.

I don’t hate Koreans. In fact, there are few who became my friends. But there are also instances why sometimes I hate some of them. These are some of it, which I noted in my hate book.

1. I still remember one Korean classmate in my Humanity class. He called one classmate of mine a brown monkey because she’s ugly. That we are the country who catches up all “pinaglumaan” na gamit from their nation. I can still remember he referred pinaglumaan as garbage. And we are the collectors. I raised my war flag and we ended up in the dean’s office.

2. I rode a cab one time and asked him why the cab smelled like a cancer stick. I asked the driver if he smokes inside the cab, he answered me with a slight angry tone:

“No, the Koreans did”.

“And you didn’t stop them?”

“They can’t understand, as my English is limited”.

We all follow laws in other countries, why do Koreans have to make their own rules in our very OWN land?

3. A Korean and a prosti made out in a bangka one faithful night in a resort, which are both too drunk to care what they are doing. There are only two groups that night, the Koreans and us. The guard and staffs watched them with eagerness. Indeed the show is a blockbuster. My only question is, why did the management let it happened and the guard did not give them a firing shot? Bakit yung mga pinoy na gumagawa ng scandal sa public kinukulong? Bakit yung Korean pinalakpakan after ng show?

4. A friend of mine who happened to work in BIR, told me that Koreans don’t get Filipinos as their tourist guide. Isn’t it weird? Koreans as tourist guides?  In the Philippines? Does it mean they know more about our motherland than the natives? You know what’s worst? They don’t pay the goddammed taxes! Complete bullshit.

5. I worked as an English teacher before in a Korean summer camp. They did not ask for a TOR when I applied and gladly they accepted me. Here’s the bad news. The management took 20% of my salary because I did not pass one. For that simple reason? Eh hindi naman nila hinanap during application period. I learned that the parents of those students paid a hefty amount of money to send them here to study English.  And pinoy teachers/tutors only get a small amount of that money. We don’t have benefits such as allowances or even SSS.

So I shoved my resignation letter down to their ass buckets and walked away with my middle finger up in the air.

I just don’t understand it when some of us are fond of putting foreign people to pedestals giving up our own value of self-respect. Gone are the days when we are under a colony. I can’t seem to find the significance of putting the word republic in the Philippines if we are still suppressed to express ideas and emotions.

This is how I feel. This is what I think. And I will say it no matter what.

Masaya

Sa tuwing nakikita ko siya sa Facebook hindi ko maiwasan na bumalik sa unang pagkakataon na nagkita kami. Pareho kaming nasa kolehiyo noon. Nang dahil sa kaibigan ko na nagtratrabaho sa isang news paper company(na feature kasi ako dati) kaya niya nakuha ang number ko.  Basta kalandian at kapotahan talaga, palaging nangunguna ang pangalan ko sa listahan.

Buti nalang talaga at lalaki ako. Dahil kung hindi, matagal na akong laspag o di kaya nabuntis na hindi pa nakatapos ng Grade 1.

Naalala ko. Naging kami. Nangako siya na mamahalin niya ako. Na hindi niya ako iiwan at lulundag siya sa ilog pag hiniwalayan ko siya. Nag-drama ako dati na hihiwalayan ko na siya. Hindi rin pala siya lumundag.

Inalay ko sa kanya buong tiwala at puso ko. Inilatag ko lahat-lahat ng meron sakin. Pati na rin mga alagang tanim ni nanay. Hindi na ako nagtira.

Nakakatakot na masaya ang pumasok sa isang relasyon. Pero dahil sa mga pangako niya, nawala ang takot ko.

Kasama siya sa lahat ng pangarap ko. Hindi pwede na wala siya. Pag nagdradrawing ako ng dream house ko, nasa tabi siya ng bahay. Nasa ilalim ng puno. Kasama mga anak namin. May picnic basket. Pero walang laman. Ang hirap kasi gumuhit ng pagkain.

Dati yun.

Nasa desyerto siya ngayon at uuwi ngayong abril. Sa tuwing nakikita ko siya sa Facebook, naaalala ko yung unang beses na nagkita kami. Napapangiti ako. Pero nauuwi parin sa kirot.

Gusto kong suntukin ang mga camel na nasa pictures niya.

Ikakasal na siya. At hindi ako ang pinili niya para iharap sa altar. Kaya ko namang magpagupit para sabihing kagalang-galang ah?

Naaalala ko yung pangako niya. Sa bawat pangako niya ay katumbas ng kirot sa puso ko. Yung kwento namin ay parang sa pelikula lang. Pinagkaiba lang, yung amin ay walang happy ending. Nag-iiba ang tao sa pagdaan ng panahon. At hindi siya exempted.

Pasok music on cue: daldalhin kita sa aking palasyo…daldahin hangga’t langit ay manibago..ang lahat ng ito’y ipinangako mo….daldalhin lang pala ng hangin…ang tarugo ko.

Joke.

Paano nga ba makapag move on ang isang tao kung buong buhay mo ay iginuhit mo para lang sa kanya?

Mali ba ang mag tiwala? Gusto ko lang naman ay maging masaya.

 

Hala bira!

Dito ako ngayon sa Iloilo, The City of Love. Pagkatapos ng Sinulog, dito na naman ako nakipyesta. Ang saya-saya lang, ang sarap talaga malasing sa kalsada.lols.

Dinagyang means merry-making. It’s an event in Iloilo tuwing 3rd sunday of January. Pinapakita dito yung history ng Iloilo before the colonizers. The first people who settled here in the island are the Aetas daw kaya parang sayaw to ng mga eatas.

Pasensya na po, pero hindi ako yung aeta na tinutukoy ko.

Dinagyang is the Best Tourism event here in the Philippines. Sa mga taga Manila na walang time o pera to watch Dinagyang, you can also catch them during the Aliwan.

Yung mga mananayaw ay tinatawag na warriors. They have to color their skin black/brown para achieve na achieve ang pagiging aeta.

Fine. Siya na ang Machete.

Mga anak, magsasaing na tayo.

Group jump shot

 

My favorite. I like the color. Sila na yung Tribu na maraming costume.

Puwet galore!

 

Till next time! I’ll be in Boracay naman sa weekend. Parang ayoko na talagang bumalik sa trabaho. ahahahha

Pit Senor!

Kung papipiliin ako ng buwan na gustong-gusto ko, January na siguro ang pinakabest na sagot. Bakit? January is the month for festivals sa Visayas, there’s Ati-Atihan of Kalibo, Sinulog of Cebu and the Dinagyang of Iloilo. To yung buwan na hindi mo ako makikita sa bahay dahil nasa kalye ako at naglalasing. Maliban sa napapaligiran kami ng bundok at dagat, isa sa advantage ng mga taga Visayas region ay punong puno kami ng festival. (Click pictures to enlarge)

Aktwali, sinisipon ako ngayon. Siguro alam niyo naman na Sinulog dito sa Cebu last weekend. Alas 6 palang ng umaga lasing na ako at umuulan pa. Pero walang makakapigil sa paang malandi.

Sinulog is a feast of Sto. Nino, the Patron Saint of Cebu every 2nd week of January. This will be my 4th time celebrating Sinulog and probably the last….for now. Hindi ko kinaya ang crowd at ulan. Aha ha ha..Alay lakad pa.

More..

Hindi lang naman Visayan culture ang pinakita. Meron din namang mga Ifugao. May mga artista din na dumalo.

Venus Raj

Akihiro Sato

Solenn Heussaff. Nag “hi” siya sakin, hindi ko pinansin. lol

Hindi ko kilala. Wala kasi me t.v. John hall yung lalaki tapos yung nasa likod niya is Ehra Madrigal.

Spartacus and Lady gaga.lol

Kuya Ogie Alcasid. Kuya? Close? ha ha ha. Namigay sila ng t-shirt. Noong wala akong nakuha, sumigaw ako ng “Cellphone naman! Cellphone! Cellphone!!” Dukha mode? patay gutom.  Ayun, hinagisan ako ng kendi.

Last but not the least….

Jolina Magdangal….chuva chu chu chuva chu chu. joke!

O siya last set na tayu!

Majinboo…gusto ko yung outfit. Very corporate looking.lols

I find it weird looking at pinoys wearing cosplay..hmmm?

Next weekend I’ll be in Iloilo for Dinagyang and Boracay! Hala bira!

 


PS: If you’re watching Channel V, look for me sa street party scene with VJ Alvey Pulga. andun ako! Sa background…wahaha.Bleeeeh!

Dear Boy

Naalala lang kita. Binuksan ko kasi yung friendster account ko na matagal nang inaamag at nakita yung mga dating litrato mo. Napangiti ako. Ang loser mo talaga.

Siya yang naka red na may cap. Yung parating ginagawang sample sa biology class. Lols

Read more…

Bakit daw sabi ni Lio

Medyo malungkot pa ako ngayon sa pagpanaw ng dot.com ko. Ako din naman ang nagdesisyon na wag nang irenew ang domain dahil gastos lang, I decided to tone down my expenses this year since magreresign na ako starting this summer para maging professional repolyo vendor.

Bumaba ang stats ko ng 75%. Malungkot, dahil wala akong way na sabihan ang iba na nag-iba na ako ng url. Kaya sa ibang bloggers diyan, paki delete na ng luma kong link, at palitan nito:

http://www.thegreatmaldito.wordpress.com

Sa mga nagsubscribe sa blog ko, sana mahanap niyo ang daan pabalik sakin. hi hi hi  Salamat.

Ito ay post tugon sa pacontest ni Lio, yung bugaw na may ari ng www.stillssdd.com. Hindi ako mahilig sumali sa mga pacontest dahil busy ako, hindi ako maswerte sa mga pacontest, at lalong lalo na busy ako. At dahil ang premyo ay libro, (Haruki Murakami) kakagatin ko ang offer. Sana lang manalo, dahil kung hindi magbibigti ako ng naka polo at pekpek shorts. Kunti nalang, makokompleto ko na ang mga libro niya.

Bakit ako nagbabasa kay lio:

1. Unang-una, mahaba ang mga post niya. But I doesnt mean it in a negative way. Mahaba nga, pero yung may sense. Iba kasi, mahaba na, sa huli ang gusto lang pala ipahiwatig ay, good morning.

2. Marami akong bagong salita na natututunan sa kanya. Mahilig kasing gumamit ng mga words galing pa sa kalaliman ng earth. Kung minsan nga, hindi ko na namamalayan na kailangan na pala akong turukan ng dugo sa sobrang internal bleeding sa kakabasa ng kanyang sulatin. Rock on men!

3.  He thinks outside of the box. Isa sa personality na gustong-gusto ko sa mga idol ko na bloggers ay yung hindi sunod-sunod sa iba. Yung unang basa mo palang ay iba siya. Yung paminsan-minsan may ATTITUDE . Kagaya ni Jepoy at ni Glentot.  hahahahaha.

PS: Glentot, gumagana na yang link.lols

4. Dahil hindi sapat ang pagiging kaibigan lang thru blog. Ilan sa inyo hindi alam, pero nagkita na kami ng gagong yan. Binigyan niya ako ng Murakami book. Bahala na ang iba sa inyo na magalit sa kanya dahil sinabi ko na ang ayaw niyang sabihin ko sa blog. Sa totoo, mabait na nilalang si Lio sa personal.  Kung pwde lang maghubad para ibigay ang sinusuot niya, ibibigay niya. Di ba bossing Gasti? Ahahahha

5. Lastly, kaunti nalang ang katulad niya na dekalidad na blogger. I keep on hoping na yung mga bagong bloggers na medyo jologs o walang kwenta ang pinagsusulat, ay magmamature into a great blogger someday. Noong una kasi, balewala din naman ako sa mundo ng blogging. Ika nga, you have to learn from the experts. Kung sino sino ang mga yun, tignan niyo nalang ang kanang bahagi ng pahina na to.

Yan, nabuo ko na. Ilang araw ko ding pinagpawisan to. ahahahah

Post Navigation