The Great Maldito

Thou shall not bitch

Happy Thoughts

Nawawalan na naman ako ng gana. Sa kahit ano. Ito ang problema kung mukhang nakuha mo na ang lahat ng kaligayahan sa mundo at nabobore ka na sa lahat ng nakapaligid sayo.

Marami akong gustong ikwento. Pero hindi lahat ng gusto ko ay pwde na. I wish I’m still the old blogger that no one knows personally. Hindi sa pinagsisihan ko ang desisyon na magpakita, pero mas masaya siguro na magsulat na walang nakakakilala sayo. Lahat maisusulat mo. Walang limitasyon.

Ngayon, hindi ko na maisulat ang kagagohan ko. Hindi ko na rin pwedeng libakin ang mga potangenang officemates ko dahil iba sa kanila “accidentally” napunta sa blog ko. OO kasalanan ko naman kasi dahil nilagay ko ang pictures ko. Kaya simula ngayon, utong nalang ang lalagay ko dito. Pero sa totoo, for the last time. Pakyo all officemates.

Ha ha ha..Joke lang.

Sa totoo lang, sobrang stress na ako. Gusto ko nang mag resign. Panay isip ko sa mga bagay  na na nagpapasaya sakin. Simple lang naman ang mga hilig ko sa buhay.

KFC. Kung aabutan ako ng delubyo sa taong 2012, gusto ko nasa loob ako ng KFC. Bahala na magkagulo sa labas basta meron lang akong mashed potato at hotshots. Kapag may humingi ng pagkain ko. titiyakin kong hindi siya mabubuhay habang nilulunod ko siya sa gravy.

KFC ang comfort food ko. Kapag malungkot ako at sobrang pagod sa trabaho, dito ako pumupunta.  Dito ko inayakan si….habang nginunguya ang french fries. Dito ako unang kumain pagkaapak ko ng Cebu. Isa lang ang hindi pa nangyayari sakin dito. Ang makapag jerjer sa counter. Joke.

Pumunta kami dito noong weekend. Syempre nalasing na naman ako ng bonggang- bongga. Feeling ko nga isusuka ko na pati blood cells ko. 3 araw sunod-sunod na inum eh di ano pa ang kinalalabasan? WASAK.

Mahilig ako sa tubig. Basta. Tatay ko siguro si Poseidon.

Musika. Kung titignan mo ang cellphone at laptop ko, walang ibang laman yan kundi music lang. Hindi ako lumalabas ng bahay na walang earphones ang tenga. Tatay ko ang nag turo sakin na mahalin ang musika. Ngayon, kahit sa langit siya, ito lang ang tanging nag-uugnay saming dalawa. drama lang.

Stress reliever ko ang musika. Period.

Pakyo. Hindi ako pedophile.

Kids. Namimiss ko na ang bahay big time. Namimiss ko ang ingay ng mga bata at sa tuwing ginigising ako nila. Ang hirap kasi ang malayo ka e. Nag eemo tuloy.

Bakit ba talaga ako nag eemo ngayon at pilit kong iniisip ang mga bagay sa itaas? Simple lang. Masakit ang puso.

Alam ko naman na pangalawa lang ako sa puso niya. Pero ito parin. Nakiki-apid. hu hu hu.

Ice cream beer tayo!! tangenangshit!

Single Post Navigation

38 thoughts on “Happy Thoughts

  1. Hirap nga pag madame na kakilala.. di mo maisulat lahat….

  2. Aha, kahit emo emo ka eh nakuha mo pang pumunchline! Sa palagay ko eh mas mahusay na comfort food ang champoradong may buko at may sprinkles ng buto ng lansones — backstage yang ice cream beer mo.

    Cheers Maldito!

  3. pssst! kelan punta mo dito? oks lang yan… kape lang katapat nyan.

  4. totoo. mahirap nang magsulat pag alam mong madami na nakakakilala sayo. kaya ako, nililimitahan ko lang sinusulat ko, kasi minsan nagugulat ako may lumalapit sakin at nagsasabi na nabasa nila sinulat ko.

    yang problema mo sa puso, iinom mo na lang yan!! kelan ka punta manila?

  5. mahirap nga magsulat ng malaya kapag alam mong madaming tao ang personal mong kilala na maaaring makabasa ng mga possible rants.

    ayos ang comfort food mo… Mashed potatoes with super daming gravy…. heaven!

  6. mcdo ako..dun ko nakilala ang first love ko…awwtss! =)

  7. there’s more to life..cheer up!

  8. this says it all: “Alam ko naman na pangalawa lang ako sa puso niya.”
    i feel you pre.

  9. kaloka ka din anoh!? nambabasted ka pero ikaw din pla eh hindi nman trulili love ng jinojowa mo???hehehe joke!
    haist emo’t- emo’t..malapit na kc ang christmas kya ka ngkakaganyan.. ^_^

    • at bakit mukhang nag eenjoy ka ikay?ahahaha…oo ganun talaga..alangan naman pilitin ko srili ko na gustuhin ang isa eh iba naman talaga ang gusto ko..nag aaksaya lang siya ng panahon para sakin..kagaya ng pag aksaya ko ng panahon sa isa. lols

  10. Percy Jackson ikaw ba yan?? tatay mo si Poseidon?? hehe

    Cheers!

  11. kanina sa KFC ako nananghalian. wala lang mabanggit lang.

    bakit dun sa last post mo ikaw ang may mahabang hair, pero dito, para kang nakalbo. anyare? classic example ba ng mahal ka niya pero di mo siya mahal at mahal mo siya pero meron siyang iba? yay.

  12. makikipagpatayan ako sa mashed potato! lol! hahaha…
    malungkot tlaga kapag “pangalawa” ka lng, gusto mo iambush natin ung pang-una sa puso nya? hehehe…oks lng yan, pre tara itagay na natin yang pinagkaka-Emuhan mo..:D

    -kakatuwa, pareho tau ng mga comfort zone…hahaha…maliban sa KFC, lahat kasi ng pwede kainan comfort zone ko e, kahit motel..hahaha!

  13. Parang yung bessy ko din yan ang pinoproblema. Haha.
    Mahirap magcheer up ng tao lalo na kung pagibig ang problema.
    Kahit gaano kadaming kfc kainin mo, saglit lang yun, pag gutom ka na ulit, emote na ulit.
    Ngiti lang ser. Think (+). Ang Seryoso ko. Shetness. Haha.

    • Yow…break it down yow…ahahahha
      ganyan talaga kung maka arte ang iba…alam naman na hindi ikaw ang una nakikisali pa…di ba saktong masachista lang? alam naman na masasaktan, pasok ng pasok parin.ahahaha

  14. pasok ka ng pasok kasi lab mo yung tao eh, mahirap iwasan yan lalo na nakatatak na siya sa puso mo…you remind me of a bitch (pero hindi ka bitch ha…hahaha) na sige ng sige kahit pinamumukha na ng bf ko na may gf na siya, hindi pa rin sumusuko..tigass niya sarap kutusin..lol

  15. Ako, Oreo McFlurry ang comfort food ko. Pwede din KFC. Haha.

    Pero just in case na mangibang bansa ka, huwag kang mag-KFC. Dito sa Singapore at Malaysia, hindi masarap ang KFC. WALANG GRAVY!

    The best pa din ang KFC sa Pinas. Ewan ko lang sa US.

  16. Naisip ko ng gumawa ng panibagong blog at maging anonymous, pero sa tingin ko hindi magwowork saken. Kase ang madalas na iniistok eh mga anonymous. At takot ako sa stalkers. Haha.

    SHET! KRUSHER! SHET! HANSARAP NG BERRY KRUSHER! Walanghiya mapapagastos ako nyan mamaya eh!

    Kelangan talagang sabihin na di ka Pedophile noh? Haha.

    Hindi ako mahilig sa bata. Ako ang mahilig mag discriminate pagdating sa bata. Hindi ako natutuwa sa maiingay na bata lalo na kung di naman sila cute. At ayoko sa mga makakalat na bata lalo na kung mukha silang hampaslupa. Sige ako na ang mapanghusga, pero ilayo nyo sila saken.

    Tara beer tayo!

    • Ahaha, gusto ko to, gustooong gusto ko tong line na to:

      Hindi ako natutuwa sa maiingay na bata lalo na kung di naman sila cute. At ayoko sa mga makakalat na bata lalo na kung mukha silang hampaslupa. Sige ako na ang mapanghusga, pero ilayo nyo sila saken.

      Apir mammeee, haysowlavet!

  17. natawa talaga ako dun sa hugas kamay agad na linyang “hindi ako pedophile”. ahhaha! parang umaayaw kc yung bata sa picture tapos may takip pa sa mata. hahahha!

    gusto ko din sa kfc. andun nga ko kumain mag isa kahapon. hotshots at mini bucket of fries saka mountain dew. pinipilit ko lang talaga kumain pero yung gana ko kasi pasulput sulpot lang.

  18. nakakarelate na sana minsan anonymous na lang ako para nasusulat ko lahat ng gusto ko isulat, pero naisip ko lang, ano paki ko sa kanila, blog ko naman un kya isusulat ko lahat kahit maumay sila… pero pinapangalagaan ko na hindi malaman sa opis kasi disaster.

    mabubuhay ako na kfc lang basta wag mawawala ang gravy =)

  19. Arrrgghh bakit lahat ng napuntahan kong blogs ngayon ay depressed? Hindi ba kayong masaya dahil swelduhan na naman? Hahahaha

  20. oh, dati ako anonymous din ako – limitado na. as in vague.
    pero ngayon di na – baligtad ata ang mundo,. haha
    fave ko sa kfc ang pasta bowl! : D

  21. ang pinapapak ko talaga diyan eh ‘yung hot shots nila tsaka ‘yung pasta bowl nila. sarap ng chicken alfredo. tae, naglalaway na ‘ko dito.

    at wag ka nang magkaila. hobby mo talga ang pedopilya. :p

  22. yucks, kfc? you’re so cheap ha! ***puking…

    HAHAHA

  23. Bakit ka mallungkot na single ka eh kung lahat naman ng Taken eh Gusto ka pards! Chillax!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: